You are on page 1of 42

Kaisipang

Nakapaloob sa
Teksto
“Ang pagbibigay-linaw sa isang
babasahin ang makapagbubukas ng
kamalayan ng mambabasa”.
Bakit mahalagang matukoy ang
mga kaisipang nakapaloob sa
teksto?
Makatutulong ang mga kasanayan
sa paghahanay ng mga kaisipan
upang magamit sa pagpapahayag ng
mga konsepto, kaalaman at ideya
mula sa mga kaisipang nais ipabatid
ng teksto.
Ang bunga ng kaisipang
nakapaloob sa teksto na
nagpapahayag ng layunin na
magiging daan sa
pagkakaroon ng mas malalim
na kaalaman ng tao.
Ito ay magsisilbing tulay sa pagkakaroon ng
mataas na kamalayan ng tao upang mas higit
niyang mapabuti ang kanyang pamumuhay. Ang
kaisipang nakapaloob sa teksto ang magiging
daan upang magkaroon ng kasagutan ang mga
tanong na nakabitin sa kanyang isipan.
Makapagdidibuho siya ng mga konsepto at
pananaw na magbibigay ng maayos na
pagpapaliwanag sa mga kaisipang dapat
magbibigay ng kaalaman.
Kaming Mga Guro
ni: Sylvia D. Gatus
Nabubuhay kaming may iisang layunin, ang
debosyon sa sinumpaan naming tungkulin ang
pinakasandata namin sa lahat ng hirap at pagtitiis na
kaakibat ng aming pagtuturo. Bagamat iba-iba ang
paraan na ginagamit sa pagkatuto ng mag-aaral ang
pangunahin naming layunin ay makapagbahagi ng
kaalaman at karunungang sa kanila. May mga guro
na daig pa ang delivery man sa Lazada sa pagde-
deliver ng modyul sa mag-aaral, tila naging call
center agent sa paggamit ng telepono matawagan
lamang isa-isa ang kanilang mag-aaral, ipaabot ang
dapat nilang gawin at matutuhan sa kanilang aralin.
Nagamit din ang iba’t ibang app na
makatutulong magkaroon lamang ng tiyak
na ugnayan sa mga estudyante. Mababakas
ang pagiging maaalalahanin, mapagtiis at
maunawain sa mga sitwasyong kinakaharap
ng mga mag-aaral. Ang mga hadlang o
balakid sa pagbabahagi ng karunungan ay
hindi namin inaalintana bagkus ang mga
balakid na ito ang ginagawa naming daan
upang mas lalo pang magpatuloy na mag-
abot ng karunungan sa kahit pinakamahirap
na pamamaraan.
Mga Kasanayan sa Pagtatamo ng mga
Kaisipang nakapaloob sa Teksto
1.Pagtukoy sa mga pangunahin at pantulong
na kaisipang nakapaloob sa teksto
Ang pangunahing ideyang nakapaloob sa
talata ang pangunahing kaisipang
nakapaloob dito. Ito ay inilalahad sa bahagi
ng talata na maaaring matagpuan sa simula,
gitna o wakas. Makatutulong ang paggamit
ng mga pamaksang pangungusap sa
pagtukoy ng pangunahing kaisipang
nakapaloob sa akda, makatutulong rin ang
mga detalye o pantulong na kaisipan sa
pagtukoy ng pangunahing kaisipang
ipinahayag sa loob ng isang sulatin.
Ang pagkabuo ng talata batay sa ugnayan ng
mga salita sa paksa ay makatutulong sa
pagtukoy ng mga pangunahin at pantulong
na kaisipan sa loob ng teksto.
Ang pangunahing ideya na nakapaloob sa
akda ay ang uri ng guro, ginamit na
pantulong na ideya ang katangian ng guro,
kasalukuyang paraan na ginagawa sa
pagkatuto ng mga mag-aaral at mga salik
nakaaapekto sa kanilang pagtuturo.
Ang kaisipang nakapaloob dito ay gagawin
ng guro ang lahat kahit ang pinakamahirap
na pamamaraan makapagtamo lamang ng
kaalaman at karunungan ang mga mag-
aaral.
2. Pagtukoy sa damdamin o tono ng
teksto
Likas na sa tao ang maipakita ang
damdamin tungkol sa binasang teksto.
Mababakas ang pangunahing nilang
saloobin batay sa tonong naghahari sa
teksto maaaring ito ay malungkot, masaya,
galit, nakatatakot at iba pa.
Akala ko, Kaya pala!
ni: Sylvia D. Gatus
Sa simula, ang lahat ay parang isang
munting paraiso sa maliit na bubong ng
ating tahanan, salat man sa karangyaan
ngunit ang pagmamahal na binalot mo rito
ay sapat upang ang lahat ng mga materyal
na bagay na kulang ay mapunuan.
Ang mga pangarap na hinabi nating dalawa
ay unti-unti na nating pinagdudugtong.
Buong kasiyahan mong ipinaaalam sa akin
ang mga plano mong nagtagumpay. Hindi
ka nag-aatubili na gumawa ng mga bagay na
magpapataas ng antas ng ating kabuhayan.
Ang iyong hanapbuhay ay dinagdagan
upang mas maipatikim sa akin ang
kaginhawahan. Sino ba ang hindi
mabibighani sa iyo mahal, ang mga tingin
mo na lumalagos sa kaluluwa, ang mga
kamay mong banayad humaplos na
nangangako ng panghabambuhay na
kaligayahan, ang mga tinig mong parang
musika sa aking tainga, ang mga halakhak
mo na tila ba walang puwang ang
kalungkutan.
Iyon ang buong akala ko. Nang makita kong
nag-iiba ang kulay ng iyong mga labi, nang
mapansin ko na unti-unting nahahapis ang
iyong matipunong pangangatawan at ang
dating makislap mong mga mata ay
nawalan ng kinang at sigla, doon ko
napagtanto na may kakaiba sa iyo.
Mahal bakit hindi mo sinabi na tinuldukan
na ng doktor ang buhay mo? Bakit hindi mo
pinaalam sa akin? Kaya pala ang mga
halakhak mo nitong mga huling araw ay tila
huwad, kaya pala sa bawat taginting ng
iyong tinig ay may mga maliliit na butil ng
tubig na bumubukal sa pagitan ng iyong
mga mata.
Nagsimulang mag-iba ang lahat, Ang iyong
tinig, ang iyong gawi, ang iyong lakas. Isa
lang ang hindi nagbago sa iyo, iyon ay ang
pagmamahal mo sa akin.
Akala ko ihahain mo sakin ang
pinakamasarap na uri ng pagmamahal na
dapat kong malasap sa piling mo. Akala ko
sabay nating aabutin ang mga pangarap
nating binuo. Akala ko lang pala iyon, kasi
sa kandungan ko putol na ang iyong
hininga… Akala ko...Kaya pala…
Ang teksto ay kinapapalooban ng sari-saring
emosyon o damdamin. Ang
pinakapangunahing damdamin na
mararamdaman ng mambabasa ang
magiging tono ng teksto.
Ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa
akda ay maging matatag sa lahat ng
pagsubok na darating sa buhay. Ihanda ang
sarili sa mga hindi inaasahang pangyayari
na puwedeng maganap at kapag dumating
ito huwag magpatalo sa kalungkutan.
Ang mundong ating ginagalawan ay
nakararanas ng iba’t ibang uri ng sitwasyon
kaya hindi maiiwasan ang pagbibigay ng
opinyon o pananaw sa isang paksa. Ang
opinyon ay ang sariling palagay o kurukuro
sa paksang pinag-uusapan, Walang maling
opinyon sa nagbibigay ng sariling haka,
ngunit ito ay maaring tama o hindi sa iba.
Ang katotohanan naman ay may tiyak na
basehan, may pinagkuhanan ng mga angkop
at tumpak na datos o detalye na dumaan sa
isang pagsusuri.
Senior High School, ang unang
sasabak sa Face to Face na klase
ni: Sylvia D. Gatus
Pinag-aaralan ng pamahalaan at ng
Kagawaran ng Edukasyon ang muling
pagkakaroon ng Face to face Classes at
tinatayang ang mga mag-aaral ng Senior
High School ang unang sasabak sa
inihahaing bagong programa.
Ayon kay Education Undersecreatary
Diosdado San Antonio, patuloy ang
ginagawang paghahanda ng ahensya para sa
face-to-face classes. Hinihintay na lamang
ang pagpayag ng Pangulong Rodrigo
Duterte para sa pagpapasimula ng bagong
programang pang-edukasyon.
Ang lahat ng ito ay pinag-aaralan pa at
kinakailangan rin ang pagpayag ng lokal na
pamahalaan, magulang at mag-aaral sa
napipintong face to face classes.
Patuloy ang ugnayan ng bawat paaralan,
ahensya ng pamahalaan at ng mga
mamamayan sa inihahaing bagong
programa. Walang masama kung
susubukan tiyakin lamang ang kaligtasan ng
mga taong magiging bahagi ng nasabing
programa.
Dahil tayo ay tao likas na sa atin ang
ipahayag ang kung ano ang nasasaloob
natin, maging ito man ay katotohanan o
opinyon.
Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng
katangian ng katotohanan at opinion.
Ang pagkilala sa katotohanan at opinyon ay
napakahalaga sa pagbasa ng iba’t ibang
akdang pampanitikan
Ang iyong sariling pag-unawa sa teksto ang
makatutulong sa iyo upang ang mga
detalyeng nakapaloob dito ay magbigay ng
isang konsepto o bagong pananaw na
magagamit mo upang magbalangkas ng
mga kaisipang nakapaloob sa teksto at kung
paano mo ito iuugnay sa iyong sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Napakahalaga na matukoy ang mga
impormasyong nakapaloob dito upang
maging ganap ang pagbibigay ng iyong
ideya, saloobin at pananaw.
Ang eksposisyong sa mga salita sa loob ng
teksto ay isang mabisang paraan sa
pagtuklas ng kasanayang uriin ng mga
kaisipang nakapaloob sa teksto.
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.
Sagutin ang mga katanungang kaugnay ng
aralin. (Pangkatan)

Teksto # 1
Teksto # 2
Teksto # 3
Teksto # 4
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
(individual)
1. Nang tanungin mo ako padamdam kong sinabi sa iyo na
ang panaklong ng iyong pagmamahal ay huwad
sapagkat ang puso ko ay kinuwit mo ng sakit na
nagmarka ng malalim na sugat, Panahon na upang
maglagay ako ng gitling sa pagitan nating dalawa dahil
ang lahat ng tayo ay isang malaking tuldok na lamang.
Anong konsepto ang nabuo mo mula sa akda?
a. Ito ay gumamit ng malalalim na salita
b. Inilarawan ang damdamin ng sumulat.
c. Bigo ang may akda sa larangan ng pag-ibig.
d. Gumamit ang akda ng mga bantas upang mas
mapaganda ang teksto.
1. Nang tanungin mo ako padamdam kong sinabi sa iyo na
ang panaklong ng iyong pagmamahal ay huwad
sapagkat ang puso ko ay kinuwit mo ng sakit na
nagmarka ng malalim na sugat, Panahon na upang
maglagay ako ng gitling sa pagitan nating dalawa dahil
ang lahat ng tayo ay isang malaking tuldok na lamang.
Anong konsepto ang nabuo mo mula sa akda?
a. Ito ay gumamit ng malalalim na salita
b. Inilarawan ang damdamin ng sumulat.
c. Bigo ang may akda sa larangan ng pag-ibig.
d. Gumamit ang akda ng mga bantas upang mas
mapaganda ang teksto.

You might also like