You are on page 1of 2

SANAYANG PAPEL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Quarter 1, Week 5, Day 2, September 22, 2020


LAYUNIN: Nakasasang-ayon sa pasya ng nakaararami kung nakabubuti
ba ito. ESP6PKP-la-i-37

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ________________


Paaralan: ____________________________________ Purok: _______________

SIMULAN MO:
Sa bawat pamilya, sino ang madalas magpasya?
Isulat puwang kung sino ang nagpapasya.
1. Pagpili ng pagkain ________________
2. Pag-aaral ________________
3. Pagkampi sa barkada ________________
4. Pagsali sa paligsahan ________________
5. Pagpunta sa klase ________________

ALAM MO BA?
Basahin ang usapan na ito.
Ana: Nanay gutom na po ako, gusting-gusto ko pong kumain ng spaghetti.
Nanay: Alam mo anak, may inihanda akong pagkain para mabusog ka at
lumusog ang iyong katawan at maging matalino.
Ana: Pero nay, gusto ko pong kumain ng spaghetti.
Nanay: Ang spaghetti ay hindi nagbibigay ng sustansya sa ating katawan at
hindi nakatutulong na tayo ay maging matalino. Ang gulay, prutas at isda
ay nagbibigay ng sustansya at bitamina sa atin.
Ana: Ay sige po, yan nalang po ang kakainin ko. Salamat po, inay!

MAGTULUNGAN TAYO
Basahin ang kwento:
Ang grupo ng mga manlalaro sa basketball sa ika-6 na baitang ay
napiling kumatawan sa liga ng basketball ng mga kabataan. Ang kanilang
“coach” ay nagpatawag ng mga pagpupulong para sa kapasyahan kung saan
sila kukuha ng pondo para sa kanilang isusuot na uniporme.
Napagpasyahan ng buong grupo na sila ay magsosolicit sa mga guro
at mga pamilyang naka-aangat sa kanilang barangay. Ang desisyong ito ay
base sa kapasyahan ng lahat ng kasapi.
Marami ang nagbigay ng pera at naging sapat ito para sa kanilang
uniporme.
Sagutin ang mga tanong.
1. Tungkol saan ang kwento?
2. Sino ang nagpatawag ng pagpupulong?
3. Para saan ang pagpupulong?
4. Kaninong desisyon ang nasunod?
5. May ikinabuti ba ang kanilang desisyon?

Magagawa Mo!
Sagutin ang mga tanong
1. Sinu-sino ng iyong mga kaibigan?
2. Ano ang impluwensya nila sa iyo?
3. Nakabubuti ba sila sa iyong pag-aaral o nakakasama?
4. Gusto ba sila ng iyong mga magulang o hindi?
5. Sinusunod niyo ba sila na huwag sumama sa mga barkadang
masama ang dulot sa iyo at sa iyong pag-aaral? Bakit?

Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6

You might also like