You are on page 1of 4

Pangalan: Jerah Mae D.

Canlas Taon at Seksyon: OV III-3 BFE

Bumasa o manood kayo ng isang nobela o Pangkasaysayang Nobela, Pelikula na nauukol sa


ating Lipunan at suriin ang Pormat sa Suring Basa:

I. Pamagat- “Baler”

a. May-Akda- Roy C. Iglesias at Dinirehe ni Mark Meily

b. Referens-

https://youtu.be/LbwpUO19luk?si=o8r1mzZ0c-lAb52Z

https://youtu.be/MG62R92jucg?si=9XezlQu39F6hZapA

https://youtu.be/y_XE1gL2FLs?si=xckseRX6-ItridQ7

https://youtu.be/SBViuj897dA?si=8haZonu2cz_BH8LO

II. Buod

Ang "Baler" ay isang historikal na pelikula na ipinalabas noong 2008 at idinirehe ni Mark
Meily. Ang kwento ng pelikula ay nakatuon sa naganap na Siege of Baler noong 1898 sa gitna
ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya. Maraming mga sundalo at mga
mamamayang Pilipino ang namatay sa labanang iyon. Ngunit sa kabila nang lahat, naging
daan ito upang makatagpo ng isang wagas, tunay, at walang hanggang pag-ibig ang dalawang
tao na nasa magkaibang panig na sina Celso Resurreccion (Jericho Rosales) at Feliza Reyes
(Anne Curtis).

Ang pelikula ay naglalaman ng mga tagpo ng kagitingan, pag-ibig, kataksilan, at pag-asa sa


kabila ng matindi at masalimuot na sitwasyon ng digmaan. Kagitingan sapagkat
matutunghayan natin sa kwento ang labis na pagmamahal ng mga karakter sa kanilang
bayan. Handang magsakripisyo at ialay ang sariling buhay upang makamit ang kalayaang
hinahangad para sa bayang lubos na minamahal. Makikitaan din ang pelikula ng pag-ibig
hindi lamang para sa bayan kundi pati na rin sa kapwa. Katulad na lamang ng wagas na pag-
iibigan nina Celso at Feliza, Lope at Luming na nagpapatunay kung gaano kalakas ang
kapangyarihan ng pag-ibig na kahit na hadlangan man ng mga pagsubok ay hinding-hindi
matitibag. Ika nga ni Aladin sa nobelang Florante at Laura “O pag-ibig ‘pag pumasok sa puso
nino man, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang!” Matutunghayan din sa pelikula ang
pag-asa sapagkat ang tauhang si Celso ay umaasang makita, makasama, at makapiling muli
ang minamahal na si Feliza upang sabay na tuparin ang kanilang simpleng pangarap na
magkaroon ng isang mapayapa at masayang pamilya. Ganun din si Feliza na umaasang
matatapos din ang kaguluhan sa dalawang hanay. Mababatid din sa pelikula ang pagtaksil at
pagtatraydor sa kaibigan katulad na lamang sa huling bahagi nang pelikula na kung saan
nagising ang pinuno nina Celso at sila'y nahuli na tumatakas. Nilaglag siya ng kaniyang
kasama sa pamamagitan ng pagbaliktad ng istorya. Dahil doon, napagpasyahang hatulan ng
kamatayan si Celso. Siya ay pinahirapan at sa kalaunan ay binaril ng kaniyang kasamahang
nagpahamak sa kaniya. Matapos sumuko ang mga Espanyol, agad na hinanap ni Feliza si
Celso ngunit hindi niya ito natanaw kaya siya ay tumakbo sa loob ng simbahan.

Sa kabuuan, ang pelikula ay isang makulay na pag-alaala sa mga bayani ng Baler na


nagtaguyod ng kanilang paniniwala at pagmamahal sa bayan kahit sa gitna ng kaguluhan at
digmaan. Nagpapahiwatig ito na sa kabila ng pait at sakit na naranasan, may kapayapaan at
bagong pag-asa na naghihintay. Sa katapusan ng kwento, nadatnan ni Feliza si Celso sa loob
ng simbahan na nakagapos at wala nang buhay. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na
pinangalanang niyang Celso- katulad sa pangalan ng lalaking lubos niyang minamahal
hanggang dulo. Ikinuwento ni Feliza sa kanyang anak ang wagas at walang kamatayan nilang
pag-ibig at pagmamahalan ni Celso.

III. Tema/ Mensahe

 Wagas at walang hanggang pagmamahalan nina Feliza at Celso na kahit na daanan


man ng unos at pagsubok ang kanilang pagmamahalan, ito'y hindi mawawasak o
matitibag kailan pa man.

a. Bisa ng Kaisipan

 Sa pelikulang “Baler,” ipinapakita ang bisa ng kaisipan sa pamamagitan ng mga


karakter na nagtataglay ng matibay na paninindigan at tapang sa kabila ng mga
suliraning dulot ng digmaan. Ang kaisipan ng bawat karakter ay nagiging daan para sa
pag-asa, pag-ibig, at pag-asa ng kapayapaan kahit na sila ay nahaharap sa mga
pagsubok at panganib. Ang pagpapakita ng tapang at pag-asa ay naglalarawan ng
kakayahan ng kaisipan na magbukas ng landas tungo sa pagbabago at pagkakaisa. Ang
pelikula ay naglalarawan ng pag-ibig at pagtutol sa gitna ng digmaan, maaaring
magsilbing simbolo ng mga hamon at pagbabalanse sa ating kasaysayan. Maaaring
maugnay ang ilang tema nito sa kasalukuyang lipunan, tulad ng pagpapahalaga sa
kalayaan, pagkakaisa, at pag-ibig sa bayan. Ang mga aspeto ng pag-ibig, sakripisyo, at
pakikipaglaban para sa laya ay maaaring maging mapanagot sa mga kontemporaryong
isyu o adhikain.

b. Bisa ng Damdamin

 Ang pelikula ay nagsasaad ng matinding emosyon sa pag-unawa sa mga pangyayari at


kung paano nakakaapekto sa mga desisyon at kilos ng mga karakter ang emosyong ito.
Sa konteksto ng pelikula, ang damdamin ng pagmamahalan, pangungulila, at takot ay
nagbibigay-buhay sa mga karakter at naglalarawan ng masalimuot na karanasan ng
mga taong naapektohan ng digmaan. Ang "Baler" ay isang pelikulang may malalim na
damdamin at mensahe hinggil sa pag-ibig, paghihirap, at pag-asa sa harap ng digmaan.
Maaaring makaramdam ang mga manonood ng emosyon na kaugnay sa pagkakaroon
ng tapang, pagmamahal sa bayan, at kahalagahan ng pagtutulungan sa mga panahong
masalimuot. Ang mga damdamin at mensaheng ito ay maaaring magbigay-inspirasyon
at magtulak ng mga tao na magtaguyod ng pagkakaisa at pagmamahalan sa kanilang
sariling lipunan.

IV. Teoryang Ginamit sa Akda

 Teoryang Historikal sapagkat ang pelikula ay tumatalakay ukol sa kasaysayan na


naganap sa Baler at kung paano natapos ang digmaan sa pagitan ng Filipino-
Amerikano. . Sumisimbolo ang pelikulang ito sa isang makabuluhan at totoong
pangyayari na naganap sa Baler.
 Teoryang Romantisismo dahil bukod sa madamdamin ang pelikula, ipinamalas din nito
ang iba't ibang uri ng pagamamahal gaya ng pagamamahal sa kapwa, pamilya,
kasintahan, at sa lupang sinilangan. Ipinakita rin dito na lahat ay magagawa para sa
minamahal.
 Teoryang Feminismo dahil sa partikular na binibigyang-pansin ang papel ng mga
babae sa kwento at ang kanilang mga naging epekto sa pangyayari.
 Teoryang Sosyolohika dahil ang pelikula ay nagpapakita ng mga aspeto ng lipunan,
kultura, at pulitika na maaaring magsilbing pundasyon kung paano makikita sa lelikula
ang interaksiyon ng mga tao at ang impluwensya ng lipunan sa kanilang buhay.

You might also like