You are on page 1of 2

Brent Julien M.

Cordero

Gawing Bwelo ang Pagkatalo

By: Secret Agents

(Opinion Archive)

Marami ang sumali, iilan lang ang mapipili. Iyan ang reyalidad na umiikot sa
bawat kumpetisyong sinasalihan gaya na lamang ng Northern Mindanao Regional
Athletic Meet 2019 o NMRAA 2019 na sinalihan ng higit sa pitong libong mga
delegadong atletang nanggaling sa mga dibisyon ng ikasampung rehiyon. Tiyak na may
uuwing dala-dala ang “hamon ng tagumpay” patungo sa kani-kanilang pinanggalingan
ngunit nariyan rin ang mga uuwing luhaan na hindi pinalad na makuha ang
kampeonato.

Walang pagkakaila, ang talagang layunin sa pagsali sa ganitong kumpetisyon ay


ang manalo, maging numero uno, maging lamado at masabitan ng mga medalyang
bronse, pilak, at ang pinakaninanais, ginto. Walang nagnanais na makamit ang
pagkatalo at pagkadehado pagkat kung gayunman, walang kahulugan ang makilahok.
Subalit ito’y tagisan ng galing at labanan kung sino ang mas angat kaya hindi maaaring
lahat ay panalo; dapat may malalamangan. Iyan ang isports.

Maaaring sabihin na ang NMRAA 2019 ay tagisan ng mga kampeon ng iba’t


ibang dibisyon sa iba’t ibang larangan ng isports. Hindi ito magiging madali pagkat ang
labanan ay magaling sa magaling. Lahat ay may abilidad kaya kung sino man ang
matitira, siya ang matibay.

Hindi ibig sabihin na ang mga matatalo ay mga talunan nang sadya. Tulad ng
mga kampeon, nagsikap rin ang mga hindi pinalad kaya ang lahat ay may kakayahan.
Kakayahang magbalanse ng oras, magsikap, mag-ensayo nang maigi, at ipakita ang
galing na may buong kumpiyansa sa sarili. Kung tutuusin, kampeon ang lahat sa kani-
kanilang dibisyon kaya lahat ng mga sumali sa Palarong Pampook ay nakaranas na ng
pagkawagi.

Marahil may mga nagpaplanong hindi na ipagpatuloy sa susunod ang kanilang


pampalakasang karera ngunit hindi dapat ito ang mangyari. Dapat maging punto de
buelo ang pagkatalo sa isang patimpalak upang mas lalo pang magalingan sa susunod
na sasalihan. Hindi dapat mawalan ng pag-asa pagkat hindi pa huli ang lahat, marami
pang oportunidad na nakaabang upang mas lalo pang mahasa ang kakayahan.

Marami ang sumali, iilang lang ang mapipili patungo sa Palarong Pambansa. At
kung hindi man mapili, kailangang maging pampaalab ito upang maging karapat-dapat
Brent Julien M. Cordero

sa susunod na kumpetisyon. Tandaan, may uuwing luhaan ngunit hindi kawawa. Kaya
gawing buwelo ang pagkatalo tungo sa tagumpay sa susunod na kumpetisyon.

You might also like