You are on page 1of 2

Mga suplemento sa Pagkain

Ang mga suplemento sa pagkain, gaya ng mga bitamina at mga mineral, ay iniulat na
nakatutulong sa paghadlang at paggamot sa maraming sakit, kasali na ang kakulangan ng dugo
at osteoporosis—at maging sa paghadlang sa ilang depekto sa pagsilang. Ang dosis ng pang-
araw-araw na bitamina at mga mineral na inirerekomenda ng pamahalaan ay itinuturing na ligtas
at nakabubuti.

Sa kabilang banda, ang matataas na dosis na inirerekomenda sa paggamot ng ilang sakit ay


maaaring mapanganib sa kalusugan. Posibleng makahadlang ang mga ito sa pagtanggap o
gawain ng ibang sustansiya sa katawan at maaaring maging sanhi rin ng malulubha at
masasamang epekto. Ang posibilidad na ito, gayundin ang kawalan ng matitibay na katibayan na
sumusuhay sa pag-inom ng mga bitaminang may matataas na dosis, ay hindi dapat ipagwalang-
bahala.

Link: https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102000763

Paliwanag:

Sa aking sarili itong teksto na ito ay nakakatulong dahil nalaman ko na marami pala ang epekto
ng supplement sa ating katawan dahil dito nakakakuha tayo ng mga bitamina at mineral na
maaring mag palakas sa aking kalusugan at iiwas sa maaring mga sakit. Sa pamilya naman
mabuti rin nila itong malaman upang alam nila kung gaano kahalaga ang iniaahin na pagkain ng
kanilang mahal na ina o ama kaya mabuting magpasalamat sa kung anong meron ka dahil
maraming walang makain at maraming nagugutom yung iba namumulot nalang sa basurahan at
hindi nila alam kung malinis at masustansya ba ang kanilang kinakain para lang may makain sila.
Kaya mahalaga talaga sa pamilya ang malaman kung masustansya at maraming bitamina ba ang
kanilang kinakain. Tulad ng nasabi ko na maraming namumulot ng pagkain basurahan kaya
kailangan malaman ng komunidad ang tungkol sa teksto na ito dahil malaking tulong ito para
hindi sila magsayang ng pagkain at para malaman nila na gaano kasustansya at kung mayroong
bang bitamina ang kanilang kinakain at para hindi sila panay kumakain ng junkfood ang mga
bata dahil maaring magkaroon sila ng sakit galling sa pagkain ng junkfood. Malaking tulong ito
sa bansa dahil pwede silang magbuo ng organisasyon upang magbigay ng pagkain sa mga
walang makain na mahihirap at mga pulubi, para mabawasan ang mga payat at para
masubaybayan ng gobyerno ang mga pinapakain sa mga tao tulad ng proyekto noon ni Dating
President Ferdinand Marcos na “Nutribun” sinulong nya ito para sa mga payat na kabataan o
para sa mga magaaral na payat, kaya malaking tulong na malaman ng bansa ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng pagkain na puno ng bitamina at mineral.

Ang teksto na aking nahanap ay tunay na malaking tulong upang magkaroon sila ng ideya kung
gaano kasustansya ang kanilang kinakain hindi tulad ng pagkain ng junkfood. Kaya pahalagahan
ang bawat pagkain at wag sayangin at kung mayroon kanamang sobrang pagkain wag mag
dalawang isip na tumulong sa mga walang makain dahil hindi mo o nila kung masustansya ba at
malinis ang kanilang kinakain.

You might also like