You are on page 1of 4

Pangasinan State University

Lingayen Campus
Lingayen Pangasinan

LIT 107
Dulaang Filipino
Unang Semestre, Taong-Panuruan 2021-2022

Inihanda ni Mary Grace E. Ubando

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

BAGONG LIPUNAN/MAKABAGONG PANAHON (KASALUKUYAN)

Muling sumigla ang panitikang Pilipino nang tuparin ni Douglas McArthur ang
kanyang pangako at natalo ang mga Hapon. Nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak sa
larangan ng pagsusulat gaya ng Palanca Memorial Award sa literaturang Ingles at
Pilipino, Gawad ni Balagtas Award, Republic Cultural Award at Taunang Gawad ng
Surian ng Wikang Pambansa.

Sa panunumbalik ng kapayapaan sa Pilipinas noong 1946 ay muling


nagpanibagong sigla ang panitikan. Pinasigla ng unang ginang Imelda Marcos ang
dulaan sa panahong ito sa pamamagitan ng pagpapaayos ng lumang tanghalan at
pagtatayo ng sentro ng tanghalan. Nagkaroon ng pagsisikap na buhayin ang
sarswela, senakulo, embayoka ng mga Muslim na pawing itinanghal sa
ipinangkumpuning Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural
Center of the Philippines. Sa kasamaang palad, ay naging malamig ang bayan sa
pagtangkilik.

Sa panahong ito ng elektroniko na ang pinakamalakas na pwersang


pangkapanutuhan ay ang midya – komiks, radio, telebisyon, at pelikula ang angkop na
angkop at maunlad na maunlad na sangay ng panitikang Filipino ay ang dula. Dati-rati
kasi ay hanggang tanghalan o teatro lamang ang iniikutan ng dula. Ngayon, higit itong
nakikita, nakikilala, at napalalaganap sa midya.

Sa pagpasok ng panahon ng Bagong Lipunan ay nabigyang sigla ang


pagsasadula. Nagpatuloy ang nasimulan nang mga pagsasalin sa Pilipino ng mga
klasikong opera, ang pagkakaroon ng mga pinagsanib na dula, awit at sayaw na
nagtatampok ng mga katutubong atin.
Sa panunuring isinagawa ni Nicanor Tiongson sa mga dulang nasasaklawan ng
panahon ng bagong lipunan ay gumawa siya ng dalawang pag-uuri nito: dulang
panlabas at dulang panloob. Ang panlabas na karaniwang tawag sa iba’t ibang
dulang Pilipino na may impluwensya ng mga Kastila gaya ng komedya, drama o
sarswela o dala ng mga Amerikano na bodabil at stage show. Ito ay dulang ang
pangunahing layunin ay magdulot ng aliw, eskapista sa kalikasan at sa mga sandali ng
panonood ay nakapagpapalimot ng mga suliranin.

Ang ‘Sinta`’ ay ang pag-iibigan ng isang binatilyo’t dalagita na pinagbabawalan


ng kanilang mga magulang, na nagkunwaring magkagalit upang hindi mahalata ng
dalawa na ibig na ibig nilang ang magkatuluyan. Nakaiigaya din ang mga palitang-
salitang nilikha ni Pagsanghan na nakapagbigay ng bagong anyo at kulay sa dati ng
paksang pag-iibigan.

Ang “Bata pa si Isabel” ay pagbabalik-gunita sa mga gintong panahon ng ating


mga awit at mag-aawit (Mystery Singer *Cecil Lloyd*, Katy dela Cruz, Bayani Casimiro,
Bobby Gonzales atbp.) na pinagtahi-tahing dulaan, mga awit at sayaw upang makaliha
ng parang may kaisahang panoorin na nakaliliban ngunit walang kahalagahang
panlipunan.

Ang “Gintong Alaala” na nagtatagni-tagni ng mga pangyayaring maaaring


pasukan ng mga awitin.

Ang “Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat” na pinapurihan ang


pagiging naturalistiko nito at ang pagkakaroon ng kamalayang panlipunan. Pinapaksa
nito ang buhay ng isang bakla na nagpaaral sa isang binatang natutunan niyang ibigin,
nang malaman niyang ikakasal na ito ay hindi nya natiis na aminin ito sakanya na sanhi
ng paglayo ng huli. Sa kabila ng paghanga sa kapani-paniwalang karakterisasyon ng
may-akda ay naroon pa rin ang kahinaan ng naturalistikong kalagayang hindi
nagtagumpay na isiwalat ang lalong malaking katotohanan ng kapaligiran ng tauhan,
ibang tao, lipunan at ang buhay.

Ang panloob naman na sumasalamin sa lipunan at sa pakikisangkot ng mga tao.

Ang “Maranatha” na isang alamat ng Lanaw na sa matalinong pagsulat at


pamamatnugot ni P. Galenzoga ay matagumpay na nabigyang buhay sa tanghalan.
Isang malalim na mensahe ang ipinahahatid ng dula na sumasalamin sa mga
nangyayari sa lipunan.

Ang “Kabesang Tales” ni Paul Dumol ay pumapaksa sa isa sa pinakamagiting na


tauhan ng El Filibusterismo ni Rizal. Mabisa niyang nabigyang-buhay si Kabesang
Tales at napagitaw sa pamamagitan ng kabalintunaan ang pagkahubad kay Kabesang
Tales ng kanyang kabuhayan at karapatan habang nagbibihis ang pari ng maingal na
kasuotang pangmisa, na nagpapahiwatig ng paggamit niya bilang kinatawan ng Diyos
sa pangangamkam ng pinaghirapan ng iba. Isang malalim na kakintalan ang naiwan sa
mga manonood sa eksenang inihuhugos ang duguang katawan ni Pari Clemente na
pinatay ni Kabesang Tales . Nanghihinayang si Tiongson dahil hindi nagwakas ang dula
sa pagpapahiwatig na namumundok si Kabesang Tales yamang walang makitang
katarungan sa bayan.

Bunga ng impluwensya ng wikang ingles, namutiktik sa bansa lalo na sa mga


eksklusibong paaralan ang mga dula sa wikang ingles na nagbigay daan sa mga
pangkat pandulaan na nakabatay sa mga paaralan, kolehiyo at Unibersidad.

Sa panahong ding ito nauso ang mga dulang proletaryo, dulang politikal at
dulang lansangan.

Dulang proletaryo – mga produksyong itinatanghal ng mga manggagawang


mandudula at ng mga pangkat pangkalinangan. Ito ay binubuo ng mga awit, iskit,
myural at mga improbisasyon upang magganyak ng mga political at pangkulturang
kamalayan. Nagpatuloy ito hanggang dekada ’80 hanggang sa kasalukuyan.

Dulang politikal – mga pagtatanghal ng mga dulang ang layunin ay magpabago


o magpaunlad ng mga sistemang pampamahalaan sa paraang hayagan o di-hayagan.

Dulang lansangan – dulang namalasak noong namutiktik ang aktibismo noong


dekada ’60 at ’70 at lalo pa itong umigting noong unang bahagi ng dekada ’80 bago
nagtapos ang rehimeng Marcos. Layon ng mga dulang ito ang magbigay ng kabatiran
sa mga karapatan ng tao. Gayundin, layuning nito na magbigay kasiyahan.

Komiks – kahit hindi bilhin ay nahihiram o naaarkila sa murang halaga at talaga


namang pinipilahan at inuupuan ng mga estudyante sa Feati sa gilid ng bangketa sa
halip na magbasa ng libro sa aklatan ng kanilang pamantasan. Mangyari, bagamat
mauuring babasahin ang komiks, maituturing naman itong isang anyo ng pagsasadula o
panonood ng dula. Bukod kasi sa mga nakakwadrong diyalogo o usapan ng mga
tauhan, ang mahusay na pagkakaguhit o pagkakadebuho rito ng mga larawan na sadya
naman kamamalasan ng madudulang aksyon ng mga tauhan ay nakaaaliw masdan na
parang pinanonood na ring dula sa tanghalan. Lamang, ang diyalogo ay hindi
napapakinggan o naririning mula sa bibig ng mga tauhan kundi binabasa na lamang.

Radyo – anupa’t ang radyo rin ang laging kasambahay ng mga karaniwang
mamamayan. Gaya ng mga katulong na habang kumukusot ng damit na nilalabhan o
humihiwa ng sibuyas na panggisa, o kaya’y nagbubunot ng sahig ay matamang
nakikinig sa naabukas na radyo at nahihinuhang pakiluhaan o pakitawanan kahit
hanggang sa pandinig lamang natutunghayan ang mga pangyayaring nagaganap sa
buhay ng mga tauhang isinasadula.
Telebisyon – gayundin ang telebisyon, ang sangay ng midya na
pinakanakahihikayat sa lahat dahil bukod sa namamalas ang mga artistang
nagsisiganap, ang diyalogo ay malinaw pang napakikinggan. Ang magpapamilya kahit
nasa harap ng pananghalian o hapunan, o kaya’y nakahiga na sa kamang tulugan ay
nakukuha pa rin ng mga itong pakialiwan o pakiramdaman ang telebisyon lalo’t higit na
malakas ang hatak ng pelikula kapag pinanonood dahil mas malaki kaysa tunay na
buhay ang mga larawan dito ay nakikita. Lamang, kinakailangan pa itong pagsadyain sa
pinaglalabasang sinehan, pamamasahehan pa’t babayaran.

Hindi tulad ng telebisyon at radyo na nasa loob na ng bahay. Pipihitin na lamang,


ng komiks na nasa kapitbahay o katapat na tindahan, na hahakbangin na lamang, at
ang ligaya ay ayos, ang tuto ay depende na sa taong dito ay nakamata.

Samakatuwid ang media ang nagsisilbing tanghalan sa kasalukuyan.

 Tuluyang namatay ang sining ng dulang pandulaan dahilan sa pamamalasak ng


pelikulang Tagalog at pelikulang dayuhan at kawalan ng samahang pampanitikan.

TALASANGGUNIAN

 Panitikang Pilipino: Ligaya Tiamson Rubin, Arthur P. Casanova, et. al pp. 29-30.
 Panitikan sa Pilipinas: Teresita Perez Semorlan, Lydia Fer Gonzales, et. al pp.
30-37
 Panitikan sa Pilipinas: Teresita Perez Semorlan, Lydia Fer Gonzales, et. al pp.
336-339
 Rubin, Ligaya Tiamson et al (2006). “Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.
Lungsod ng Quezon.

You might also like