You are on page 1of 3

El Filibusterismo Portpolyo 1.2 Julida Anne P. Vasquez IV- St.

Angela Merici

Hantungan ay ang patutunguhan ng tao, maaaring isang destinasyon o lugar kung saan ito mamamalagi. Sa itaas o sa ibaba. Ang pagkakaintindi ko sa pahayag na Ang karunungan ba ay hindi o siyang hantungan ng tao. Ay ito ang sukatan ng pamamalagi mo sa lupa. Karunungan nga ba ang hantungan ng tao? Maaring Oo sa iba ngunit sa aking pananaw ay hindi. Matalino ka nga, wala ka naming natulong sa iba. Hindi ko sinasabi na lahat ng may alam ay hindi nabuhay ng may saysay. Hindi puwedeng maging hatungan ang karunungan ng isang tao. Unang una kung madami kang nalalaman mabubusog ka ba? Mapapakain mo pa ang pamilya mo kung wala kang gagawin upang gamitin ito? Kung may ganito ka, mabibigyan mo ba ng magandang kinabukasan ang bansa kung wala kang ginagawa upang maipamahagi ito sa iba? Ang hantungan ng buhay para sakin ay ang mga magagandang bagay na ginawa mo para sa iba na hindi labag sa kalooban. Mga bagay na ginawan mo ng aksyon na walang hinihintay na kapalit. Mga simpleng pagpapasaya ng mahal mo sa buhay. Pagtulong sa taong hindi mo naman kakilala. Pag papanatili ng kaayusan sa isang grupo ng mga tao. Pagiging inspirasyon sa iba, Iyan ang hantungan para sa akin.

Ang alipin na nagpapaaalipin ay isang mahinang uri ng taong hindi binibigyan ng pagpapahalaga ang sarili niya. Alipin, ano nga ba ang mas malalim na kahulugan ng salitang iyan. Sapilitang paggawa, bagay na ginagawa mo dahil may patalim na nakatutok sa leeg mo. Mga bagay na dapat mong gawin ng walang alinlangan o ang buhay mo ang mismong kapalit. Walang alipin kung walang magpapaalipin. Kailangan mong lumaban. Alam kong masamang lumaban sa mas nakakataas sa atin ngunit mas masamang abusuhin ang karapatan ng tao lalo pa kung ito ay ang sariling atin. Minsan kailangan nating ipaglaban ang sarili natin sa mga taong inaapakan tayo. Sa mata ng Diyos pare pareho tayo. Lahat tayo binigyan ng karapatang maging malaya. Hindi nating kailangang sumunod sa mga utos kung labag ito sa ating kalooban. Kailangan natin ipaglaban ang sarili lalo nat alam natin na tayo ay inaapi. Kung mamamatay tayo pag ipaglalaban natin ito, alang alang sa hustisya na ating inaasam bakit naman hindi.

Ang mabait na tao ay magkaiba sa gumagawa ng mabuti. Minsan napagkakamalan natin itong may iisang kahulugan. Kung masama ang hangarin ngunit tumutulong sa nangangailangan ay hindi kailanman naging mabuti. Halimbawa nagpautang ka sa isang naghihirap na pamilya kahit alam mong hindi ka nito mababayaran at araw araw mo siyang papaalalahanin at dadagdagan mo pa ito ng interes. Hindi naging tulong ang ginawa mo kundi pangaabuso ng mga taong alam natin na gagawin lahat para masustentuhan ang pamilya. Mas mabuting sabihin mo nalang na Magtrabaho ka sa akin bilang ganito o ganyan, susuwleduhan kita. Natulungan mo pa siya na isaisip na kailangan nating paghirapan upang makuha natin ang mga ginugusto natin. Kung tutulong ka sa tao huwag mo lang isipin na para ito sa kasiyahan niya dapat ang uunahin natin ay ang makakabuti sakanya. Kung saan siya makakaramdam ng pagkakuntento. Minsan din ay tayo nga ang gumawa ng mabuti sa kapwa ngunit ikaw nagbibigay daan sakanila upang abusuhin ang tulong na ginagawa mo hindi na iyon makatarungan.

You might also like