You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin

Paaralan: Salawag National High School

Guro: Dianna Rose D. Leonidas

Petsa/Oras: Hulyo 24,2019 / 5:15 – 1:15

I. Layunin

. Nasusuri ang akdang Pag ibig sa Tinubuang Lupa;


. Nabibigyan ng kahulugan ang tula;
. Natutukoy ang mga element ng tula;
. Nabibigyan ng halaga ang pagsulat ng tula.
Paksang Aralin

a. Paksa: Tula

b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 (Filipino), pahina 69-80

Mga awtor: Ailene G. Baisa-Julian,Mary Grace G. Del Rosario

c. Kagamitan: Powerpoint presentation

II. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pambungad na panalangin

2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid

B. Balik -Aral

Magbibigay ng katanungan sa mga mag - aaral na may


kinalaman sa paksang aralin noong nakaraang araw
(Pagtatalata).

C. Paglalahad

1. Pagganyak

Magbigay ng mga salita, kataga o parirala na maaaring iugnay sa hugis


na puso. Isulat ang sagot sa espasyo sa paligid nito.
2. Pagtatalakay

. Maikling pagbibigay kaalaman sa naging buhay ni


Andres Bonifacio

. Tulang Pag ibig sa Tinubuang Lupa

. Pagsusuri sa tulang binasa

. Pagbibigay kahulugan sa tula at pagtukoy sa mga


elemento nito

. Mga uri ng tula

3. Gawaing Pagpapayaman

A. Ang bawat mag-aaral ay kailangang gumuhit o gumupit


ng simbolo na magpapakita ng kanilang pag-ibig sa bayan.
Ipaliwanag. Gawin sa maiksing coupon bond.

Paliwanag:
Ilagay o iguhit dito ang
______________________________
simbolo/sagisag: ______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

Rubriks para sa pagmamarka ng gawain:

Nangangailangn
Batayan Napakahusay Mahusay-husay Mahusay Katamtaman
ng Pagpapahusay

5 4 3 2 1

Presentasyon
(Malinis at malinaw
ang mensahe ng
simbolo)
Pagkamapanlikha
(Originality)
Pagkamalikhain
(Lubos na
nagpamalas ng
pagkamalikhain)
Pamamahala sa
oras
(Ginamit ang
sapat na oras sa
paggawa)

B.Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay kailangan bumuo ng mga
grupo na may 3 miyembro. Ang bawat miyembro ay
gagawa ng sariling kathang tula.

Rubriks para sa pagmamarka ng gawain:


Nangangailangn
Batayan Napakahusay Mahusay-husay Mahusay Katamtaman ng
Pagpapahusay
5 4 3 2 1

Presentasyon
(Linaw at ayos
ng pagbigkas
at ekspresyon)
Pagkamapanli
kha
(Originality)
Nilalaman
(Mabisang
naipapahayag
ang mensahe
ng tula)
Pamamahala
sa oras
(Ginamit ang
sapat na oras
sa paggawa)

4. Paglalahat

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sino ang sumulat ng tulang Pag ibig sa Tinubuang Lupa?


2. Tungkol saan ang tulang binasa?
3. Anong emosyon ang nangingibabaw sa tula?

5. Pagtataya o pagsusulit

I.PANUTO:Piliin ang tamang hinuha para sa mga sumusunod


na saknong batay sa akdang binasa. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat.

1. Walang mahalagang hindi inihandog


ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
a. Ang taong may wagas na pagmamahal sa bayan ay handing
mag alay ng sarili para sa bayang tinubuang lupa?
b. Yaman, dugo at talino ang kailangan upang ang bayan ay
mahango as pagkaalipin,
c. Matatalino at mayayamang tao lamang ang maaaring
maglingkod sa bayan.

2. Bakit? Alin ito na sakdal laki,


na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugugulan ng buhay na iwi?

a. An gating tinubuang lupang Pilipinas ay nararapat na handugan


ng ating pagsinta at pagmamahal, katumbas man nitoy buhay
nating taglay.
b. Dahil sa laki ng Pilipinas, nararapat lamang na tayo rin ay mag alay
sa kanya ng mataas na pagsinta.
c. Gugulin ang iyong buhay para sa kabutihan ng mga taong iyong
minamahal.

3. Pati ng magdusa't sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

a. Ang mamatay nang sampung ulit para sa bayan ay sapat na


upang maituring kang isang bayani.
b. Ang magdanas ng pagdurusa at kahirapan ang batayan upang
masabing ikaw ay tunay na nagmamahal sa bayan.
c. Walang kasindakila at kasinsarap ang mag-alay ng buhay para sa
Inang Bayan.

4. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

a. Huwag talikdan ang iyong mga mahal sa buhay lalo na kung ang
mga ito ay nasa gitna ng panganib.
b. Handang isakripisyo ng ating mga bayani maging ang kanilang
mga mahal sa buhay mailigtas lamang sa panganib ang Inang
Bayan.
c. Sakit at hilahil ay nararamdaman sa puso ng magulang,
asawa,anak, at kapatid para sa kanilang mga mahal sa buhay na
nasa gitna ng panganib dahil sa pakikipaglaban.

5. Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


At hanggang may dugo'y ubusin itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit!

a. Kung nais mong maging bayani, ihandog ang iyong dugo sa mga
nangangailangan.
b. Bahagi n gating kapalaran ang mamatay para sa bayan.
c. Ang paghahandog ng buhay para sa Inang Bayan ay tunay na
isang kabayanihan.

II.PANUTO:Piliin ang tamang sagot mula sa kahon.

Batutian Agape Duplo Awit


Sukat Karagatan Eros Saknong
6.Sinasabing pinakadakilang uri ng pagmamahal.

7. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang


dalagang nahulog sa dagat.

8. Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod.

9. Ito ay isang tulang romansa (metrical romance) na may sukat na 12


pantig bawat taludtod na kalimitang ang pangunahing paksa ay tungkol
sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.

10. Isang bagong anyo ng tula na ang pangunahing layunin nito ay


makapagbigay-aliw sa mga nakikinig sa pamamagitan ng katawa-tawa
ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo at palaisipan.

6.Takdang Aralin

Magisip at sumulat ng mga gawaing para sa iyo ay


maituturing na kabayanihan sa sumusunod na kalagayan:

- Ako, bilang isang magaaral

_____________________________

- Ako, bilang bahagi ng pamilya

_____________________________

- Ako, bilang bahagi ng pamayanan

Prepared by :

Bb. Dianna Rose D. Leonidas


Filipino Teacher

Checked by:

Ms. RIZA A. MARAGRAG


Filipino Key Teacher

Noted by:

MR. RAFAEL R. TROPICO


School Principal

You might also like