You are on page 1of 4

St.

Peter’s College of Ormoc


Fr. Ismael Cata-ag St., Ormoc City, 6541 Leyte, Philippines
Tel. No. (053)255-7597 Fax: (053) 255-3406

SY 2021-2022 School Theme:


“Benedictine Education: Mission at the Service of the Human Person”

WIKA13
GI: 5182022
Julien P. Tomolac BSED FILIPINO III

DULA: MGA BAHAGI AT MGA


URI
ANO ANG DULA?

Isang genre ng panitikan Naglalaman ito ng mga


kuwento na iniaakto ng mga
na kinatha o isinulat tauhan sa isang espasyo na
para itanghal. kung tawagin ay entablado.

MGA PANANAKOP NA
NAKAIMPLUWENSIYA SA DULA

Panahon ng mga Espanyol:


Naimpluwensiyahan ang mga dula ng
temang panrelihiyon. Kaya naman
nagkaroon ng mga dula tulad ng senakulo,
komedya, panunuluyan atbp.

Panahon ng mga Amerikano: Ang mga


dulang may awitin at sayaw ang naging
popular tulad ng sarswela gayundin ang
mga dulang politikal at makabayan.

Hindi lamang sa entablado itinatanghal ang dula dahil maaari rin


itong makita sa tahanan at maging sa lansangan. Dahil sa pag-
usbong ng teknolohiya hindi na nalilimitahan ang pagtatanghal ng
dula. Maaari nang gumamit ng mga studio at location set katulad
nang napapanood sa mga pelikula o teleserye.
ANO ANO ANG BAHAGI NG DULA?

YUGTO: ang itinuturing na mga kabanata na


naghahati sa dula. Sa tanghalan, ito ang
nagsisilbing panahon ng paghahanda para sa
susunod na yugto at maging para sandaling
makapagpahinga ang mga aktor.

EKSENA: ang tumutukoy sa bahaging


naghahati sa yugto. Ito ay maaaring magbadya
ng pagbabago sa tagpuan kaayon ng mga
susunod na pangyayari o kaganapan.

TAGPO: tumutukoy sa paglabas at pagpasok ng


mga tauhan na gaganap sa isang eksena.

MGA URI NG DULA

KOMEDYA: uri ng TRAHEDYA: MELODRAMA:


mga dulang nagpapakita ng mayroong
nagtatampok ng mabibigat o malungkot o
mga katawa-tawang
masasalimuot na nakakaantig na
pangyayari sa
buhay. Ang mga pangyayari tema sa simula
pangunahing sa buhay ng isang subalit
karakter dito ay tao. Kalimitang nagwawakas ito
mga lalaking nasasawi ang sa masayang
politiko dahil pangunahing pangyayari at
sinasabing sila ay karakter sa uri ng mababait na mga
banidoso at may dulang ito. tauhan.
kahangalan din.
MALIKHAING PAGSULAT NG
MAIKLING KUWENTO
ANO ANG MAIKLING KWENTO?

Isa sa pinakapopular na uri ng panitikan.


Isang salaysay na may iilang tauhan na
nag-iiwan ng impresyon. Ito ay
karaniwang maikli at kayang tapusing
basahin sa isang upuan lamang.

MGA ELEMENTO:

TAUHAN: ang gumaganap at nagbibigay -


buhay sa kwento. Tandaan hindi lang ga
tao ang puwedeng maging tauhan maaari
itong maging hayop, bagay, halaman atbp.

TAGPUAN: mahalagang mailarawan ng maigi


ang tagpuan. Sa ganitong paraan, dadalhin
natin ang taing mambabasa sa loob ng ating
kuwento upang madama rin nila at
maranasan kung ano ang mayroon sa
kuwento.

BANGHAY: tumutukoy sa daloy o


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento. Tatlong bahagi: SIMULA,
GITNA at WAKAS.
REPLEKSIYON

Napakagandang isipin na sa pamamagitan ng panitikan


mas nagkakaroon ng interes ang karamihan na bumasa
at maipakita ang angking galing sa pagsulat ng mga
natatanging obra. Malaking bagay ang mga bidyung
ibinigay sa amin dahil mas nagkaroon pa ako ng
malawak na kaalaman sa dula at sa maikling kuwento.
Alam ko na parang paulit-ulit na itong itinuturo sa
paaralan ngunit may pagkakataon pa rin na may mga
iilang parte na nakakaligtaan. Sa katunayan, halos lahat
sa atin ay mahilig magbasa at magsulat ngunit upang
mas mahasa pa ang kasanayang iyan ay mas maiging
magsaliksik ng mga impormasyon mapa-bidyu man o
sa mga aklat dahil naniniwala ako na hindi nagtatapos
ang pagkakatuto. Araw-araw ay maya nadaragdag na
panibagong impormasyon na tiyak kong magagamit mo
rin sa hinaharap.

“To Teach Truth & Practice Love in Life of Service”

You might also like