You are on page 1of 2

Kalusugan Dapat Ingatan

Ni Naputo, Jonathan L.

Bakit nga ba napaka halagang alagaan ang ating kalusugan? Simula pagkabata
ay hindi nagkulang sa atin ang ating mga magulang sa pag papaalala na alagaan natin
ang kalusugan sapagkat isa ito sa magiging susi sa pagkamit ng ating pangarap.

Ayon nga kay Colipano (2015) “ito ay ating kayamanan, kaya dapat natin tong
pahalagan. Isa ito sa magiging sandata nadin sa pagtupad ng ating mag pangarap.”
Tunay ngang higit pa sa kayamanan ang pagkakaroon ng magandang kalusugan
sapagkat ang kayamanan ay hindi natin maidadala sa kamatayan. Ang ating kalusugan
ay ang ating kakampi mula umpisa hanggang matapos ang ating buhay dahil ito ang
nagdidikta kung kelan nga ba tayo susuko at magpapahinga.

“Ang pangangalagang kalusugan ay dapat makilala bilang isang Karapatan, hindi


isang pribelehiyo. Ang bawat lalaki, babae at bata sa isang bansa ay dapat magkaroon
ng access sa pangangalagang pangkalusugan na kailangan nila anuman ang kanilang
kita” – US Senator Bernie Sanders. Sa nakalipas na panahon, ang estado ng kalusugan
sa Pilipinas ay kapansing-pansing bumuti. Subalit, ang katotohanan at di pagkapantay
pantay o ang malaking kaibahan sa pagkakaroon ng “access” sa pangangalagang
pangkalusugan sa bansa at sa mga resulta nito sa pagitan ng estado or klase ng
pamummuhay ay patuloy ring umiiral

Sa katunayan, lalong tumitindi ang pagkakaiba sa pagkakaroon ng access sa


pangangalagang pangkalusugan sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, kung saan mas
bulnebrable magkasakit ang mahihirap na walang kakayahang magpagamot. Sa
mahihirap at malalayong lugar, ang pagkakaroon ng access sa pangangalagang
pangkalusugan ay kadalasang mas mahirap din dahil sa kakulangan sa mgag
manggagawang pangmedikal tulad ng doctor at nars, medical na pasilidad at kagamitang
pangkalusugan.

Bilang pang wakas, hindi lahat sa atin ay nagkakaron ng pribilehiyong


pangkalusagan, ngunit hindi ito dahilan upang pabayaan natin ito. Tandaan, ang
kalusugan mo ay nakadepende sa iisang tao, at iyon ay ang sarili mo. Ito ay ang ating
pundasyon sa lahat ng bagay lalong lalo na kapag tayo ay nagtatrabaho.

You might also like