You are on page 1of 5

BALATOC ELEMENTARY SCHOOL

BALATOC, PASIL, KALINGA

WORKSHEET SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO ( EsP)

IKAANIM NA BAITANG

Inihanda ni:

WINNIE B. CAWIS
ARALIN 1
KILATISING MABUTI
DESISYON AY SIGURADUHIN

Layunin:

1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na

makabubuti sa pamilya (EsP6PKP Ia-i-37)

1.1 pagsususuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari 1.2
pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito 1.3 Paggamit ng impormasyon

Sa Mga Mag-aaral:

Sa worksheet na ito, matututuhan natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring

pag-iisip sa paggawa ng desisyon.

Isaisip at Isapuso Mo

1. Ang uri ng impormasyon na natatanggap ng tao ay nakakaimpluwensya sa kanyang

desisyon o pagpapasya. Maaaring ang impormasyon ay nasusulat (pahayagan, magazine,
liham, e-mail at aklat), napapanood (telebisyon, computer/internet, pelikula) o napakikinggan
(radyo, cellphone/ telepono, o sa ibang tao).

2. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Desisyon: a. Alamin ang suliranin. b. Suriin ang impormasyong
nakalap at pag-aralan ang posibleng solusyon. c. Isaalang-alang ang magiging epekto ng
gagawing desisyon. d. Magbigay ng tamang desisyon batay sa ginawang pagsusuri at
gumawa ng pagsang-ayon para sa kabutihan ng nakararami.

3. Ang desisyong gagawin ay nararapat na may mabuting layunin, intension at kalalabasan

Subukan Mo

A. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na nagpapakita ng iyong tunay na saloobin at gawi sa bawat
sitwasyon.

Sitwasyon Madalas Paminsanminsan

Hindi Kailanman
1. Isinasaalang-alang ang maaaring maging epekto ng bawat gagawing desisyon.

2. Nagbibigay ng tamang desisyon batay sa ginawang pagsusuri.

3. Ang tamang desisyon ay ibinabatay sa pagsang-ayon ng nakararami.

4. Nagiging matalino at maingat sa ginagawang desisyon.

5. Binabalanse ang bawat pangyayari at impormasyon sa pagbuo ng desisyon.

Isaisip at Isapuso Mo

1. Ang uri ng impormasyon na natatanggap ng tao ay nakakaimpluwensya sa kanyang

desisyon o pagpapasya. Maaaring ang impormasyon ay nasusulat (pahayagan, magazine,
liham, e-mail at aklat), napapanood (telebisyon, computer/internet, pelikula) o napakikinggan
(radyo, cellphone/ telepono, o sa ibang tao).

2. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Desisyon: a. Alamin ang suliranin. b. Suriin ang impormasyong
nakalap at pag-aralan ang posibleng solusyon. c. Isaalang-alang ang magiging epekto ng
gagawing desisyon. d. Magbigay ng tamang desisyon batay sa ginawang pagsusuri at
gumawa ng pagsang-ayon para sa kabutihan ng nakararami.

3. Ang desisyong gagawin ay nararapat na may mabuting layunin, intensyon at kalalabasan.

B. Punan ang star graphic organinizer ng limang katangian na dapat mong taglayin sa
paggawa ng isang desisyon
Isagawa Mo
A. Isulat sa kahon kung ano nararapat mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Magkakaroon ng lakbay-aral sa inyong paaralan at gustong gusto mong sumama ngunit

ito’y nataon na mayroon ding lakad ang inyong pamilya.
2. Nakita mong nabasag ng iyong kamag-aral ang salamin sa inyong silid. Walang umaamin
kung sino ang nakabasag nito kaya’t nagalit ang inyong guro.
3. Magkakaroon ng eleksyon ng Supreme Pupil Government o SPG sa inyong paaralan.
Nagkataong magkalaban sa pagka-pangulo ang iyong matalik na kaibigan at pinsan.
4. Napansin mong mahilig kumain ng junk foods ang iyong nakababatang kapatid. Alam mo
ang masamang dulot nito sa kalusugan niya.
5. Napanood mo sa balita sa telebisyon na magkakaroon ng nationwide simultaneous
earthquake drill ngunit ito’y hindi nabanggit ng inyong guro.
B. Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa pagbibigay ng desisyon. Isulat ito
sa loob ng puso. (5 puntos)
Kaya Mo Pa Ba?
A. Umisip ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan ay may ginawa kang desisyon o
pagpapasya. Itala ang solusyong iyong ginawa, mga tao o bagay na isinaalang-alang at ang
naging bunga nito.

Pangyayari Solusyong Ginawa Bunga

B. Sumulat ng isang talata tungkol sa isa sa mga paksang nakatala sa ibaba.

1. Pantay-pantay na Pagtingin sa Pagbibigay ng Desisyon
2. Pagbuo ng Solusyon Batay sa Wastong Impormasyon

_______________________________________________________

Rubriks para sa Pagmamarka ng Talata

Kraytirya Deskripsyon Puntos Nilalaman Wasto at malinaw ang paglalahad ng saloobin

tungkol sa paksa. 5 Organisasyon Organisado, malinaw simple at magkaka-ugnay ang
pagkakalahad ng mga pangungusap. 5 Mekaniks Nasunod ang mga panuntunan sa pagsulat ng
talata (tamang bantas at baybay ng salita, mga pangungusap, margin at indensyon) 5
Kabuuan 15

Subukan Mo

*Tanggapin ang sariling kasagutan ng mga bata

Isagawa Mo Mga Posibleng Kasagutan:

*Note : Tanggapin pa ang mga posibleng kasagutan ng mga bata

1. -Pipiliin kung sumama sa lakad ng aming pamilya. May iba pa namang pagkakataon para
makasama ako sa lakbay-aral sa paaralan. Mas magiging maligaya ako kung kapiling ko ang
aking mahal sa buhay.

-Sasama ako sa lakbay-aral sa aming paaralan kasi hindi ko pa nararating ang lugar na
pupuntahan.

2. - Kakausapin ko ang aking kaklase na ipagtapat sa aming guro na siya ang nakabasag ng
salamin. -Sasabihin ko sa aming guro ang aking nalalaman.

3. Iboboto ko kung sino ang karapat-dapat at may kakayahang mamuno sa aming paaralan.

4. Pagsasabihan at ipapaliwang ko nang maayos sa aking kapatid ang masamang dulot ng

pagkain ng junk foods sa kanyang kalusugan.
5. – Gagawin ko ang wastong panuntunan na naituro na ng aming guro tungkol sa paghahanda
sa kalamidad at ipapaalaala ko sa aking kaklase. - Sasabihin ko sa aking guro ang tungkol sa
napanood kong balita sa telebisyon.

Kaya Mo Pa Ba?

*A. Tanggapin ang sariling kasagutan ng mga bata

*B. Hayaang basahin ng mga bata ang kanilang ginawang talata sa klase. Bigyan sila ng
pagkakataong suriin ang gawa ng bawat isa gamit ang rubriks sa pagsulat ng talata

You might also like