Lawyer Nais po namin maging isang abogado upang maipaglaban ang aming kapwa na nasa tama at inosente.
Magagamit po ito para makatulong sa
bayan/biktima na makamit ang kanilang hustisyang nararapat na makuha. Doctor Pinapangarap namin na maging isang doktor upang makatulong sa aming pamilya, sa mga taong may karamdaman at pati na rin sa bayan
Makakatulong kami sa pamamagitan ng
paggawa ng kabutihan sa lahat, pagbigay ng serbisyo na kung maaari ay libre hindi lamang sa mahihirap kung hindi sa lahat ng nangangailangan. Technician Para sa aking kinabukasan, nais ko na maging isang technician upang makatulong sa mga taong nahihirapan gumamit ng gadyet at dahil isa na din saaking hilig ang maglaro ng mobile games.
Para sa akin, ito ang aking magiging
paraan upang makatulong sapagkat madami pa din sa panahon ngayon ang nahihirapan sa pag gamit ng gadyet. Engineer Binabalak kong kunin ang kursong pagiging inhinyero dahil pangarap ko ang makapagtayo ng mga gusaling maaaring makatulong upang ang ating ekonomiya o bansa ay umunlad at ito rin ang aking maipagmamalaki pagdating ng panahon. Psychologist Nais ko po na maging isang psychologist sapagkat isa ang mental health sa importante saakin. Nais kong makatulong sa mga taong dumaranas ng depression, anxiety o kahit anong uri ng mental disorders.
Makakatulong ako sa pamamagitan ng, kaya kong
makapigbagay ng payo sa mga dumaranas ng mental disorders, kaya ko sila na matulungan kung paano nila malalampasan ang kanilang nararanasan. Writer Pangarap kong maging isang manunulat dahil nakatutulong ito sa akin na maunawaan at malaman ng higit pa ang mga salita na hindi pamilyar saakin.
Ito ay nagbibigay sa atin ng mga kasanayan sa
komunikasyon at pag-iisip. Ang pagsusulat ay nagpapahayag kung sino tayo bilang mga tao, at ang pagsusulat ay nagpapalakas ng ating kakayahang ipaliwanag at pinuhin ang ating mga ideya sa iba at sa ating sarili. Veterinarian Ang pagiging veterinaryo ang aking pangarap sa buhay dahil nais kong makatulong sa mga hayop. Makakatulong ako sa paraang, maisasalba ko ang buhay ng mga alagang hayop ng aking mga kababayan na may karamdaman o sakit. You can never cross the ocean unless you have the courage to lose sight of the shore. Salamat Po!