You are on page 1of 3

 

Pangalan: ___________________ Petsa: _______________


Seksyon: ___________________ Iskor: _______________

Ate Amy: Kwento ng Pagmamahal sa Pamilya at Trabaho

Si Ate Amy ay isang Full-time Team Leader sa isang cable company. Bilang TL, siya ay
bihira lang pumunta sa opisina dahil madalas ay nagre-report lang siya sa tawag at text. Hindi din
tiyak ang kinikita dito kaya naisipan niya na maghanap ng pagkukunan ng dagdag kita. Hindi
naging madali para kay Ate Amy ang magtrabaho sa kanyang edad. Pero dahil sa mga anak at
apo, siya ay patuloy na kumakayod para may maiuwi sa pamilya. Kaya nang makita niya ang
MyKuya sa isang social media post, agad niya itong sinubukan.

Sa edad na 51-anyos ay masigasig pa rin siyang nagtatrabaho para tustusan ang kanilang
pangangailangan. Pero pagod man sa pagiging Ate, hindi ito mababakas sa kanya dahil masaya
siya sa ginagawa. “Okay ako dito sa MyKuya walang stress and pressure.” Ayon sa
kanya, ‘blessing’ si MyKuya. Nababawi niya din minsan sa tip ang kanyang pang-krudo dahil
naka-motor siya minsan sa serbisyo! Wala din daw problema sa kinikita niya dahil madami ang
requests.

Marami nang pinagdaanan si Ate Amy sa buhay. “Iniisip ko nalang para sa pamilya ko ito.
Di ko kailangan mag-backout o sumuko. Trabaho lang talaga, bawal sumuko. Pag-umayaw ka,
ikaw din ang talo.” Sa ngayon, MyKuya ang kanyang pangunahing hanapbuhay kaya ibinubuhos
niya ang oras at lakas niya dito. “Gusto ko kase wala masabi si customer sa MyKuya. Gusto ko
maging perfect! Walang reklamo. Hindi ka pwede magsabi ng ayaw ko na, pagod na
ko!” Masaya siyang maranasan kung paano kumita ng pinaghirapan; na bago kitain,
magpapagod at magpupuyat ka para dito.

Nababawi din ang puyat at pagod niya mula sa samahan nila ng iba’t ibang kuya at
ate. “Sobrang okay sila! Nawawala stress ko sa chat namin, mga kalokohan sa groupchat ganun.
Nawawala pagod mo at nag-eenjoy. Minsan may mga bonding moments kahit naka-duty.” Ang
kanilang samahan ay naging isang pamilya. Aktibo din siya sa pagpo-promote ng MyKuya. Pino-
post niya ito sa kanyang social media para maghikayat ng mga nais sumali. Isa sa mga nahikayat
niya ay si Ate Maricel na ngayon ay isang aktibong Ate na din at masaya ding nagbahagi ng
kanyang kwento.

Ayon kay Ate Amy, may mga taong natatakot na ma-’reject’ kaya hindi nagpapatuloy sa
pag-apply sa MyKuya. Pero ang buhay ni Ate Amy ay isang inspirasyon na hindi hadlang ang
kasarian o edad sa pagtatrabaho. Kaya ito ang kanyang masasabi,

“Wag maging negative always positive!”

Mga Gabay na Katanungan:


1. Anong pangkalahatang pananaw sa buhay ang gustong ipahiwatig ng teksto?
A. Maging mapili sa trabaho.
B. Walang pinipiling edad ang trabaho.
C. Magsumikap sa pagtatrabaho anumang katayuan sa buhay
D. Huwag nang mag-asam ng mataas na pangarap habang tumatanda.

2. Paano winakasan ng may-akda ang babasahin?


A. May panghahamon
B. Mayroong pagpapaalala
C. May pamumuna
D.May pagpapaliwanag

3. Ayon sa teksto, bakit ginagawa ni Ate Amy ang lahat ng bagay?


A. para sa pamilya
B. para sa pangarap
C. para sa sarili
D. para makabawi sa mga anak

4. Anong pangkalahatang karakter ang ipinakita ni Ate Amy sa teksto?


A. positibo
B. may pangarap
c. masigasig
D. palangiti

5. Ano ang pinagmulan ng kwento ng babasahin?


A. personal na buhay
B. imahinasyon ng awtor
C. nabasa sa isang magasin
D. naisipang ilimbag

You might also like