You are on page 1of 4

GAWAIN NA IPAPASA SA MIYERKULES(GRADE 7)

 GAWIN SA ISANG KALAHATING PAPEL CROSSWISE.


Pagsasanay A. Panuto: Isaayos sa loob ng Baliktad na Tatsulok ang Istruktura ng Balita ng tatlong talata
lamang. Ilagay ang sagot sa loob ng pyramid.

September 26, 2020 Filed under Sports Posted by Balita Online, Balita RSS, RSS Feed NAGWAGI ng gold
medal ang Filipino taekwondo jin Rodolfo Reyes Jr. sa 2020 Lents Taekwondo Worldwide Online Poomsae
Tournament na idinaos noong Setyembre 20.
Nagtapos sa University of Santo Tomas, nakamit ni Reyes ang nag-iisang gold medal ng mga Pinoy sa
kompetisyon makaraang magtala ng average score na 7.35 puntos sa under- 30 senior male category. “I’m
used to seeing judges in front of me to guide and rate my performance but in the ‘new normal’ … cameras
serve as our judges,” ani Reyes sa panayam sa kanya ng The Varsitarian.
Gold medalist noong nakaraang 2019 Southeast Asian Games, nag perform ng dalawang forms si Reyes sa
finals kung saan nakakuha siya ng 7.34 na iskor sa Pyongwon at 7.36 sa Koryo.
Pumangalawa sa kanya si Choo Rok Oh ng Korea para sa silver medal (7.235) habang pumangatlo naman
sina Chiou Mu En ng Taiwan at isa pang Pinoy na si Patrick King Perez para sa bronze (7.185).
Nagwagi naman ng silver medal si Ernesto Guzman Jr. sa under-40 senior male division matapos makakuha
ng 7.13 puntos. -Marivic Awitan
B. Panuto: Isaayos ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Balita. Lagyan ng letra na A,
B, C, D at E ang bawat bilang.
_____1. Ayon sa residenteng si Cheryl Reyes, sa katabing bahay lang nila nagsimula ang apoy na
pagmamay-ari umano ng isang Lita Quitlong.
_____2. MAYNILA (UPDATE) - Sugatan ang 2 residente at 1 fire volunteer sa sumiklab na sunog sa
Barangay Tonsuya, Malabon nitong Huwebes ng madaling araw. Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog
bago maapula pasado alas-6:03 ng umaga matapos ang 3 oras.
_____3. Mabilis na lumabas ng bahay ang pamilya ni Reyes at wala nang nadala kahit na mga damit sa
pagmamadali.
_____4. Nagising na lang umano sila na amoy usok na at nang sumilip ay nakita na nilang may apoy ang
loob ng katabing bahay.
_____5. Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil limitado ang pasukan patungo sa
nasusunog na mga bahay, ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy. Nawalan ng tahanan ang
150 pamilya at tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang natupok na ari-arian.
C. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA sa patlang kung sumasang-ayon sa pahayag ay at isulat ang
MALI kung hindi naman sumasang-ayon sa pahayag.
_______1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
_______2. Suliranin ng isang reporter kung saan sila kukuha ng ibabalita.
_______3. Ihuling itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
_______4. Siguraduhing ang balitang isusulat ay walang kinikilingan (No Bias).
_______5. Ang pamatnubay ang siyang puso ng balita,sapagkat sumasagot ito sa tanong na Ano, Sino,
Saan, Kailan at Bakit.
Pagsasanay D. Panuto: Suriin kung anong uri ng KUMBENSYONAL NA PAMATNUBAY ang
sumusunod na mga pamatnubay ng balita. Isulat ang iyong sagot sa bawat patlang.
_____________________1. Sa ika-27 ng Hulyo, ihahatid ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang
ikalimang State of the Nation Address (SONA), isang taunang kaganapan na nakatala na simula pa noong
panahon ng Komonwelt. Ito ay isang tradisyon – isang pambansang Gawain – sa loob ng halos 85 taon.
_____________________ 2. Naramdaman ang magnitude 3.2 na lindol sa Butig, Lanao Del Sur Sabado ng
umaga. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol sa layong 18 kilometers Southeast ng Butig bandang 9:09
ng umaga.
_____________________ 3. Naging mabilis din ang kilos ng ABS-CBN, matapos mag- file kamakalawa ng
isang quo warranto petition ang Solicitor General na humihiling sa Korte Suprema na suspindihin na ang
franchise ng network dahil sa ilang paglabag doon. Sinabi ni solicitor general na iyon ay isang “very urgent
motion”.
_____________________ 4. Pinatutunayan ngayon ni JK Labajo na marunong talaga siyang gumawa ng
magandang kanta na hindi madaling kalimutan. Nominee na naman kasi ang sarili niyang komposisyon na
Buwan sa PMPC Star Awards for Music.
_____________________ 5. Sususpindihin ng Pasig City ang mga mall at iba pang establisyimento na
hindi mag-iimplement ng social distancing.
___________________ 6. Dahil sa paparami nang paparami ang nasusumpungan nang gumagamit ng
bisikleta sa pagpasok sa kanilang mga trabaho, nasa 14 pang bicycle racks ang ipinuwesto ng Department of
Transportation (DOTr) Road Sector sa mga istasyon ng MRT-3.
Panuto E.: Suriin kung anong uri ng MAKABAGONG PAMATNUBAY ang sumusunod na mga
pamatnubay ng balita. Isulat ang iyong sagot sa bawat patlang.
____________________ 1. Hindi lahat ng luma, wala nang halaga. Gaya na lamang ng ilang lumang gamit
na iniingatan ngayon ng ilang kolektor tulad ng panyeta, maliit na libro at paa ng lumang sewing machine na
libu-libo ang presyo.
___________________ 2. “Lahat ng sumusuporta sa aking administrasyon ay inaanyayahan kong magsuot
ng yellow ribbon sa ika-28 ng Hulyo,” ito ang panawagan ni Pangulong Ninoy Aquino sa kanila ng kanyang
isyong kanyang kinasangkuta sa Dispercement Accelaration Program o DAP. ___________________ 3.
Makakamit ba ng Pilipinas ang Hamon ng MDG 2015? Ito ang tanong ng mga kinatawan ng United nations
(UN).
___________________ 4. Masikip, marumi at hindi matitirahan, iyan ang komento ng marami sa mga
nasalantaan ng bagyong Yolanda kaugnay sa mga bunk houses na ibinigay ng gobyerno.
___________________ 5. “Like mother, like daughter,” pinatunayan ng former Sexbomb dancer na si
Rochelle Pangilinan ang katagang ito nang ipakita niya ang galing sa pagsayaw ng anak nila ni Arthur
Solinap na si Baby Shiloh.

PAGSASANAY F.

You might also like