You are on page 1of 1

Indayog ng Tagumpay

Sayaw na pambulwagan o mas kilala bilang dance sport. Isang uri ng pagsasayaw sa loob ng isang
bulwagan na may katambal, karaniwang lalaki at babae, na kinawiwilihan ng lipunan at paligsahan ng
mga dalubhasang mga mananayaw.

Kinilala ang husay at galing ng mga mananayaw ng Dagatan na sina Amie Lyka Mendoza at Aldrin Comia
nang makaabot sila ng STCAA Level. Makikipagtunggali at ipagmalaki ang paaralan ng Dagatan sa
larangan ng pagsasayaw sa Sta. Rosa Laguna noong Pebrero, 2019.

Isang larangan na malaking bahagi at parte sa mananayaw na si Amie at Aldrin para sa kanila ang
pagsasayaw ay hindi lamang basta larangan ito ay isang bagay na kaya nilang ipagmalaki at mahalin nang
lubusan.

Sa pagsasalaysay ng mananayaw na si Comia, nagsimula siyang sumayaw nang mahikayat siya ng


kaniyang mga kaibigan. Sa tulong ni Ma’am Shiela Mae H. Fernandez ay naging magaling sila. Hindi
naging madali para sa kanila na pagbalansehin ang pagsasayaw at pag-aaral. “Kailangan maging
responsable atb disiplinadong mananayaw at atleta. Like gigising ng madaling araw, gagawa ng
schoolworks, activities bago jogging,” ani ni Comia.

Dahil sa suporta ng mga magulang, mga taong nakapaligid sa kanila at lalong lalo na ng Panginoon kaya
sila ay mas naging inspiradong sumayaw. Panalangin, ito ang isang bagay na meron sila para mawala
ang kab nila sa pagsasayaw.

Dahil sa tiwala at husay nila sa pagsasayaw ay narating nila ang isa sa pinakamataas na antas ng palaro.
Hindi lang para sa kanila kundi para ipagmalaki ang paaralang kanilang pinagmulan, ang Dagatan
National High School.

You might also like