You are on page 1of 1

Karampatang Pagkila sa mga Athleta

Napakasarap marinig sa isang athleta na maianunsyo ang kayang pangalan sa harapan nang madla
kasabay ng masigabong palakpakan.Isang pangarap na hindi imposibleng maganap pero hindi pa
rin naisasagawa.

Mula sa nakarang taong pakikibakbakan ng higit kumulang na 158 athleta ng President Ramon
Magsaysay State University sa SUC (State Universities and Colleges) III Olympics buhat sa
Bulacan. Matamagumpay silang nakapag-uwi ng pitong ginto upang mahinay ang unibersidad sa
ika-siyam pwesto, Ito ay maituturing na isang malaking karangalan para sa unibersidad at
nagdadag ng kaniningan sa kanyang pangalan ngunit kung paano sana nakilala ang unibersidad sa
buong rehiyon dahil sa kanyang mga nakamit ay ganoon din sana pagkilalang natatanggap ng mga
athleta bilang sukli man lang sana sa kanilang hindi matutumbasang pagsasakripisyo ng pawis at
oras para sa kanilang napiling larangan sa isports.

Kabilang sa mga athletang ito si Edmer M. Manalo na nagrepresenta sa unibersidad hanggang


National para sa larangan ng arnis sa kategoryang men’s bantamweight.

“Bilang isang atheleta masaya akong inirerepresenta ang iskol sa pamamagitan ng talent ko,
masap din isipin na makilala kami ng aming mga kapwa mag-aaral,” ani ni Manalo.

Ito ay hindi naman nangangailang ng malaking budyet bagkus kung tutuusin oras lamang at
partisipasyon ng buong unibersidad ang kailangan. Munting programa para sa mga athleta na kung
saan isa-isang tinatawag ang kanilang mga pangalan sa entablado habang nakasubli sa kanilang
mga leeg ang mga medlyang kanilang naibulsa.Kung titignan ito maliit lamang na bagay pero sa
mga athelata ito ay isang malaking kasiyahan at simbolo na rin ng paggalang. Higit pa dito
masisilbi itong motibasyon para sa kanila na lalo pang paghusayan ang kanilang pag-iinsaya hindi
lamang para sa sarili.

“Hindi ako humingi ng atensyon para maging tanyag, ayos naman sa akin na nailalagay kahit
papaano ‘yong mga pangalan naming mga athelta sa dyaryo ng iskol, pero kung tatanong ko ang
kapwa ko athlete mas magiging masaya kung mas makilala pa kami ng aming kamag-aral.”

Sa realidad ito ay hindi pa nangyayari, isa pa ring mapanagarap na ang natatanging paraan upang
kilalanlin ay kung mailalathla ang kanilang mga pangalan sa dyaryo at kung ito ay mababasa ng
kapwa nila mag-aaral.

You might also like