You are on page 1of 2

Pangalan: Estrada, Maricon A.

BSBA – MM2A

Siena College Tigaon, Inc


Gingaroy, Tigaon, Camarines Sur
Service Education Department
A/Y: 2022-2023

_____________________Pamantayang Pagganap_____________________
(Unang Semester – Prelim)

PAGSULAT NG SANAYSAY
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may tatlo o higit pang talata at gamitin
ang mga natutuhan sa tinalakay na ayos ng pangungusap at wastong gamit ng
mga salita, salungguhitan ang mga ito. Ang paksang bibigyang-tuon ay
“Siklista”. Iugnay ito sa iyong sarili at sa lipunang ginagalawan. Isulat sa isang
buong papel (long bond paper)

Pamantayan:
Nilalaman _____________________________________________________________30%
 Kaugnayan sa Paksa
 Kalinawan sa Paglalahad
 Orihinalidad

Organisasyon __________________________________________________________30%
 Kaisahan ng pangungusap
 Pagkakaugnay ng mga pangungusap
 Ayos ng pangungusap

Mekaniks ______________________________________________________________40%
 Wastong gamit ng mga salita
 Bantas
 Baybay
 Pagpili ng wastong salita

Kabuuan ______________________________________________________________100%
Ang Pedal ng Buhay

Noong ako ay bata pa, nais ko ring matutong mag-bisekleta ngunit sabi
ng mga matatanda “hindi ka matututo kung hindi ka masusugatan”. Sa aking
kagustohan na matuto ay maraming beses akong nagsanay ngunit lagi akong
kinakabahan kahit na ako ay inaalalayan ng aking pinsan kung kaya’t hindi
ko naipag-papatuloy ang pagsasanay at dahil na din sa mga gawaing bahay.
Isang araw habang ako ay nagsasanay sa malapit sa amin na pababang
daanan nang hindi ko namalayan na may paparating na sasakyan kung kaya’t
nailiko ko nang hindi inaasahan ang aking bisekleta at dumeretso ako sa isang
pulang tarangkahan ng aming kapitbahay. Totoo nga para saakin ang sinabi
ng matatanda, simula noon ay natuto na akong mag-balanse ng bisekleta
ngunit ang sugat na aking natamo ay nasa tuhod ko pa din at hindi ko
malilimutan ang nangyare na iyon sa akin.

May kaugnayan ang siklista at bisekleta sa aking sarili, ako ang siklista
at ang bisekleta naman ang aking magiging desisyon na nais tahakin sa aking
buhay. Ako ang may hawak ng manibela upang aking kontrolin at hatakin
upang marating ko ang aking nais puntahan. Subalit hindi ko maiiwasan ang
mga pagsubok na darating at kailangang lampasan. Sa aking dadaanan
mayroong mga pahingahan kung sakaling ako ay mapagod samantalang
magpapatuloy pa rin ang aking paglalakbay. Gaya nang bisekleta kailangang
may balanse upang makatayo at makapaglakbay ng maayos. Ang pedal na
magre-representa na ang buhay ay hindi palaging nasa taas. Mayroon talagang
mga panahon na ako ay nasa baba katulad na lamang ng nararanasan ngayon
sa pag-aaral. Mahirap mag-aral lalo na kung walang sapat na pinagkukunan
nang aking mga kailangan ngunit may mga taong handang tumulong sa akin
at gayundin ako sa kanila. Ang mga problema ay ginawa kong inspirasyon at
magpatuloy pa rin sa kabila ng mga ito dahil hindi habang-buhay ay lagi
tayong nasa ibaba. Ang mga siklista napapagod rin ngunit sila ay
nagpapahinga sa kanilang nadadaanan at may mga taong tumutulong sa
kanila gaya ng pagbigay ng tubig na inumin. Kung kaya’t ano mang mga
hamon ang humarang sa aking daanan sa aking paglalakbay ay sisikapin kong
malampasan ng walang pag-aalinlangan.

Sa ating lipunan, maraming siklista ang sumasali sa mga patimpalak


subalit iisa lamang ang idinidiklarang kampyon. Gaya nang pag-pedal sa
bisikleta, sarili lamang natin ang makakatulong sa ating sarili upang tayo ay
magtagumpay. Maraming tao sa lipunan na makakatulong sa atin sa
pamamagitan ng mga bagay na kung ano ang kaya lamang nilang ibigay
ngunit hindi nila tayo matutulongan sa paraan na sarili lamang natin ang may
kakayahan. Kung kaya’t sikapin natin na laging tumayo sa sarili nating mga
paa dahil tayo ang may hawak ng manibela ng ating buhay. Nasa atin ang
desisyon kung anong daan ang tatahakin natin sa ating paglalakbay tungo sa
tagumpay.

You might also like