You are on page 1of 10

Pagsasanay sa Filipino 2

Pangalan ______________________________________________ Petsa ______________ Marka


_____

Pagkilala sa Simuno at Panaguri

Panuto: Isulat sa patlang kung ang nakasalungguhit ay SIMUNO o PANAGURI.


___________ 1. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.
___________ 2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma.
___________ 3. Sinusuri nang mabuti ng mga imbestigador ang mga ebidensiyang nakuha
sa lugar ng krimen.
___________ 4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga residente mula sa mapanganib na
lugar.
___________ 5. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala.
___________ 6. Ang kaibigan mo ay tiyak na matutuwa sa sorpresa na inihanda mo para
sa kanya.
___________ 7. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.
___________ 8. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinamalas ng mga mag-aaral.
___________ 9. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay inanyayahang dumalo sa
gaganaping pagtatanghal.
___________ 10. Sina Ariel, Warren, at Joshua ay naghanda ng masarap na meryenda
para sa mga panauhin.
___________ 11. Nagbigay ng malaking donasyon para sa bahay ampunan ang samahan ni
Ginang Santiago.
___________ 12. Ang mga turista ay hinikayat na sumali sa pagsasayaw sa parada ng
pista.
___________ 13. Ang babaeng nakadilaw na damit ay nagbebenta ng puto.
___________ 14. Si Andrea ay nagsasaliksik tungkol sa buhay ni Jose Rizal.
___________ 15. Ang buong klase ni Bb. Rica ay magkakaroon ng lakbay-aral sa Mind
Museum.
___________ 16. Malakas na pinalakpakan ang talumpati ni Pangulong Aquino.
___________ 17. Ang bawat kasapi ng samahan ay nag-ambag ng kanilang oras, talino, at
talento.
___________ 18. Makinig ka nang mabuti sa payo ng iyong mga magulang.
___________ 19. Puno ng aral ang kuwento na isinalaysay ni Lolo Berting.
___________ 20. Nakalimutan ni Arnel na isumite ang mga dokumento tungkol sa kanyang
bagong negosyo.
Pagsasanay sa Filipino 2

Pangalan____________________________________ Petsa_______________Marka__________

Ayos ng Pangungusap
Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang ayos ng pangungusap ay
karaniwan o tuwid. Isulat ang mga titik DK kung ang ayos ng pangungusap ay
di-karaniwan o kabalikan.
_____1. Ang dating sirang kalsada ay inaspalto na.

_____2. Masama sa katawan ang paninigarilyo.

_____3. Madalas kumain ng kendi at tsokolate si Benny.

_____4. Kami ay pupunta sa opisina ng koreo mamayang hapon.

_____5. Ang barkada ni Ellen ay magmemeryenda sa bahay bukas.

_____6. Si Tito Melchor ang maghahatid sa atin sa istasyon ng bus.

_____7. Nakabihis na at handa nang umalis ang mga anak natin.

_____8. Sina Finn at Jake ay naghahanap ng mga pambihirang karanasan.

_____9. Tumulong sa paglinis ng bakuran sina Juan at Jose.

_____10. Tumagal nang higit sa dalawang oras ang programa.

_____11. Dadalo kami sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jessica.

_____12. Tayo ay magbabakasyon sa isang magandang resort sa Batangas.

_____13. May mga alagang aso at pusa ang pinsan ko sa probinsiya.

_____14. Masyadong maasim ang manggang ibinigay sa akin.

_____15. Gaganapin sa bahay ni Ollie ang munting salusalo.

_____16. Si Ate Sheila ay gumigising nang maaga para magluto ng almusal.

_____17. Nakatira ang kaibigan ko sa kabilang subdibisyon.

_____18. Magluluto si Tita Nadia ng masarap na kare-kare.

_____19. Ang mga lumang damit at sapatos ay ibibigay ko sa bunso namin.

_____20. Sila ay sasama sa atin papunta sa Museo Pambata.

Pagsasanay sa Filipino 2
Pangalan____________________________________ Petsa_______________Marka__________

Uri ng pangungusap
Basahing mabuti ang pinaghalong mga pangungusap. Pumili ng limang
magkakaugnay na pangungusap. Isulat muna ang paksang pangungusap saka
isunod ang iba pang kaugnay na pangungusap. Lagyan din ito ng angkop na
pamagat.

-Ginagawa niya ang makakaya para bumuti ang buhay ng lahat.


-Hindi siya natatakot sa mababangis na hayop doon.
-Mabuting pinuno si Haring Leon.
-Mahal niya ang kanyang nasasakupan.
-Mahal at iginagalang din siya ng lahat.
-Matamis siyang ngumiti.
-Nanghuhuli siya ng baboy-ramo sa gubat.
-Sana lahat n glider ay maging katulad ni Haring Leon.
-Siya ay nagpapahinga sa itaas ng bundok.

_____________________________________________________

__________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

____________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Basahin ang liham sa ibaba. Isulat ang mga bahagi nito sa mga nakalaang

456 San Miguel St.


kahon.

Basahin ang liham sa ibaba. Isulat ang mga bahagi nito sa mga nakalaang
kahon.
456 San Miguel St.

San Juan, City

Setyembre 22, 2018

Ma’am Celia,

Patawad po, ma’am. Naiwan ko pong bukas ang mga electric fan pagkatapos po ng klase.
Bilang lider ng klase, alam ko pong malaki ang inaasahan ninyo sa akin sa pamamahala ng ating silid-
aralan. Hindi na po ito mauulit. Lahat po kami ay magiging responsible sa kaligtasan at kaayusan ng
ating klasrum.

Lubos na gumagalang,

Raya Malaya

Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.

1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
____ Ang paboritong kulay ko ay bughaw.

2. ____ Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay Gloria
Macapagal-Arroyo.
____ Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

3. ____ Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama sa
kalusugan.
____ Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

4. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.


____ May pitong araw sa isang linggo.

5. ____ Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.


____ Mas maraming gusali sa pamayanang urban.

6. ____ Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Julia.


____ Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.

7. ____ Ang gagamba ay hindi insekto.


____ Nakatatakot ang mga gagamba.

8. ____ Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.


____ Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.

9. ____ Labag sa ating batas ang magbenta ng alak sa mga bata.


____ Dapat ikulong ang mga batang umiinom ng alak.

10. ____ Bibilis ang pag-unlad ng bansa dahil sa pagbaba ng presyo ng gasoline at diesel.
____ Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
Pagkilala sa Kambal-katinig
Bilugan ang salitang may kambal-katinig sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang kambal-katinig.

_____ 1. Umupo ang reyna sa kanyang trono.


_____ 2. Hilaw pa ang mga prutas sa kusina.
_____ 3. Ikaw ang pinili ng mga kaklase mo.
_____ 4. Kanino ang tsinelas na dilaw?
_____ 5. Sobra ang sukli ni Nanay.
_____ 6. Tumaas ang kilay ng drayber.
_____ 7. Buksan mo ang gripo sa banyo.
_____ 8. Mabilis ang daloy ng trapiko kanina.
_____ 9. Ayaw niya isuot ang sumbrero.
_____ 10. Ang kriminal ay nahuli ng mga pulis.
_____ 11. Magsuot ka ng dyaket kung maginaw.
_____ 12. Natunaw ang bloke ng yelo.
_____ 13. Presko ang simoy ng hangin dito.
_____ 14. Simple lang ang pangarap ko sa buhay.
_____ 15. Naghain ng litson sa bahay nila.

Magbigay ng limang salita na may kambal katinig. Gamitin ang bawat isa sa
pangungusap.

1. __________________________________________________________________________________.

2. __________________________________________________________________________________.

3. __________________________________________________________________________________.

4. __________________________________________________________________________________.

5. __________________________________________________________________________________.

Ikaw ay batang mahilig magbasa. Ibahagi mo sa iba ang paborito mong


kuwento pagkatapos mong buoin ang balangkas.

___________________________________________________
Pamagat

Mga Tauhan
____________________________________________________________________________________

Tagpuan
____________________________________________________________________________________

Pangyayari
Panimulang
Pangyayari:__________________________________________________________________
Pagkilala sa Diptonggo

Bilugan ang salita o mga salitang may diptonggo sa bawat pangungusap.


Isulat sa patlang ang diptonggo o mga diptonggo sa pangungusap.
Halimbawa:
Sigaw Malakas na siga ni Victor ang tumigil sa mahimbing na tulog ni Cora.

_____ 1. Naubos ng apoy ang mga kahoy.


_____ 2. Magdala ka ng pamaypay at payong.
_____ 3. Napakahusay sumayaw ng prinsesa.
_____ 4. Sumakay ang pamilya sa tren.
_____ 5. Masarap ba ang keyk na kinain mo?
_____ 6. Matakaw ang kanyang alagang kalabaw.
_____ 7. Iba’t-ibang kulay ang mga sisiw.
_____ 8. Malakas ang daloy ng tubig sa ilog.
_____ 9. Ayaw niya kainin ang pritong manok.
_____ 10. Dadalaw ang reyna sa bahay.

Isulat nang magalang ang iyong reaksiyon o komento para sa sitwasyon sa


bawat bilang.

1. Nagpaplano kayo sa grupo para sa inyong proyekto. May suhestiyon ang iba
pero may nabasa kang mas makabubuti para sa inyong proyekto.

2. Maganda ang proyektong ginawa ng isang pangkat ng mga kaklase mo.

You might also like