You are on page 1of 6

PAGSUSURING PAMPELIKULA

I. TUNGKOL SA PELIKULA
A. Pamagat ng Pelikula:
THE BOY IN STRIPED PAJAMAS.

The Boy in the Striped Pajamas. Sa unang basa ng mga


salitang ito, ang mensahe na nakuha ko ay ang ideya ng
kasiyahan lamang ngunit nang mapanood ang pekilula
ay mas lalo kong naintindihan ang pamagat. Naging
pokus ng pelikula ang paghuhuli at pag-aabuso ng mga
Aleman sa mga Hudyo o mas kilala bilang ang Holocaust.
Pinakita sa pelikula ang isang kampo kung saan
kinukulong ang mga Hudyo kasabay ng kasuotan nila na
mukhang mga padyama. Nagpapahiwatig ang pamagat
na ito tungkol sa pagka-inosente ng pangunahing tauhan
na si Bruno sa mga bagay na pumapaligid sa kaniya.
Napakita ito sa maling pagkukumpara ni Bruno sa
karaniwang padyama at sa uniporme ng mga preso. Ito
rin ay naging parte ng kwento na tungkol sa mga bagay
na nadidiskubre ni Bruno sa kaniyang
pakikipagsapalaran sa pelikula. Maganda ang paggamit
ng pamagat na ito para sa pelikula dahil hindi ito ang
inaakala ng manonood. Ito ay nakapagbigay ng twist.

B. Direktor:
Mark Herman
C. Prodyuser:

David Heyman

D. Pangunahing Tauhan

Ang mga pangunahing tauhan ay kinabibilangan ni


Bruno( Asa Butterfield) at Shmuel( Jack Scanlon)

E. Tema ng Pelikula

Maraming tema ang tinahak ng pelikula para sa


paghahatid nito ng kwento. Napapabilang dito ang
tema ng pamilya, karahasan, digmaan, pagka-inosente
ng kabataan at mas lalo na ang diskriminasyon sa lahi.
Mahusay ang pagtagni-tagni ng pelikula sa mga temang
ito, balanse ang ambag ng bawat tema sa kabuuang
kwento. Ang tema ng diskriminasyon sa lahi ay ang
nagbigay ng suliranin ng kwento, karahasan at digmaan
ay ang mga temang nagbigay ng kabuuang pakiramdam
ng pelikula, at ang pagka-inosente ng mga bata ay
ginamit bilang mga mata o lente ng manonood kasabay
ng mga pangunahing tauhan. Maganda ang pag-atake ng
pelikula sa diskriminasyon, ito ay ang naghatid ng
mismong mensahe ng pelikula, napakita nito ang
malaking epekto sa mga taong nasasangkot dito at ang
mga masamang gawaing nagagawa ng mga tao tungkol
dito. Napakita ng pelikula ang kasakiman at pagkamuhi
na nabubuo sa mga tao kapag hinarap sa temang ito.
Huli ay nauugnay ang mga bata, matanda, kababihan, at
mga pamilya sa pelikula.
F. Buod ng Pelikula

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang 8-taong-


gulang na si Bruno (Asa Butterfield) at ang kanyang
pamilya ay umalis sa Berlin upang manirahan malapit sa
kampong piitan kung saan naging commandant ang
kanyang ama (David Thewlis). Malungkot at malungkot,
gumala siya sa likod ng kanyang bahay isang araw at
nahanap niya si Shmuel (Jack Scanlon), isang batang
Hudyo na kasing edad niya. Kahit na ang bakod ng
barbed-wire ng kampo ay naghihiwalay sa kanila, ang
mga lalaki ay nagsimula ng isang ipinagbabawal na
pagkakaibigan, na hindi napapansin ang tunay na
kalikasan ng kanilang kapaligiran.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika

Maganda,maayos,malinaw ,nagbigay linaw sa mga


pangyayari, atnagbigay daloy sa nararamdaman ng mga
manonood ang bawat tunog atmusika na nilapat sa
pelikula.

B. Sinematografi
Maganda ang kabuuang kulay ng pelikula at mapusyaw
ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng camera.
Maganda rin ang visual effects na ginamit sa pelikula

C. Pagkakasunod-sunod Ng Mga Pangyayari


Maayos ang pagkakasunod sunod nga mga pangyayari
sa pelikula at lalong hindi ito nakakalito. Lahat ng linaw
at tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa

D. Pagganap Ng Mga Artista

Maganda ang pagkaganap ng mga artista at


makatotohanan ang emosyong kanilang pinapakita.
Nakatulong ang kanilang pag arte sa nilalaman sa
pamamagitan ng pag unawa at pag master sa totoong
ipinapahiwatig ng kwento, naipakita nila ang iba't ibang
uri ng emosyon sa pamamagitan ng pag arte base sa
ipinahihiwatig ng pelikula.

E. Tagpuan

Mayroong maganda tagpuan ang palikula at


nakatutulong ang tagpuan sa kabuuang panlabas at
angkop ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng
pelikula

III. Kahalagahang Pantao


A. Paglalapat ng Teoryang Realismo

Makatotohanan ang mga pangyayaring ipinakita sa


pelikula. Ang isyung naganap sa pelikula na
maihahalintyulad sa isyung naganap sa lipunan ay ang
kinakatawan ni Shmuel ang 1.5 milyong bata na
pinaslang ng rehimeng Nazi sa Auschwitz-Birkenau, sa
mga kampo ng kamatayan ng sinakop na Europa at sa
mga lugar ng pagpatay kung saan milyon-milyong
sibilyan ang binaril sa mga libingan ng masa.

B. Mga Aral

Ang mensahe ng The Boy in the Striped Pajamas ay lahat


tayo ay higit na magkatulad kaysa tayo ay magkaiba. Ang
inosenteng pagkakaibigan ng batang Hudyo na si Shmuel
at ang anak ng Nazi na si Bruno, na itinakda laban sa
kakila-kilabot na backdrop ng Holocaust, ay nagpapakita
ng katotohanan na ang mga dibisyon sa pagitan ng mga
tao ay arbitrary. Ang aklat na ito ay nagkokomento din
sa kakayahan ng mga tao na bigyang-katwiran ang mga
masasamang aksyon na ginawa laban sa "ibang" tao.
Ang pamilya ni Bruno ay nagbibigay-katwiran sa kanilang
sariling pakikilahok sa rehimeng Nazi—sila ang may
pananagutan sa hindi mabilang na pagkamatay—ngunit
nararamdaman lamang ang tunay na kabangisan ng mga
silid ng gas kapag ang kanilang sariling anak ay pinatay
nila.

C. Kabuuang Pananaw
Naiiba ang pelikulang ito sa ibang mga pelikulang
napanood ko dahil ito ay base sa totoong pangyayari,
naiiba rin ito dahil magaling umarte ang mga gumanap
sa kwento, naitawid nila ng maayos ang kanilang mga
linya ng binabalot ng iba't ibang emosyon. Katapat dapat
na panoorin ang pelikula upang malaman natin kung ano
ang mga nangyari noong World War II at kung ano ang
mga sinapit ng milyon milyong silbilyan sa Europa.

You might also like