Isa Sa Pinagmamalaki NG Mindanao Sa Larangan NG Pampalaksan Ay Si Bana Sailani

You might also like

You are on page 1of 3

Isa sa pinagmamalaki ng Mindanao sa larangan ng

pampalakasan ay si Bana Sailani. Siya ay tubong Siasi,


Sulu at ipinanganak noong taong 1937.

Bata pa lamang

ay tinuruan na siyang lumangoy ng kanyang ina. Sa


kanyang murang edad ay nakitaan na siya ng potential at
galing upang maging isang propesyonal na manlalangoy.
Hinikayat siya ng kanyang guro na magsanay at sumali sa
iba't ibang kompetisyon upang mahasa ang kanyang
kakayahan. Dalawang beses siyang nanalo sa provincial
meets na kanyang sinalihan na naging daan upang
madiskubre siya ni Sambiao Basanung na isang olympian
at record setter sa larangan ng paglangoy. Noong 1949,
dinala siya sa Maynila ni Basanung upang magsanay para
sa 1954 Asian Games. Araw araw ay nageensayo siya ng
apat na oras mula ika-5 hanggang ika-9 ng umaga at ika-3
hanggang ika-7 ng gabi. Bukod sa pagpapamalas ng
perpektong forearm stroke, ay naging inspirasyon rin siya
ng iba dahil sa pinakitang niyang determinasyon at tiyaga.
Noong taong 1953 naitala niya ang bagong record sa
paglangoy ng freestyle na may pinakamaikling oras.
Nalagpasan ni Sailani ang record ng kanyang trainor na si
Basanung na noon ay may hawak ng pinakamaikli oras ng
paglangoy na pa freestyle sa buong Pilipinas. Disyembre
ng parehong taon ay itingahal siyang kauna unahang
Pilipino na nakatapos sa 400 meter race na may oras na
humigit kumulang limang minuto lamang na tumalo sa
record ni Agapito Lozada, isa sa pinakamagaling na
manlalangoy ng kanyang panahon. Matapos nito ay
pinangaralan siyang Athlete of the Year noong 1953 .
Nanalo siya at ang kanyang mga kagrupo ng pilak at
tansong medalya sa Asian Games na naging dahilan ng
pagkakaboto sakanya bilang Swimmer of the Year noong
1954 at 1958. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
nakakasungkit ng medalya si Sailani ngunit hindi ito
naging dahilan upang mahadlangan ang kanyang mga

pangarap. Patuloy siyang umaahon at lumalaban. Dahil sa


kanyang pagmamahal sa kanyang ginagawa ay nagtala
siya ng mga bagong record sa long distance category.
Dahil dito, tinaguriang siyang "Undisputed Long Distance
King" ng bansa. Nang nagretiro siya ay hindi parin siya
tumigil. Ibinahagi niya ang kanyang kaalam sa Philippine
Air Force at nagsanay din ng mga batang atletha sa mga
paaralan at ang Makati Sports Club.

You might also like