You are on page 1of 4

LDLB RADYO BALITA

Script para sa Radio Broadcasting


Filipino 8 – 3rd Quarter Performance Task

Anchor 1: _____________________
Anchor 2: _____________________
News Presenter 1: ____________________
News Presenter 2: ____________________
News Presenter 3: ____________________
Sports Reporter: _____________________
Weather Forecaster: __________________
Infomercial: __________________________
Voice: ______________________________
Technical Application: _____________________________
*****
(Malakas na bagsak ng tunog na biglang hihina)
Station ID: LDLB Radyo Balita! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.
LDLB Radyo Balita, singko kwatro otso!
(Sound effects na malakas)
Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan. Ito ang LDLB
Radyo Balita!
Anchor 1: Mga balitang nakalap sa loob at labas ng bansa.
Anchor 2: Mga isyung tinututukan.
Voice: LDLB Radyo Balita!
Sa loob ng limang minuto, maghahatid ng balitang siksik, sulit na sulit. Narito ang
tambalang ____________________ (anchor 1) at ________________ (anchor 2).
Anchor 1&2: Ito ang LDLB Radyo Balita, singko kwatro otso!
(Sounds TING!)
Voice: Sa ulo ng mga nagbabagang balita!
Anchor 1: Putin, pinaaaresto ng ICC.
Voice: LDLB Radyo Balita
Anchor 2: Hirit ng teacher’s group: Kakulangan sa silid-aralan, dapat tugunan.
Voice: LDLB Radyo Balita
(dagling pagputol ng kanta)
Anchor 1: Para sa mga detalye
(continue background music)
News Presenter 1: Naglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court o ICC nitong
Biyernes laban kay Russian President Vladimir Putin kaugnay ng “war crimes” sa
Ukraine. Ayon sa ICC, may pananagutan umano si Putin sa sapilitang paglilikas
ng mga bata sa Ukraine patungong Russia. Inisyuhan din ng ICC ng arrest warrant
sa parehog kaso ang presidential commissioner for childresn’s rights ng Russia na
si Maria Lvova-Belova. Ang nasabing kaso umano aynangyari noong ika-24 ng
Pebrero 2022, kung kailan nilusob ng Russia ang Ukraine. Ako si
_____________, LDLB Radyo Balita!
News Presenter 2: Nanawagan kahapon ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na
tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa. Ayon kay Alliance of
Concerned Teachers o ACT’s Chairperson Vladimer Quetua, dapat paglaanan ng
pamahalaan ng mas malaking pondo ang sector ng edukasyon. Binigyang-diin ni
Quetua na Malaki naman ang pondo para sa “Build Better More infrastructure
program” na aabot sa P1.2 trilyon kada taon habang ang pagpapayato ng mga
silid-aralan ay mangangailangan lamang ng ponding P15.6 bilyon.
_________________, nag-uulat LDLB Radyo Balita!
(sounds malakas magpapalit)
Anchor 2: Balitang Showbiz sa LDLB Radyo Balita! Seth, pinagplanuhan ang pag-kidnap
kay Francine. Narito ang detalye.
News Presenter 3: Noong March 12 ay naganap ang proposal ni Seth Fedelin kay Francine
Diaz upang maging prom date ng actor sa Star Magic Prom na gaganapin sa
March 30. Ayon sa actor ay talagang pinagplanuhan niya ang gabing iyon.
Tumulong ang actor sa mismong dinner setup sa isang lugar sa Dasmarinas,
Cavite upang isorpresa si Francine. Para sa binata ay talagang espesyal ang turing
nya kay Francine kaya pinagkaabalahan niya ang naturang “promposal”
Nasorpresa naman si Francine noong agbing iyon. Hindi raw inakala ng aktres na
gagawin ni Seth ang magpropose para sa naturang Star Magic Events. Ito ang
pinakamainit na balitang showbiz, ______________, LDLB Radyo Balita!
Anchor 1&2: LDLB Radyo Balita, singko kwatro otso!
Anchor 2: Oras po natin ngayon, ________ minuto makalipas ang alas _______ ng umaga.
Hatid sa inyo ng ____________________________ (insert commercial song
here)
Anchor 1: Kayo’y patuloy na nakikinig sa…
Voice: RRRRadryo ng Masa. LDLB RRRRadyo Balita!
Anchor 1&2: Singko kwatro otso!
(sounds-magpapalit)
Anchor 2: Pagtatapos ng La Nina, idineklara ng PAGASA. Umpisa na nga ba ng El Nino?
Alamin yan sa ulat panahon hatid sa atin ni _____________. Pasok!
(palit ng sounds-pang weather forecast)
Weather Forecaster: Sa huling La Nina advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi nito na tapos na ang
cooling phase ng temperature ng dagat na nagdulot ng malalakas na bagyo sa
bansa. Sinabi ng weather state bureau, tinataya na ang ENSO-neutral condition,
La Nina o El Nino ay inaasahang mararanasan mula Marso hanggang Hunyo.
Ayon pa sa PAGASA, mas mataas ang posibilidad ng paglipat ng panahon sa El
Nino o mainit na panahon. Kaya naman asahan na ang mas mainit na panahon sa
mga susunod na araw. Mula dito sa Tanggapan ng PAGASA,
___________________ nag-uulat para sa LDLB Radyo Balita.
(sandaling pagputol ng sounds)
(bagong sound effects)
Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang
ako, nababawasan at nauubos din. Ikaw na nga ang nagsabi, walang forever. Kaya
kapag hindi mo ko tinipid, iningatan at pinahalagahan mawawala ako sayo at
kahit ikaw mawawala din dito sa mundo. Kaya mahalin mo ang isang hamak n
atubig na gaya ko. Panahon na naman ng El Nino. Panahon na naman para mas
magtipid at gamitin nang wasto ang tubig…. Ito ay mahalagang paalala mula sa
Laguna Water District.
(Malakas na pasok ng kanta papahina)
(Pasok ng bagong kanta)
Anchor 1: Nagbabalik ang…
Voice: LDLB Radyo Balita!
Anchor 1&2: Singko Kwatro Otso.
Anchor 2: Sa balitang pampalakasan (sound effect), No. 2 spot nasolo ng Lady Bulldogs.
Alamin ang detalye sa ulat ni __________________ (sports reporter)
Sports Reporter: Napaamo ng defending champion National University ang Far Eastern
University sa score na 25-21, 25-9, 25-18, upang masolo ng No.2 spot sa UAAP
Season 85 womwn’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan
City. Solido ang inilaro ni reigning MVP Mhicaela Belen na humataw ng 16
points at 10 excellent receptions para pamunuan ang Lady Bulldogs sa ikalimang
panalo sa anim na laro. Nalaglag ang Lady Tamaraws sa 3-4 baraha. Dinomina ng
Lady Bulldogs ang attacking department matapos magpako ng 41 kills laban sa 18
lamang ng Lady Tamaraws. ____________________ para sa Sports Balita ng
LDLB Radyo Balita.
(Sounds lalakas)
Voice: LDLB Radyo Balita. Mata ng masa, boses ng katotohanan. Singko Kwatro Otso.
Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid
ng balitang sariwa kundi balitang tatatak din sa inyong puso at diwa.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, _________________________
Anchor 1: At lagi ninyong kaagapay, ____________________________
Anchor 2: Balitang tapat.
Anchor 1: Balitang sapat.
Anchor 1&2: Lahat ilalantad, sa inyo’y nararapat. LDLB Radyo Balita, Singko Kwatro Otso!
(sounds – malakas papahina)

*** E N D ***

You might also like