You are on page 1of 6

Course Title:

M1 Q3 FIL 3: Tula
Details:
M1 Q3 FIL 3
Lesson Description:
Ang talakayan na ito ay nakatuon sa tula.
Course Objectives: Sa pagtatapos ng talakayan na ito, ikaw ay inaasahang:
Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang magkapareho ng baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan
Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa nabasang tula.
Nakasusulat ng tula na may dalawang saknong.
Module Title:
M1 Q3 FIL 3
Tula
Description:
Sa modyul na ito, ikaw ay makakatagpo ng:
Add Assessment:
Kickstarter:
Pagsasanay
Assessment Title:
Subukin Natin!
Instruction:
Isulat ang sagot sa papel at ipasa sa messenger ng iyong guro.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa bawat bilang. Magkapareho ang baybay ng
mga ito ngunit magkaiba ang bigkas at kahulugan. Ibigay ang wastong kahulugan ng
bawat salita batay sa konteksto ng pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat sa
patlang ang iyong sagot.
___________ a. Matataas ang puno.
___________b. Puno na ang lalagyan.

apaw Uri ng tanim

____________a. Kay saya ng kaniyang kaarawan.

____________b. Luma na ang saya ni Lola.

ligaya Mahabang damit pang ibaba

_____________a. Tila malambot na bulak ang mga ulap.

_____________b. Tila na ang ulan.

Tigil; hinto Parang; katulad

Add Lecture:
Lecture Title:
Basahin Natin!
Description:
Tula
Article:
Basahin ang tula.
Mga Biyaya ng Maykapal
Bughaw at puting ulap, sa kalangita’y matatanaw.
Tila malambot na bulak sa sinag ng araw;
Ang simoy ng hangin, kay sarap langhapin
Nagpapasiglang tunay sa puso’t damdamin.

Kay sayang maglaro sa puting buhangin,

Sa dalampisiga’y tila nagniningning;
Kastilyong buhangin malilikha natin
Along malilikot, ating salubungin.

At sa gawing kaliwa, kay gandang pagmasdan

Ng higanteng bundok ng mga puno’t halaman;
At ang mga ibong dala’y kagalakan
Waring nagsasabing, “Kay sigla ng buhay!”

A, sadyang kay ganda nitong Kalikasan

Na pawang kaloob ng Poong Maykapal!
Sa buhay ng Tao’y nagbibigay-kulay
Sa puso’t damdamin, ligaya ang bigay.
Kaya naman, Bata, anong dapat gawin
Upang Kalikasan ay panatilihin
Na sadyang maganda sa isip at tingin
At hindi masisira bagyo ma’y dumating?
Ano nga ba, Bata, ang ginagawa mo
Nang hindi masira paligid na ito?
O nagsasabi lamang, “Ay, bahala kayo…
Basta’t ako rito’y masayang totoo!”

Lahat tayo, Bata, ay may katungkulan

Na maalagaan ang kapaligiran;
Kaya isipin mo: Gumagawa ka ba
Nang itong paligid ay maging maganda?

Add Assessment:
Assessment Title:
Gawin Natin 1
Instruction:
Isulat ang sagot sa papel at ipasa sa messenger ng iyong guro.
Isa sa mga katangian ng tula ang pagkakaroon nito ng tinatawag na persona. Ang persona ang
nagsasalita o “kumakausap sa bumabasa” sa isang akda.
Basahing muli ang tula. Sagutin ang sumusunod na tanong”:
Sino ang persona o nagsasalita sa tula?
Ano-ano ang ipinapaalala ng persona sa tula?
Add short answer:
I-tayp ang TAPOS NA kung tapos mo na ang gawain.

Add Assessment:
Assessment Title:
Gawin Natin 2
Instruction:
Isulat ang sagot sa papel at ipasa sa messenger ng iyong guro.
Sa iyong palagay, ano ang masasabing mga layunin ng tulang binasa? Piliin ang sagot sa
ibaba. Ipaliwanag.
Layunin ng tula na---
-Paalalahanan ang tao, lalo na ang kabataan
-Pangaralan o pagsabihan ang mga tao
-Magmungkahi tungkol sa kalikasan
-Pagalitan ang mga tao
-Mag-isa-isa ng mga paraan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Paliwanag:
______________________________________________________________________________

Gawin Natin 3!
Instruction:
Sumulat ng tula na binubuo ng dalawang saknong at ang bawat saknong nama’y binubuo
ng apat na taludtod o linya. Ibinigay na sa ibaba ang mga unang linya ng iyong tula.
Sundan na lamang ito. Isulat sa malinis na bondpaper ang inyong gawain. Lagyan ng
angkop na ilustrasyon. Basahin sa harap ng klase ang nabuong tula.
Ipasa ito sa messenger ng iyong guro.
Saknong 1
Kay ganda ng ating bansa!
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Saknong 2
Ang pangangalaga rito’y gagawin ko
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Add short answer:

I-tayp ang WAKAS kung tapos mo na ang gawain.
Mahusay! Ipagpatuloy mo ang iyong naumpisahan. God bless!

You might also like