You are on page 1of 5

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

PAARALANG J. P. RIZAL
Tayuman St., Tondo, Maynila

FILIPINO VI
IKAAPAT NA MARKAHAN-IKATLONG LINGGO

LUNES-BIYERNES MAYO
15-19, 2023

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng takdang-oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pelikula
b. Natutukoy ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang-isip o
piksyon at di-piksyon
II. PAKSANG-ARALIN
Iba’t Ibang Uri ng Pelikula
Kathang-Isip at Di-Kathang-Isip/ Piksyon at Di-Piksyon

A. Sanggunian: DBOW, DCS Manila Module , ADM Module ,USLEM


Pivot Calabarzon
B. Kagamitan sipi ng larawan, googleslide presentation

C. Integrasyon: ESP, MAPEH, AP

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Panuto: Isulat ang K sa kung ang teksto ay nagpapahayag ng Katotohanan at O
kung Opinyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Ang dengue ay nakamamatay.
_____2. Ang mga babaeng may mahahabang buhok ay magaganda.
_____3. Si Corazon Aquino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
_____4. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking pangkat ng mga pulo.
_____5. Lahat ng mga Pilipino ay masisipag.
_____6. Ang Probinsiyano ay isang uri ng aksiyon na palabas sa telebisyon.
_____7. Makatotohanang kuwento ang ipinalalabas sa Maalala mo Kaya (MMK).
_____8. Nakaaalis ng pagod ang panonood ng telebisyon.
_____9. Gustong–gusto ng mga batang panoorin ang animasyon.
_____10. Nakalulungkot manood ng musikal na palabas sa telebisyon.

B. Pagganyak
C. Panlinang na Gawain

1.Paglalahad

2. Pagmomodelo
URI NG PELIKULA
1. Pantasya – Ito ay nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng
imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kuwentong bayan o mga
istoryang hango sa mga natutuklasan ng Siyensiya.
2. Drama – Ito ay pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o
tunggalian. Nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang mapaiyak ang manonood.
3. Komedya – Ito ay pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad
ng kasiyahan. Ipinakikita sa mga ganitong palabas o pelikula ang mga kuwentong
magaan lamang na pag-usapan.
4. Musikal - Ito ay komedyang may temang pag-ibig. Puno ito ng musika at
kantahang may sayawan.
5. Katatakutan – Ito ay pelikulang humihikayat nakapagpapatindig balahibo
sa mga manonood dahil sa nakakikilabot nitong kuwento at pagganap ng mga
tauhan. Kadalasang tungkol sa kapre, duwende, tiyanak, maligno, at iba pang
nilalang ang ipinakikita nito.
6. Romansa – Ito ay umiikot sa kuwento ng pag-iibigan ng mga tauhan sa
pelikula.
7. Historikal – Ito ay mga pelikulang base sa mga tunay na pangyayari sa
kasaysayan.
8. Aksiyon- Ang pelikulang ito ay nakapokus sa pisikal na labanan.

Ang kathang isip o fiction ay pawang likha nang malikot at malawak na


imahinasyon. Lahat ng pangyayari ay di -makatotohanan at pawang gawa-gawang
kuwento lamang ng manunulat. Karaniwang inilalahad sa maikling kuwento, tula,at
alamat.

Ang di-kathang isip o non-fiction- ito ay makatotohanang paglalahad ng


mga tunay na pangyayari. Karaniwang inilalahad sa isang maikling kuwento,
pagbabalita,talambuhay at kasaysayan.

3. Paglalahat

Ang mga uri ng pelikula ay ang mga drama, pantasya, historikal, komedya, katatakutan,
aksiyon, pag-ibig o romansa, at musikal. Ito ay maaaring isang piksyon o di-piksyon.

Ang kathang isip o piksyon ay hindi makatotohanang mga pangyayari. Ito ay kathang-
isip lamang o mula imahinasyon ng manunulat.

Ang di-kathang-isip o di-piksiyon naman ay makatotohanan at mayroong pagbabasehan.


Hango ito sa totoong buhay o mga pangyayaring mula sa kasaysayan.

4. Pagsasanay
Gawain 1
PANUTO: Tukuyin kung Romansa, Drama, Katatakutan, Komedya, Kasaysayan, o
Pantasya ang uri ng sumusunod na pelikula.
5. Pagtataya
PANUTO: Basahin ang bawat aytem at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Si Mang Jose ay mahilig sa pelikulang punong -puno ng habulan at
maaksiyong eksena. Anong uri ng pelikula ang nais niya?
A. Pantasya B. Komedya C. Pag-ibig D. Aksiyon

2. Ang pelikulang A Mother’s Story ay tumutukoy sa ginawang pagtitiis sa hirap ng


isang ina na magtrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng
anak. Anong uri ng pelikula ito?
A. Katatakutan B. Aksiyon C. Pag-ibig D. Drama

3. Ang mga pelikula tulad ng Shake, Rattle and Roll, Ouija at The Haunted
Mansion ay ilan lamang sa pelikula ng katatakutan. Ano ang layunin ng ganitong
uri ng pelikula?
A. Pakiligin ang manonood C. Paiyakin ang manonood
B. Magbigay ng kasiyahan D. Sindakin o takutin ang manonood

4. Anong uri ng pelikula ang Goyo:Ang Batang Heneral na hinggil sa buhay at


pakikipagsapalaran ng batang heneral na si Gregorio del Pilar noong panahon ng
pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Musikal B. Historikal C. Pantasya D. Drama

5. Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia na may mensahe ng


pagpapahalaga sa kalikasan, pagmamahal sa pamilya at paniniwala sa kakayahan ng
isang tao ay isang pelikula na gumamit ng larawan o pagguhit. Anong uri ng
pelikula ito?
A. Komedya B. Animasyon C. Aksiyon D. Drama

IV. Pagpapahalaga
a. Ano ang iyong mga natutuhan sa araw na ito?
b. Ano ang iyong ipinamalas na pag-uugali sa natapos na gawain?

You might also like