You are on page 1of 4

CATCH UP FRIDAY

Project DEAR
MARCH 15, 2024
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
(APHRODITE, EROS, HERMES)
FILIPINO 7 (ACHILLES)
Karera ng buhay: Tagumpay ni Erwin Mancao

Sabi nga nila, ang pagkatalo ay hindi basehan upang malaman ang iyong kagalingan. Marahil dahil sa
pagkatalong ito ay may matutunan ka at matutuklasan mo ang tunay na nakalaan para sayo.

Ito ay pinatunayan ng Region 10 star athlete na si Erwin Mancao matapos siyang maging kampeon sa
2018 Palarong Pambansa sa 5,000-meter run na naganap sa Vigan City, Ilocos Sur. Maraming naantig sa
kanyang kwento matapos kumalat ang kanyang larawang kuha ng PTV Ilocos, kung saan hindi niya naiwasang
umiyak pagkatapos manalo sa laban at mapagtanto na ang perang kanyang napanalunan ay magagamit nila
upang maipaayos ang kanilang bahay.Naging viral at umani ng humigit sa 81,000 reactions, 10,000 comments,
at 14,000 shares ang nasabing post na naging daan din upang siya ay matulungan ng mga taong
nagmamagandang-loob.

Isang batang walang pangarap sa buhay kung maituturing si Erwin. Dumaan siya sa
matinding pagkalugmok nang siya ay naging HERMES bahagi ng isang fraternity sa kanilang
paaralan hanggang sa siya ay namulat. Binago ng isports ang kanyang buhay.

“Kagaya ng ibang mga bata, wala rin akong pangarap noon. Sumali pa nga ako ng frat, pero nang
naging atleta ako, doon ko na-realize na ang lahat ng iyon ay walang kwenta,” sabi niya.

Sumali muna sa swimming at boxing ang 18 taong gulang na binata bago natuklasan ang kanyang
kakayahan sa larangan ng athletics.Nagtagal siya ng tatlong taon sa boxing dahil sa
APHRODITE kagustuhang kumita ng pera, at nais ng kanyang tiyuhin na isa ring boksingero
na sundan niya ang ang kanyang yapak. Naging puspusan ang pag-
eensayo nila nang siya ay naging Grade 8, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, EROS isang
batang amateur boxer ang naiulat na namatay sa Regional athletic meet na ginanap
sa Zambales noong 2013 na naging dahilan upang pansamantalang tanggalin ang naturang laro.

Napilitang sumubok ng ibang laro si Erwin dahil sa nangyari hanggang sa nakitaan siya ng potensyal sa
pagtakbo ni coach Cherry Cabilunan at doon na siya nagsimulang lumahok sa pagiging athletics player.Hindi
naging madali ang pinagdaanan ng binatang atleta bago niya masungkit ang inaasam na
ginto. Dumaan siya sa pagkatalo at sinubok din ng ACHILLES pagkakataon noong siya ay nagtamo
ng injury dahil sa kanilang pagsasanay ilang araw bago nagsimula ang 2016 Palarong
Pambansa sa Antique. Kaya bigo siyang makapaglaro at ‘di umano’y naging taga-
suporta at naging water boy siya sa kapwa niyang runner.

Aniya, “Napakasakit para sakin ang pagkakataong iyon dahil nagpursigi ako at nakakuha ng tatlong gintong
medalya sa Regionals para makapasok sa Palarong Pambansa ngunit nabalewala lang ang lahat ng pagod ko
sa pag-eensayo”. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi ito naging hadlang upang siya ay sumuko sa paglalaro
at sa halip ay mas naging determinadong marating ang rurok ng tagumpay.

Sumali siya sa Philippine National Games (PNG) at naging kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng athletics sa
ginanap na ASEAN School Games (ASG), kung saan nasungkit niya ang silver medal sa 1,500-meter run.
Ngayon ay nagbunga na ang lahat ng hirap at sakripisyong kanyang pinagdaanan, makapagbigay lamang ng
karangalan sa bansang sinilangan.

Kasalukuyan, hawak ni Mancao ang 16:01.60 record sa 5,000-meter run sa Palarong Pambansa. Sinisikap
niyang mapanatili sa kanyang mga kamay ang kampeonato at mag-uwi rin ng ginto sa 1,500-meter run.
“Pagsisikapan ko pong madepensahan ang aking titulo kasabay ng pananalangin sa ating Panginoon sapagka’t
wala naman pong nakaaalam sa maaaring maging resulta ng laro,” pahayag niya.

Ibinahagi rin ng atleta ang kanyang sikreto sa bawat tagumpay na kanyang tintamasa. Sabi niya, “Pagdarasal,
determinasyon, tiwala sa sarili at pokus sa bawat laro ang tanging sikreto ko po upang ako’y manalo.”

Nag-iwan naman siya ng mensahe para sa mga batang atleta na nangangarap na maging kagaya niya na
nagtagumpay ng dahil sa sports.

“Huwag kang sumuko kapag natalo ka sapagka’t bago mo matamasa ang tamis ng pagkapanalo, matitikman mo
muna ang pait ng pagkatalo,” aniya.
Sinuman ay kayang magwagi sa karera ng buhay basta may matibay ang kalooban at hindi basta-basta
sumusuko sa bawat hamong naghihintay sa iyong paglalakbay tungo sa hinahangad na tagumpay.

1. Ano ang mga larangan o sports ang sinalihan ni Erwin,


at saang larangan siya naging matagumpay?
2. Ano ang naging hadlang o pagsubok na naranasan ni
Erwin at paano niya ito nalagpasan?
3. Ano kaya ang naging inspirasyon ni Erwin sa pag-abot
ng kanyang tagumpay?
4. Ano ang mga katangiang taglay ni Erwin?
5. Bilang kabataan ano ang matututuhan mo sa karanasan
ni Erwin?

You might also like