You are on page 1of 4

BALITA/ULAT:

Arestado ang dalawang lalaki sa Quezon City dahil sa umano'y pamamaril at


pagkapatay sa isang Indian, at ang pinag-ugatan umano ng krimen ay ang paniningil ng
utang.

Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes na umamin ang gunman at sinabing napag-
utusan lang daw siya ng kanyang amo sa pinagtatrabahuhan niyang bigasan.

Inulat ni James Agustin na noong February 14, pinagbabaril ang biktimang Indian sa
Barangay Batasan Hills. Dead on the spot ang biktima matapos tamaan ng bala ng baril
sa ulo.

Nahuli-cam pa umano ang suspek na sumakay ng tricycle bago ang pamamaril. Dala-
dala nito ang isang paper bag habang naglalakad.

Ayon sa ulat, walang CCTV sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril, pero na
kuhanan ng isa pang CCTV ang patakas ng suspek habang hinuhubad ang kanyang
jacket na suot niya bago gawin ang krimen.

Sa follow-up operation ng mga pulis, naaresto ang 21-anyos na suspek na kinilalang si


Mark Darriel Lagarde. Nakuha sa kanya ang isang baril na kargado ng mga bala.

Nahuli rin ang mastermind na si Randy Manalo matapos ituro ng gunman na nag-utos
sa kanya na gawin ang krimen.

Napag-alamang nagtatrabaho si Lagarde bilang delivery boy sa bigasan ni Manalo, na


nakuhanan ng mga pulis ng granada.

Sa imbestigasyon, lumalabas na ang ugat ng krimen ay sinisingil ng biktima ang utang


sa kanya ni Manalo.

"Ang mastermind ng krimen ay may utang sa biktimang Indian sa halagang P200,000 ...
Pagkatapos, ang ibinigay niya sa gunman ay P20,000," ayon kay PBGen Nicolas Terre
III, QCPD director.

Umamin si Lagarde na siya ang bumaril sa biktima.

"Naudyukan lang ako ... syempre, pera... P20,000. Tatanggapin ko na lang po ang
parusa," pahayag ni Lagarde.

Iginiit naman ni Manalo na P50,000 na lang ang utang niya sa Indian, at iba umano ang
inutos niya kay Lagarde.

"Holdapin, hindi patayin," Pahayag ni Manalo. Nang tanungin kung bakit niya inutos ang
krimen, sagot niya, "hindi ko po alam sir."

Mahaharap ang dalawa sa reklamong murder.

May karagdagan umanong reklamo laban kay Lagarde na illegal possession of


firearms.

Samantala, si Manalo ay mahaharap sa hiwalay na reklamong illegal possession of


explosives.

Website: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/861885/2-lalaki-arestado-dahil-sa-pamamaril-
umano-sa-isang-indian-sa-qc/story/
PAGGAWA NG ISANG REAKSYONG PAPEL UKOL SA
ULAT/BALITA

PANUTO: Basahin at unawain ang isang ulat o balita. Sa


pamamagitan nito, isulat ang mga batayan ng Sirkunstansya sa
isang aksiyon o gawain. Gamiting gabay ang Flow Chart sa ibaba
kaalinsunod nito sumulat ng isang Repleksiyon o Reaksyong
Papel batay naman sa mga katanungan sa ibaba. Kinakailangang
ito ay binubuo ng Simula, Gitna/Katawan, Wakas/Pagtatapos.
OUTPUT na kinakailangan (SULAT-KAMAY):

1. Flow Chart
2. Repleksiyon o Reaksyong Papel (Inaasahan na sa bawat elemento ay may tatlo
hanggang apat na pangungusapn sa pagpapaliwanag)

MGA SIRKUNSTANSIYA

a. Sino
b. Ano

c. Saan d. May Kasama o Sino ang Kasama

e. Bakit f. Paano

g. Kailan
Mga gabay na katanungan sa Repleksyon o Reaksyong Papel:
1. Ano ang epekto ng maling desisyon sa buhay ng taong kasangkot sa nabasang
balita?
2. Ano-ano ang mga bagay na maaaring gawin ng taong kasangkot sa nabasang balita
upang muli siyang makapagbago at muling bumalik sa matiwasay na buhay?
3. Ano-ano ang mga aral na maaaring mong makuha sa pangyayari sa balitang
nabasa?
Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ___________
Baitang at Pangkat: ____________________________________

Inaasahan na sa Repleksyon o Reaksyong Papel ang sumusunod na pamantayan:

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ___________


Baitang at Pangkat: ____________________________________

Inaasahan na sa Repleksyon o Reaksyong Papel ang sumusunod na pamantayan:

You might also like