You are on page 1of 3

ISPORTS

Magsayo, isinigida ang Kampeonato

Umalimpuyo ang tatak pilipinong lakas na mga suntok ni Mark “Magnefico” Magsayo matapos
tuldukan ang paghahari ni American boxer Gary Russell Jr. at tuluyang hablutin ang titulo bilang WBC
Featherweight World Champion sa makaubos lakas na 12-round Championship match na gumarahe sa
Borgata Hotel Casino and Spa, Atlantic City, New Jersey.

Isinuntok ni Magsayo ang malinis na rekord ( 24-0, 16 KOs ) habang iniukit naman niya ang
masalimuot na pag kabigo kay Russell Jr. ( 31-2, 18 KOs ).

“ This is my dream come true, ever since I was a kid, this was my dream. I’m so proud that I’m a
champion now. Thank you so much to the Filipino fans for the support.” saad ni Magsayo matapos ang
naturang laban.

Bukod sa ipinamalas na bagsik ni Magsayo, kaniyang binigyang pansin ang inindang injury ng
Amerikano na nag hudyat ng kanyang unti-unting pag domina sa laban.

“I knew that he was hurt in round four, I took advantage of it because he was only using one hand.
This was my opportunity to follow through. My coach was telling me to use good combinations and follow
through. He said this is your chance to become a champion and now I am a champion.” dagdag pa ni
Magsayo.

“I believe I have a torn tendon in my right shoulder. I haven’t competed in almost two years. This is
what true champions do. I wanted to step into the ring and display my superiority regardless of the injury.”
sambit ni Russell Jr.
Kasalukuyang napabilang si Magsayo bilang pang lima sa mga active reigning Filipino Champions
na sina Nonito Donaire, John Riel Casimero, Rene Cuarto at Jerwin Ancajas matapos ang
makasaysayang panalo.

Unang Ginto ng Pinas; Hidilyn Diaz binuhat Ni: France Reiven B. Martin

Kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas,nagbabagang nakamit ni Hidilyn Diaz ng Women's 55kg


category ng weightlifting sa 2020 Summer Olympics , Tokyo, Japan.

Isang kasaysayan ang bumalot nanaman sa historyang Pinoy ang buong pusong ibinigay ni Diaz sa
Tokyo Olympics.

Parang apoy na kumalat ang pagkapanalo ni Hidilyn• sa 55 kilogram category.Di-masusupil ang pagpurit
paghanga sa pagtalo ni Zamboanga native sa walong iba pang atleta kalahok,kasama nadin si world
record holder nasi Liao Qiuyun ng China.

Bumaha ng pasasalamat kay Hidilyn sapagkat sa loob ng 100 taon na paglahok ng Pilipinas sa Olympic,
ngayon lamang nakasungkit ng gintong medalya.

"Nanalo ako ng gold medal dahil sa prayers ng bawat Pilipino.So, pinaremind sa akin na lahat ng
Pilipinong nagdarasal sa larangang ito.Tapos sabi ng sport nutritionist ko,

'You are prepared Hids'.Then yon insip ko lang ang technique ko," ani Diaz

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng karangalan sa bansa si Hidilyn. Noong 2008 Summer
Olympics na ginanap sa South Korea, siya ang pinakabatang competitor sa women’s 58-kg category.
Noong 2016 Summer Olympics sa Rio de Janiero, Brazil, nanalo siya ng silver medal sa women’s 53-kg
weight division. Noong 2006 Southeast Asian Games, pang-sampu siya sa 53-kilogram category at
noong 2007 Southeast Asian Games sa Thailand, nagkamit siya ng bronze medal.(-rappler)

Sa panahong tumitiklop ang ibang atletang lumaki sa marangya at todo-suportang sistema, bantayog si
Hidilyn ng puwedeng makamit sa tindi ng pangarap at sakripisyo nq may determinasyon na mag uwi ng
karangalang tatatak at kikilala sa sintang bayan.

"Gaya nang sabi ko, 'di ako makapaniwala na nagawa ko yon. Kung babalikan ko yon parang yes, sa
wakas nagawa ko, natalo ko ang China. Buti hindi ako napressure sa Olympic record," ani Diaz.
Ayon sa tigaulat ng isport news, tinaguriang Amazing Grace si Hidilyn dahil sa pagtanggol sa bandila at
pagbasag nito ng mga hadlang o boundary sa sports na nagbibigay kamalayan sa bawat isa .

Nakasungkit din ng Silver Medals sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam. Bronze medal naman ang naiuwi
ni Eumir Marcial sa magkakaparehong boxing match. Inaasahan ding makatatanggap sila ng insentibo
pagbalik ng bansa.
Lubos na pasasalamat naman ang sinaad ni Diaz sa mga tumulong magdasal at naniwala sa kanya.
Nagpasalamat din ang atleta sa mga bashers na isa din sa tumulak at naging inspirasyon niya upang iuwi
ang gintong medalya sa bansa.

Padyak: Patuloy sa paglalakbay

Sa peligro ng pandemya, hindi mapipigil ang pag mamaneobra

Humahangos akong lumabas ng bahay, mainit na ang araw na nakasilay kung kaya’y dali-daling
pumara ng jeep kahit hindi pa nag susuklay. Kasabay ng paghinto sa aking tapat ng tinaguriang “Hari ng
kalsada”ay ang pagbalot ng nakasusulasok na usok sa aking mukha.

Tagaktak ang pawis habang nakikipagsapalaran sa panganib ng lansangan. Hanggang maapuhap ng


aking atensyon ang aking katabi sa kabila ng plastik kober na nagsisilbing harang. Mapupungay na mga
mata habang nakikipag-buno sa pagod ang patuloy na nilalabanan ng isang may edad na lalaki, taban-
taban ang isang malaking bike at mababakas ang hirap na hindi matatawaran.

Tila isang kisap-mata lamang ay narating ko na ang botika na pagkukuhanan ko ng gamot na bilin sa
akin ni Inay. Habang naglalakad ay aking napagmasdan. Ang mga grupo ng siklista, karipas ang pag
padyak. May nauuna, may nahuhuli, may mabilis, may mabagal at may nakangiti at naka buka na ang
bibig dahil sa pagod. Ngunit isa ang pumukaw sa aking atensyon. Ang nakasabay ko sa jeep ay
humahabol sa hulihan ng grupo. Halatang hindi nawawala ang hilig na nananalaytay sa kanyang
ginagawa. Kung kaya’t habang ako’y nakapila sa bilihan ng gamot, pinili ko na lamang na mag scroll sa
aking facebook app.

____________________________________________________________________________________

World Bicycle Day.

Ayon sa United Nation General Assembly , ipagdiriwang sa ika-3 ng Hunyo ang natatanging araw ng
mga pagpadyak gamit ang dalawahang gulong na sasakyan, upang bigyang pagpapahalaga ang mga
benepisyong naidudulot nito hindi lamang sa linya ng transportasyon kundi pati narin sa kalusugan ng
gumagamit at sa kapaligiran dahil sa ito ay eco-friendly din. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Aking
naisip na hindi na nakapag tataka kung bakit ganoon na lamang ang pagsulpot ng mga nakahiligang
pumadyak.

Matapos mabili ang mga gamot na kailangan ay pumara na muli ako ng jeep upang tumungo sa aming
tahanan.

Lulan ako ngayon ng pampasaherong jeep na maghahatid sa akin sa aming bahay. May kasabay
akong isang grupo ng mga nurse na nagkukwentuhan kahit na sila ay layo layo. At ang kanilang pinag
uusapan ay ang kanilang planong pag out of town gamit ang bike. Naroong nabanggit ang Baler, Aurora,
Gabaldon, Nueva Ecija at mga kantyaw na “Hindi mo kakayanin, mahina ka pa” at hagikgikang
malalakas. Mula roon ay naalala ko ang mga benepisyong dulot ng pagpadyak ng bike habang
nakatambay ko sa Facebook App.

Batay sa pag aaral na isinagawa ng Department of Health, nakatutulong din ito sa mental health ng
tao. Sa paraan ng pag iisip, pagkontrol ng kilos at koordinasyon ng mga flexes. Maging sa weight loss ay
maganda itong simulain upang magbawas ng timbang. Ngunit sa isang banda, nariyan din ang panganiib
na naka amba. Dahil prone sa disgrasya ang sport na ito. Maiiging pag iingat at pagsunod sa tamang
panamaraan ang ipinapayo.

Para po manong! At ako’y nakauwi nang ligtas sa aming tahanan.

Hindi naman kailangang magkulong na lamang sa apat na sulok ng tahanan.


Isa lamang sa mga pinatutunayan ng mga atletang nakikipagbuno sa ibang bansa sa larangan ng
cycling, sa mga taong pumapadyak upang makalimot, pumapadyak upang mag saya, pumapadyak
upang abutin ang sari-sariling pangarap, pumapadyak sila para sa kanilang hilig at mithiin. Kahit
umaaraw, o abutan man ng buhos ng ulan, kahit sa gitna ng pandemya ay may mga laban na
nagpapatuloy na umaahon sa bawat hamon ng buhay.

__________________________________________________________________________________

Checkmate, Protect the King.

Ako’y naaaliw habang binubuklat ang aking cellphone. Sa aking gallery ay taong 2019 pa ng
magkaroon ako ng pagkakataon na makalahok sa Intramurals ng paaralan. Hanggang sa maapuhap ng
aking mga mata ang isang Chess Board.

Naalala ko pa noong lagi akong sumasali sa mga patimpalak ng aking paaralan sa larangan ng
Chess. Yung tipong mas pipiliing lumabas ng silid aralan makapag laro lamang nito. Sa unang round pa
lang ng paligsahan,masasaksihan na ang ibat ibang patibong at istratehiyang ng mga Chess player, para
mabinate sa pagwasak ng depensa ng kanya kanyang katunggali.

Pinapakita ng bawat manlalaro ang determinasyong manalo at masungkit ang titulong


hinahangad ng bawat isa, na ikalulugod at ikagagalak ng kani-kanilang magulang.

Isang higop pa ng kape, ay binuksan ko na ang chessboard at tumambad sa akin ang mga
pyesang bumuo sa aking buhay noong ako’y manlalaro pa nito. Kung paano ko pag-igihan ang pag
papanatili ng kaligtasan ng aking Hari at ng aking pangarap. Sa tulong ng mga kawal, na sumasalamin sa
aking mga tagasuporta noon nagkaron ako ng lakas ng loob upang umabante at kumilos.

Isang buntong hininga at akin nang hinawakan ang aking telepono. Kung dati ay pyesa pa ang
hawak ko, ngayon ay makabagong teknolohiya na kaya ang mga taktika ay maaaring mapanood at
maaral sa youtube. Purong talento at kakayahan ang pinamalas ng mga Chess Player sa patimpalak na
idinaos ng paaralan.

Ayon sa pag aaral, dumami na ang bilang ng mga naglalaro online dahil sa modernong
imbensyon. Isang click lang ay makaka connect na sa ibang manlalaro at maaari nang maglaro ng chess.
Madali nalang din ang pagdodownload sa appstore o play store ng mobile phone.

Sa kabilang banda, sumilay ang balita sa katatapos lamang na TATA Steel Chess Tournament na
ginanap sa Wijkaan Zee, Netherlands noong Enero 15-30, taong kasalukuyan. At doon ay namayagpag
ang Norwegian player na si MG Magnus Carlsen na nag tala ng 9.5/13 na panalo upang makamit ang
Kampeonato matapos depensahan ang Hari.

Kasabay ng pagkaubos ng baterya ng aking telepono, ay ang pag-usbong ng kagustuhang bumalik


sa nakaraan. Hindi para ma bulakbol, kundi para balikan ang mga araw na Chess ang nagbibigay ng
kulay sa aking kabataan sa panahon ng Intramurals sa SRNTS, upang bigyang kasiyahan ang mga mag
aaral dito, at makakuha ng bagong kaalaman,kakayahan, at karanasan na tatatak at hindi malilimutan
ninuman.

_________________________________________________________________________________

You might also like