You are on page 1of 11

10

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 8:
Pagsusuri sa Pinanood
na Pagbabalita Batay sa Pamantayan

May-akda: Marcerin R. Permejo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


 Aralin 1 – Pagsusuri sa Pinanood na Pagbabalita Batay sa Pamantayan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang pagbabalita sa radyo/telebisyon;
B. natutukoy ang paksa at paraan ng pagbabalita; at
C. nasusuri ang paksa, paraan ng pagbabalita at iba pa

Subukin

Punan ng hinihinging impormasyon ang bawat hanay.

Batayan Pagbabalita
ng Paghahambing Sa Radyo Sa Telebisyon

Paksa ng balita

Paraan ng pagbabalita

Kagamitang kailangan

Pagsusuri sa Pinanood
Aralin na Pagbabalita Batay sa Pamantayan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusuri sa pinanood na pagbabalita


batay sa pamantayan. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang
matapat ang lahat ng gawain.

Balikan

Bilugan ang letrang T kung tama ang pahayag. Bilugan ang M kung hindi
ito angkop tungkol sa mga katangian ng balita.

T M 1. Naglalaman ng opinyon.
T M 2. Naglalahad ng mga impormasyon o datos.
T M 3. Layunin nitong magbigay ng kaalaman.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
T M 4. Napapanahon ang paksa.
T M 5. Gumagamit ng payak at madaling unawaing mga salita.

Tuklasin
A. Panimula
Kilalanin kung sino-sino ang mga nasa larawan.

Ilang personalidad ang kilala mo sa nasa larawan?


Ano ang pagkakatulad nilang lahat?

B. Pagbasa

Duterte, Ipakukulong ang mga Sangkot


sa Anomalya sa PhilHealth
(ABS-CBN News)
Posted at Aug 25 2020 02:10 PM | Updated as of Aug 25 2020 07:14 PM

MAYNILA (UPDATE) - Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na


pananagutin ang mga tauhan ng gobyerno na sangkot sa mga anomalya sa
Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at maling paggamit ng mga
pondong para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sa isang talumpating umere ngayong Martes, sinabi ni Duterte na
ipakukulong niya ang mga mapatutunayang sangkot sa korapsyon.
"Pero itong nagnakaw ng pera ng bayan lalo na 'yung sa COVID-19,
they will go to prison. I am sure. 'Pag wala akong makita na magpakulong,
magdampot ako ng 3 sa kanila, kulungin ko. Pilitin ko kulungin para may
makulong lang talaga," ani Duterte.
Nangako rin ang pangulo na pananagutin niya ang mga sangkot sa
anomalya sa PhilHealth sa nalalabi niyang termino.
Nasangkot sa kontrobersiya kamakailan ang PhilHealth matapos
lumutang ang mga isyung tulad ng pagbili ng overpriced IT equipment at
kuwestiyonableng alokasyon sa interim reimbursement mechanism.
Dahil nagagamit umano ang pondo ng gobyerno sa korapsyon, iniutos
ni Duterte sa PhilHealth maging sa ibang ahensiya ng gobyerno na i-
publish sa mga pahayagan ang mga pinaglalaanan ng pondo at mga
sumasali sa bidding.
"I would require them to publish in the newspaper, sa tatlong
newspapers of general circulation," ani Duterte.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
"Ipa-publish ko ito ang mga bibilhin at pagkatapos ipa-publish ko
pagkatapos sa notice sino ‘yong bidders, ‘yong pangalan nila," dagdag niya.
Tiniyak ni Duterte na magagamit sa tama ang pondo ng gobyerno na
inilalaan kontra COVID-19.

Buo umano ang tiwala ng pangulo sa mga dating opisyal ng militar sa


Gabinete na magagamit ang pondo para sa iba't ibang proyekto ng
pamahalaan.
Samantala, ipinaliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa
pangulo ang proyekto para ma-digitize lahat ng paraan ng pamamahagi ng
ayuda ng gobyerno. Ibig sabihin ay idadaan na sa bank accounts o e-
wallets ang tulong ng gobyerno.
Sa parehong talumpati, tinuldukan na ni Duterte ang usapin tungkol
sa panukalang revolutionary government ng kaniyang mga tagasuporta.
Nilinaw ni Duterte na wala siyang kilala sa mga nagtutulak ng
revolutionary government at hindi niya sinusuportahan ang panawagan.
Tumugon din si Duterte kay Vice President Leni Robredo, na nagbigay
noong Lunes ng mga panukala kung paano makababangon ang ekonomiya
sa gitna ng COVID-19 pandemic.
"You will just destroy government. Huwag ninyong sirain ang
gobyerno kasi masisira ang tao," ani Duterte.
"'Pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayong lahat, maski na sabihin
ninyong mamatay ako bukas, it cannot solve the problem of the country,"
dagdag niya.
Ulat nina Joyce Balancio at Arianne Merez, ABS-CBN News

Mula sa: https://www.youtube.com/watch?v=hgVqiS8RnuY&feature=emb_logo

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Tungkol saan ang balita?


2. Tukuyin ang mahahalagang impormasyong inilahad sa balita.
3. Sa iyong palagay, may mabuting epekto ba ang balitang ito sa mga
mambabasa? Bakit?

Suriin
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang. Ito
ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin. Pasalita kung ang ginawang midyum ay ang radyo at
telebisyon. Pasulat kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang
uri ng babasahin at pampaningin kung ang midyum ay ang telebisyon
at sine.

Mga Uri ng Balita


A. Ayon sa estilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita - direktang paglalahad ng mga impormasyon
2. Pabalitang Lathalain – ang paraan ay tulad sa pormat ng
lathalain

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
B. Ayon sa lugar na pinangyarihan
1. Lokal na Balita - ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa
pamayanang kinabibilangan o tinitirahan ng tagapakinig o
mambabasa (pambarangay, panlalawigan, pambayan,
panrehiyon, panlunsod, pambansa).
2. Balitang Pang-ibang Bansa
C. Ayon sa nilalaman
Pang-agham at teknolohiya, Pang-agrikultura, Pang-isports o
pampalakasan, Pangkaunlaran, iba pa.
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan
1. Batay sa Aksyon- ang nagbabalita ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
2. Batay sa Tala- ang pinagbatayan ng balita ay mga talang
nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya
3. Batay sa Talumpati- ang pinagkukunan ng datos ay talumpati
ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam -ang mga datos ay nalikom mula sa
pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa
pangyayari.
E. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman
1. Balitang pamukaw-kawilihan - karaniwang maiikling balita
tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng
mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan- nagpapaunawa sa mambabasa
tungkol sa dahilan, saligan, katauhan, katauhanng mga
pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.

Mula sa:
https://www.slideshare.net/divinegarciasarmiento
/pagsulat-ng-balita-ppt

Pagyamanin

A. Basahin ang sumusunod na bahagi ng iba’t ibang balita. Tukuyin ang


paksa. Isulat sa inilaang espasyo.

1. Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na pananagutin ang mga


tauhan ng gobyerno na sangkot sa mga anomalya sa Philippine
Health Insurance Corp. (PhilHealth) at maling paggamit ng mga
pondong para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. (Duterte
ipakukulong ang mga sangkot sa anomalya sa PhilHealth, Joyce Balancio at
Arianne Merez, ABS-CBN News, Aug 25 2020)
Paksa: ______________________________________________________________
Ayon sa lugar na pinangyarihan _____________________________________
Ayon sa nilalaman __________________________________________________

2. Bumagsak sa 20 percent o may halagang P15.36 ang presyo ng kada


kilo ng farm gate dry palay mula sa dating P19.18 per kilo noong
Mayo sa panahong dumanas ng epekto ang mga magsasaka ng pa-

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
nanalasa ng nagdaang mga bagyo sa kanilang mga pataniman ng
palay. (Farm gate price ng palay bumagsak ng 20%, Angie dela Cruz; Pilipino
Star Ngayon: November 29, 2020)
Paksa: ______________________________________________________________
Ayon sa lugar na pinangyarihan _____________________________________
Ayon sa nilalaman __________________________________________________

3. Inilatag ni Jeffrey De Luna ang matikas na ratsada upang masungkit


ang dalawang korona — 9-Ball at 10-Ball divisions —ng 1st Annual
Meucci Classic 10-Ball Division na ginanap sa Racks Billiards Sports
Bar and Pizzeria sa Sanford, Florida. (De Luna sumargo ng 2 titulo sa
Florida, Chris Co; Pilipino Star Ngayon, November 26, 2020)
Paksa: ______________________________________________________________
Ayon sa lugar na pinangyarihan _____________________________________
Ayon sa nilalaman __________________________________________________

4. Umaabot sa 832 na Traditional Public Uti-lity Jeepney drivers ang


dumagsa sa Quezon City Memorial Circle upang makapagrehistro sa
Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr)
at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
(Higit 800 tsuper nagparehistro sa ‘service contracting’ ng DOTr, Angie dela
Cruz; Pilipino Star Ngayon, November 28, 2020)
Paksa: ______________________________________________________________
Ayon sa lugar na pinangyarihan _____________________________________
Ayon sa nilalaman __________________________________________________

5. Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang ulat na


diumano’y posibleng magdulot ng pagkabaog sa mga lalaki ang
COVID-19. (Pagkabaog sa COVID-19 pinag-aaralan na ng DOH, Malou
Escudero; Pilipino Star Ngayon, November 29, 2020)
Paksa: ______________________________________________________________
Ayon sa lugar na pinangyarihan _____________________________________
Ayon sa nilalaman __________________________________________________

B. Makinig ng isang balita sa radyo at manood ng balita sa telebisyon.


Maliban sa nilalaman ng balitang inihayag, pansinin din ang paraan o
naging proseso sa paghahayag ng balita. Sino-sino ang sangkot sa
pagbabalita? Paano ipinaunawa ang balita sa mga tagapakinig at
manonood?
Matapos ang pakikinig at panonood, pagkumparahin ang dalawang
paraan ng pagbabalita. Ano ang napansin mong pagkakatulad at
pagkakaiba? Sundan ang pormat sa ibaba para sa pagsagot. Isulat ito
sa isang hiwalay na papel.

Balita sa Radyo Balita sa Telebisyon


Paraan ng
pagbabalita
Taong sangkot

Kagamitan sa
pagbabalita

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Isaisip

Ipaliwanag ang pahayag. Maaaring gumamit ng mga


halimbawa upang mapalawig ang ideya.

Ang balitang pantelebisyon, tulad din ng balitang panradyo


ay pareho ng layunin sa pagbabalita. Nagkakaiba lamang sila sa
paraan ng paglalahad.

Isagawa
Ipagpalagay na ikaw ang inatasang maghanda para sa isang balitang
pantelebisyon. Ikaw rin ang maghahanda ng iskrip ng news anchor at ng
field reporter na siyang magbibigay ng ulat. Ang balitang gagamitin ay ang
binasa sa bahaging “Tuklasin,” “Duterte, Ipakukulong ang mga Sangkot sa
Anomalya sa PhilHealth.” Pumili na lamang ng bahagi nito upang umikli
ang pag-uulat. Dahil ito ay balitang pantelebsisyon, pagplanuhan din ang
kinakailangang bidyo para sa balitang ito. (Hindi gagawa ng aktuwal na
bidyo, Ideya lamang ng bidyong gagamitin at kung kailan ipapasok sa
balita.)
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pagsulat ng iskrip- 5 puntos


Proseso ng pagbabalita- 5 puntos
Ideya sa pagpasok ng bidyo sa pagbabalita- 5 puntos
KABUOAN 15 puntos

Tayahin
Suriin ang isang pagbabalita sa isang programang pantelebisyon.
Gamitin ang sumusunod na pamantayan. Balikan ang tinalakay sa
bahaging “Suriin” kung kinakailangan. Sundin ang pormat at isulat sa
isang buong papel.

I. Balitang Pantelebisyon
Pamagat ng programa
Istasyon
Araw at oras
News Anchor
Tagapag-ulat

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
II.Pagsusuri
Paksa
Uri ng balita
ayon sa estilo
Uri ng balita ayon sa
pinangyarihan
Uri ng balita ayon sa
nilalaman
Uri ng balita ayon sa
pinagbabatayan
Uri ng balita ayon sa
paglalahad ng
nilalaman

Narito ang dalawa pang gawaing magpapahusay sa iyong kasanayan.


Pumili lamang ng isa at isagawa.

1. Ipagpalagay na ikaw ay isang tagapag-ulat sa telebisyon. Bumuo ng


iyong panimula at ang pangwakas na bahagi sa pag-uulat. Irekord ito
at ipasa sa iyong guro.

2. Kapanayamin ang 5-6 na kasama sa bahay kung alin ang pipiliin nila,
pagbabalita sa radyo o sa telebisyon. Alamin din ang kanilang dahilan
sa pagpili. Matapos ang pagtatanong, sumulat ng maikling ulat sa
naging resulta

Dito nagtatapos ang aralin. Nawa’y naging makabuluhan ang pagsagot sa


mga gawain. Hanggang sa susunod na pagtuklas sa bagong aralin.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Susi sa Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Sanggunian

https://www.youtube.com/watch?v=hgVqiS8RnuY&feature=emb_logo

https://www.spot.ph/newsfeatures/54253/top-10-most-popular-pinoy-tv-
news-anchors

https://www.spot.ph/newsfeatures/54475/the-10-most-popular-pinay-tv-
news-anchors-2

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/11/29/2060260/farm-gate-price-ng-palay-
bumagsak-ng-20

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/palaro/2020/11/26/2059434/de-luna-sumargo-ng-2-
titulo-sa-florida

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/metro/2020/11/28/2059993/higit-800-tsuper-
nagparehistro-sa-service-contracting-ng-dot

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/11/29/2060230/pagkabaog-sa-covid-19-
pinag-aaralan-na-ng-doh

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marcerin R. Permejo (Guro, PHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Coney Ivy A. Gamatero


Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like