Professional Documents
Culture Documents
BIDA Ala-GAD Official Entries
BIDA Ala-GAD Official Entries
(Official Entry)
CAPTION: Siya ang inspirasyon ko/namin dahil ang aming guro na si Mrs. Maria B Salazar, ay nagbibigay sa amin
ng isang roller coaster ride, hindi sa parke ngunit sa aming silid at sa kanyang oras ng asignatura. Sa pamamagitan
ng pagbabahagi ng kanyang kwento simula sa pagkabata para bigyan nya kami ng aral at ipaalam sa amin na
mapalad kami dahil ang mga hirap na naranasan nya noon ay hindi namin naranasan ngayon. Binabahagi niya ito
hindi upang mag mukha siyang kaawa awa subalit ginagawa nya ito dahil sa pag aalala at pag pag aalaga niya
saamin. Ang mga turo na ibinibigay niya sa amin ay walang katapusan at kahit sa labas ng paaralan ay markado ito
sa amin.
Siya, ang isa sa dahilan kung bakit mas lalo kaming nahuhubog sa iba pang aspeto ng aming buhay. Mga pangaral at
paalala nya na nagsisilbing inspirasyon upang magpatuloy kami sa aming buhay at hindi sumuko ano mang laban
ang meron sa hinaharap. Siya bilang pangalawa naming Ina, sa pangalawa naming tahanan, na minamahal kami na
parang tunay nya ding mga anak. Kaya sa oras na dumating at nakamit namin ang aming tagumpay, masasabi
ko/namin na bukod sa aming magulang at pamilya isa s'ya sa naging dahilan kung bakit hindi kami tumigil at
nagpapatuloy para sa aming mga pangarap at mithiin sa aming buhay. Dahil gaya nga ng kanyang palaging sinasabi,
"ANG TAGUMPAY NYO AY TAGUMPAY KO RIN".
||. Tula
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
Guro
Gabay sa lahat ng bagay
Kagandahang loob ay maiuugnay
Ngiti sa iyong labi
sana'y hindi mapawi
Ulirang Magulang tingin sayo
Magulang na syang sa ami'y nag tuturo
Kagandahang asal na natutunan sayo
Hindi mapapawi sa isip at puso
Ramdam ko ang pagod at hirap
Sa tuwing bumabalik ka sa silid aralan
Nais naming ika'y tulungan
Kahit sa simpleng bagay lamang
Oh aming ina sa paaralan
Nawa'y d ka mag sawa sa aming kakulitan
Kami'y iyong pagpasensyahan
Nais nama'y iyong kasiyahan
Guro, ang respeto ay nasa iyo
Tunay kang inspirasyon
Sa kabataan ng aming henerasyon
Salamat sa mga sakripisyo mo
Mabuhay ka aming guro.
#CSHSBidaAlaGAD #CalSeHighWomensMonthCelebration
Siya si Ate Melody Obina, tatlumpu't dalawang taong gulang at may dalawang anak. Siya ang aming nagsisilbing ate
sa loob ng aming silid aralan at tinuturing naming inspirasyong magkakaklase sa paaralan. Bagaman hindi namin
siya kaedad, hindi ito naging hadlang para sa kanyang pangarap at kahit pa siya ay may pamilya na, nagagawa niya
pa ring pagsabayin ang responsibilidad sa eskwelahan at responsibilidad na mayroon sa kanyang pamilya.
Makikita mo sa kanya ang dedikasyon at pagiging pursigido sa kanyang pag aaral na talaga namang nakakahanga.
Kaya naman kaming magkakaklase ay bilib sa kanya at itinuturing namin siyang isang inspirasyon sa aming pag
aaral.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
ENTRY NUMBER: 002 NAME: BEA LORRAINE DADOR MODEL: MA’AM RITCHIE
G11 SECTION: HUMSS1103
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
CAPTION: Siya ang inspirasyon ko/ namin dahil alam kong bilang isang guro mahirap ang kanilang tungkulin na
maibahagi sa amin ang bagong kaalaman na sadya ngang makakatulong sa amin hindi lamang sa panahon ngayon
kundi pati na rin sa hinaharap, batid naming kami ay may katigasan ng ulo ngunit para sakanya'y hindi ito hadlang
upang itrato kami bilang mga anak n'ya. Ang sa kripisyo ng ating mga guro ay dapat nating pakaingatan,
pahalagahan at ituring na parang isang dyamanteng hindi maaring manakaw nino man pagkat sya ang humuhubog,
bumubuo, at nagpapakahalaga saating pagkatao, wari'y kung wala sya wala na ring paraan upang maipabatid at
maipakalat ang karunungan pagkat sya ang isa sa mga dahilan kung paano natin matutupad ang mga pangarap natin
sa ating sarili. Walang sawang pagpapaalala nya kung paano maging mabuti, kung paano magpursige at kung
paanong makakaiwas kame sa masama hindi lamang para sa amin kundi para sa mga mahal natin sa buhay, at sa
mga taong nagmamahal sa atin, ngayon man ito, mapabukas pa, at sa hinaharap.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
CAPTION: Sino s'ya? Bakit s'ya? bakit hindi s'ya kung sa dami ng iba ay s'ya ang aking naging ina, ina na nag
aruga mula bata hanggang pagtanda, bakit hindi s'ya kung s'ya lang ang nakapagtiis at nanatili sa ugaling meron
kami na hindi kaya ng iba.
Si Mama? sino nga ba s'ya? siguro ay napapaisip din kayo kung sino nga ba ang nanay ko. Jennefer Sale ang
kan'yang ngalan, 47 na taong gulang, isang asawa, ina, tita, lola. Oo s'ya nga ang nagsilang, nagpalaki at patuloy na
umiintindi. Ginagawa ang resposibilidad at patuloy na pinupunan ang pagkataong kailangan ng gabay ng isang
magulang. Who wouldn't love a mother like her, who wouldn't want to be treated like that? A mother who's always
behind in our back, guiding us, supporting us, and still loving us. She's my mom, my angel and, ofcourse my idol.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalseHighWomensMonthCelebration
Sa tingin n’yo, bakit ganoon na lamang kaganda ang bawat piraso ng sining na nilikha ko?
Sa bawat paglapat ng tinta ng ballpen ko sa papel, mga pangarap mo para sa akin ang nasa isip ko. Sa bawat
pagsagot ko sa klase, mga pangaral mo ang natatandaan ko.
Siya ang inspirasyon ko dahil siya ang una kong tinawag noong may sakit ako, siya ang una kong tinawag noong
nagdalaga ako, siya ang una kong tinawag noong hindi ko alam kung paanong gumuhit, at siya ang una kong
tinawag noong hindi ako makaintindi. At sa lahat ng una kong pagtawag, ako rin palagi ang kaniyang inuna. Sinong
hindi gugustuhin ang kaniyang kalinga kung sa lahat ng bagay ay alam mong siya ang una mong kayang tawagin?
Sa tingin n’yo, bakit ganoon na lamang kaganda ang bawat piraso ng sining na nilikha ko? Dahil siya ang unang
humubog sa akin.
Pagbati ng maligayang araw ng kababaihan, mommy. Mahal kitang palagi.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
TOTAL REACTION: 173 Reactions
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 136 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
kaya niyang baguhin ang aming ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
layunin sa maayos na paraan. Bilang ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
isang ina at guro ay kahanga hanga mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
na, gawa rito, gawa roon, punta rito, #CSHSBidaAlaGAD
punta roon, luto rito, linis doon, #CalSeHighWomensMonthCelebration
katangiang kaya niyang gawin. Hindi
hadlang ang kanyang pag dadalang
tao upang kami'y patuloy pang
gabayan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 609 Reactions
CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil sa lahat ng unos na hinaharap niya pinipili niyang magpatuloy at maging
positibo sa lahat ng oras. Sa kabila ng panghuhusga at pagmamaliit ng iba, makikita mo ang dedikasyon na
patunayan kung ano ang kaya niya sa mundo.
Ngumiti, manatili, at lumaban dahil kahit anumang hamon sa buhay, iyong mamamasdan ang isang babaeng
huwaran.
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
ENTRY NUMBER: 007 NAME: JENNICA OCOMA SILANG MODEL: MA’AM JOLINA
G12 SECTION: SMAW1201
PHOTO:
aming guro salamat sa inspirasyon, matugunan ang aming mga pangangailangan sa araw araw. Nangibang
suporta at tiwala. Isa ka po naming bayan siya upang matustusan ang aming pag aaral. Hindi biro ang
hinahangaan at nagiging inspirasyon pinagdaanan niya upang maiparanas niya sa amin ang buhay na
namin sa araw araw na pagbibigay tinatamasa namin ngayon. Hanga ako sa kanyang determinasyon,
niyo po sa amin ng kaalaman. Kayo kasipagan , sakripisyo at pagiging maparaan. Lahat ng bagay na
po ang nagsilbing pangalawang imposible ay nagagawa niyang posible lalo na kung ito ay para sa
magulang namin dito sa paaralan. kanyang mga anak. Siya ang nagbibigay ng liwanag sa aking mga gabing
Salamat po sa gabay at pagtuturo sa kay dilim at puno ng problema. Ang aking ina ang nagsisilbi kong mga
amin. mata, bibig at mga kamay sa oras na ako ay may karamdaman na
#CSHSBidaAlaGad nadarama.
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
Hindi kailanman mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang
on
ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 98 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
ENTRY NUMBER: 005 NAME: CATHLEEN MAE MANALO MODEL: MA’AM JO ANN
G11 SECTION: ABM1101
PHOTO:
CAPTION: Gurong mapagmahal, masipag, mabait, matulungin at may mahabang pasensya ay ilan lamang sa mga
pambihirang katangiang taglay ng aming guro na si Ma'am Jo Ann. Siya ang tumatayong pangalawang magulang ng
ABM1101 sa kanilang panglawang tahanan. Siya ang inspirasyon ko dahil alam ko bilang isang guro at ina ay
napakahirap, kaya saludo ako sa pagiging matatag at mapagmahal niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Labis na
nakakahanga ang taglay niyang kasipagan at marami siyang kaalaman na ibinabahagi sa amin na maari naming
magamit upang mapaganda ang aming kinabukasan. Siya ang inspirasyon ko dahil hindi biro ang sakripisyo na
kaniyang ginagawa, isa siya sa mga humuhubog sa aming pagkatao. Sa mga panahon na kailangan mo ng kasama at
payo asahan mong andidiyan siya. Handa siyang umalalay sa lahat ng bagay upang kami ay hindi mahirapan. Isa
siya sa nagsisilbing gabay at tanglaw ko tungo sa tamang daan na nararapat kong tahakin upang makamit ang
magandang kinabukasan. At siya ang inspirasyon ko dahil kung wala siya ay wlang din ang ABM1101. Isang
karangalan ang magkaroon ng isang huwarang guro na tulad ni Ma'am Jo Ann Juliana
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
TOTAL REACTION: 382 Reactions
ENTRY NUMBER: 006 NAME: TRICIA GAIL BARINQUE MODEL: MA’AM MEA
G11 SECTION: ABM1103
PHOTO:
CAPTION: Siya ang aking inspirasyon sapagkat sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na kanyang hinarap,
nandito pa rin siya at lumalaban. Ipinakita niya kung gaano kalakas at kagaling ang isang babaeng tulad niya. Hindi
siya nabalot ng kalungkutan sa halip pinakita niya na malakas siya sa lahat ng oras. Siya ang aming gurong taga-
pangalaga, hindi lamang siya bilang isang guro kundi bilang isang Ina na tumatayo sa aming lahat kapag kami ay
nasa paaralan. Siya ang nagpapaunawa sa amin kung ano ang hindi makabubuti para sa amin, hindi niya kami
pinabayaan bagkus kami ay kanyang ginabayan. Hindi naging hadlang ang aming pagkakaiba, kundi ay naging mas
malapit kami bilang paraan ng pagkakakilala sa isa't isa.
Gayundin sa bawat araw na dumaraan, Ang mga aral na aming nakukuha sa kanya at mga realisasyon na siyang
nakakahubog sa amin mapa-personal na buhay o mapa sa paaralan. Sa kabila ng personal na dilema na nangyayari sa
kaniyang buhay, patuloy ang buhay at pagbibigay ng motibasyon sa bawat Isa kaniyang mag-aaral. Binibigay niya
ang kanyang buong makakaya para lamang matulungan kami, gagawa siya ng paraan upang makapagbigay lamang
ng oras upang makinig at matulungan kami sa aming mga problema. Siya ay Isang dakila, malakas, mapagmahal,
maalagang guro't ina sa amin. Siya ay walang iba kung hindi si Mrs.Mea Mellaine Ilagan - Marasigan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
TOTAL REACTION: 384 Reactions
CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil, sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, mga paghihirap, kalungkutan at mga
dagok na kaniyang dinanas sa kaniyang buhay ay hindi siya nagpatinag, nanatili siyang nakatayo, nakakapit, at
positibo. Humahanga ako sa kaniya sa napakaraming dahilan, lalo na sa kung paano siya mag-isip, napakaganda ng
pananaw niya sa buhay at sa mga bagay-bagay. Kung minsan nga ay ako'y naguguluhan at napapatanong ng "May
ganitong klase ba talaga ng tao?", dahil sa kabila ng lahat ng aking mga nasaksihang luha, hirap, pagod, at
pagsasakripisyo mula sa kaniya, ay nananatili pa rin sa kaniyang puso ang kagustuhang lumaban sa realidad ng
buhay. Napakatapang niyang tao, matatag, malakas, matiyaga at palagi niya munang iniisip ang kalagayan ng mga
mahal niya sa buhay bago ang kaniyang sarili. Siya ay may mabuting puso, masiyahin, matulungin, mapagbigay at
hindi maramot, masikap, matiisin, mapagpasensya, maalaga at mapagkalinga. Nang dahil sa kaniya, natututuhan
kong maging matapang, at huwag agad agad susuko sa mga pagsubok na dumadating sa aking buhay. Sa araw-araw,
masaya akong laging natututo sa kaniya. Napakaswerte ko at mayroon akong 'siya' sa aking buhay – aking tagapayo,
aking inspirasyon, aking numero unong supporter, aking magulang, aking inay.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
CAPTION: Sya ang inspirasyon ko/namin dahil napakabuti nyang guro. Guro na laging maaasahan, guro na
handang intindihin ang kahit na ano man. Guro na handa kang damayan sa oras na mayroon kang pangangailangan.
Guro na handa kang suportahan sa kahit saan, guro na kahit galit na ay makukuha pa rin tumawa. Dahil po sainyo,
natuto kaming maging masipag, dahil isa po kayo sa nakikita namin na napakasipag na guro, kahit sobrang dami
nang gawain ay nakakaya nyo pa rin pong matapos at mapagtyagaan ito. Kaya po dahil sainyo nainspire po kami na
kahit ano pong dami at hirap ng isang gawain ay naiisip po agad namin na kaya at matatapos din namin ito. Isa po
kayo sa pinakamagandang inspirasyon na aking napagtanto, marami kang marerealize na mga bagay kung sya ang
iyong magiging guro. Natuto kaming maging masipag at matyaga dahil sayo Ma'am Maria Lileth Villalobos Oxida ,
napakagandang inspirasyon ka sa amin thankyou po ma'am,mahal ka namin!
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
CAPTION: Si Gg. Paula Mae Buenaventura Lopez ay aming guro sa Filipino sa Piling Larang siya ay 27 taong
gulang siya ay aking naging inspirasyon sa pagiging malikhain sa pagsulat. Siya ay naging aming gabay sa mga
sulating aming ginagawa. Nais kong ipakilala batay sa aking pagkakakilala sa kanya sa oras ng kanyang
klase.Hayaan ninyo akong ilarawan siya sa pamamagitan ng isang tula
Ispirasyon ko ang guro ko
Nagbibigay aral sa ibang tao
Mahal naming guro kayo ang hero
Sa mata ng mga tao at ng kahit na sino
Ang aking modelo ay si ginang Paula
Kanyang pagtuturo ay iyong matatamasa
Sa kanyang galing sa pagsasalita
Nagiging aral sa bawa’t isa
Babae ka man sa tingin ng iba
Hindi matutumbasan ng kahit na ano pa
Respeto sa iyo ay aming ibinibigay
Dahil sa angking bait mong taglay
Sa oras ng klase kami’y namamangha
Sa anong mang araling iyong binabasa
Iyong klase ay laging masaya
Dahil sa tuwa mong dala
Nagpapsalamat ako sa iyong itinuturo
Madadala ko ito kahit saan magtungo
Ika’y aming tutularan
Upang magkaroon ng magandang kinabukasan
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
ENTRY NUMBER: 008 NAME: CHRISTOPER IAN BITANG MODEL: MA’AM BITANG
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
G12 SECTION: HUMSS1204
PHOTO:
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 987 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
palagi." Kung sa tinapay siya ang ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
aming paboritong PANDESAL ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
P-URSIGIDO NA NAGSABI KAMI ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
AY mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
A-ASENSO #CSHSBidaAlaGAD
N-A HINDI #CalSeHighWomensMonthCelebration
D- ADAING SA MGA
E- SPESYAL NA GAWAIN
S-A HINAHARAP SIYA
A- NG AMING
L- LILINGUNIN
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 158 Reactions
nangyayare sa bawat isa sa amin sya mata, bibig at mga kamay sa oras na ako ay may karamdaman na
yung laging nanjan para kmi ay nadarama.
kamustahin at mula sa pagabsent ng Hindi kailanman mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang
sa kadahilanan na masama ang ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
pakiramdam bungad nya samin sa ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
muling pagpasok ay "anak kamusta ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
ka?"ok ka na ba" yung pagaalala ay mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
bakas sa kanyang mukha na sa bawat #CSHSBidaAlaGAD
lesson na aming nakakalikdaan ay #CalSeHighWomensMonthCelebration
kanyang binabalikan para lang sa
aming nakaliban
hindi nya kmi nagagawang pabayaan
kalusugan man, problema man o
maging markahan
Kaya kmi bilang kanyang estudyante
sya ang aming hinahangaan sa taglay
nya na kabutihan, kabaitan , at
maging kagandahan. Sa aming guro
nasa kanya na ang lahat
napakaswerte na namin at sa amin
sya napatapat at haggang pagunlad
namin at pagtatapos nandun pa din
ang pasasalamat sa lahat
Salamat ma'am, na sa tuwing kmi ay
nagkakamali nanjan ka para kmi ay
itama para kmi ay turuan at gabayan
salamat ma'am sa bawat suporta na
iyong ipinakikita sa bawat tawa at
pagdiriwang na ating pinagsasaluhan
ma'am ang inyo pong kabaitan ay
hindi matatawaran at haggat sa abot
ng aming makakaya ay amin itong
susuklian
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 286 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
ENTRY NUMBER: 010 NAME: JAYMIE MARASIGAN MODEL: MA’AM JING
G11 SECTION: HUMSS1107
PHOTO:
CAPTION: "Aking guro, aking inspirasyon", ang palaging nagmumula sa kaniyang mga mag-aaral. Isa siya sa mga
patunay na dakila ang gampanin at kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan. Naniniwala ako na ang mga
kababaihan ang may kapangyarihang humubog ng mga indibidwal, lalo't higit ang hinaharap na henerasyong mag-
papaunlad ng ating bayan. Hindi lamang sa napakaraming mga mag-aaral na kaniyang iniwan ng pag-asa, siya rin
ang aking inspirasyon, ang aking motibasyon, at dahilan upang huwag sumuko sa aking pangarap na maging katulad
niya sa hinaharap. Tila naging buhay na niya ang mangalaga, kumilala, at tumanggap ng iba't ibang tao na may iba't
ibang pagkatao. Isa ito sa hinahangaan ko sa aking gurong tagapayo, Gng. Evangeline S. Maningat. Tunay na hindi
kailanman mapapawi ang mga aral, kaalaman, at payo na natamo ng bawat mag-aaral na kaniyang tinuruan. Ito ang
matibay na patunay kung gaano kahalaga ang mga kababaihan sa ating komunidad, lipunan, at maging sa buong
mundo. Sa huli, ang mga kababaihang katulad ng aking inspirasyon, Gng. Evangeline, ang magbibigay daan sa pag-
unlad ng mga kabataang tinutukoy ni Jose Rizal na mga pag-asa ng sinisinta nating bayan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
CAPTION: INSPIRASYON. Lahat naman siguro sa atin ay mayroon nito. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay
patuloy na bumabangon at nangangarap nang matayog. May iba't ibang rason kung bakit ka nagkakaroon nito,
maaaring sa isang taong importante sa 'yo, bagay, o pangarap na nais mong makamit. Maaari itong isang tao na
tinitingala mo o hinahangaan, at ako bilang isang estudyante, mayroon akong inspirasyon na siyang humubog sa
aking eksistensya.
Siya ang inspirasyon ko dahil hindi siya nag patinag sa anumang problema, at siya ay ang aking Pinsan. Mula
pagkabata, pangarap ko na talagang yumaman. Magkaroon ng mamahaling sapatos, damit, gadyet, engrandeng
bahay, at kung ano-ano pa. Ngunit, sa hirap ng aming buhay, ang mga pangarap kong ito, tila ba ay wala nang
ningning. Sa dami ng aking problemang kinakaharap, minsan nang pumasok sa aking isip na wakasan ang aking
buhay, buhay na walang patutunguhan. Sa kabutihang palad, may isang taong nag paalala sa 'kin na " Paano na
lamang ang iyong mga mahal sa buhay? Maraming nagmamahal sa iyo, maraming naniniwala sa kakayahan mo, at
lalong lalo na, nandito pa ako para ikaw ay aking gabayan sa landas ng karunungan". Binago niya ang baluktot kong
pag-iisip at binigyan niya ako ng lakas upang mag patuloy pa sa kung anong meron ako ngayon.
Mahirap man ay kinakaya
ko pa rin para sa mga pangarap ko. Lagi kong isinasabuhay ang bawat pangaral ng aking Pinsan na siyang ginagawa
kong inspirasyon upang magpatuloy sa aking tinatahak na landas. Minsan, gusto ko nang sumuko, ngunit, sa bawat
oras na naiisip ko ang mga hirap na pinagdaanan niya upang marating ang kaniyang kinatatayuan ngayon,
nabubuhayan ang aking dugo na dapat akong huwag sumuko.
Babangon at babangon akong muli upang magpapatuloy para sa inspirasyon ko, hanggang sa maabot ko na ang mga
pangarap ko. Maraming salamat sa pagpapaalala sa akin na hindi lahat ng bagay ay nakukuha natin sa madaling
paraan, mas masarap kung ang isang bagay ay ating pagsusumikapan bago natin ito makamtan.
Bawat tao ay may inspirasyon na nagtutulak sa kanila para abutin and kani-kanilang mga pangarap o para gawin ang
isang bagay. Minsan ideya, lugar, o bagay, pero madalas ay tao. Mga taong nandiyan lagi at sumusuporta sa atin
upang maging mas matatag at gumaan ang ating buhay o pakiramdam. Mga taong nagpapaalala sa atin na walang
imposible hangga't may naniniwala sa atin na kaya natin.
Sa 'di inaasahang pagkakataon, may tumapik sa aking balikat at sinabi ang mga katagang " Huwag kang hihinto,
huminto ka lamang kung ikaw ay tapos na." Naliwanagan ang aking diwa at tila ba ay may kuryenteng dumaloy sa
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
aking puso. Hindi ako maka paniwala na ang lahat nang ito ay nangyari sa 'kin sa totoong buhay, akala ko noon, sa
teleserye ko lamang ito makikita pero naranasan ko ito mismo, at sobrang nakaka gaan ng pakiramdam. Salamat sa
pag pukaw ng aking damdamin, binigyan mo ako ng dahilan upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Laking
pasasalamat ko sa iyo, ang dating magulo, walang kulay, at walang direksyon kong buhay, ay ngayon binigyan mo
ng simbolismo ng liwanag na para bang nagpapahiwatig na "Proud ako sa 'yo, malayo ka pa pero malayo ka na".
Salamat muli, mahal na mahal kita, aking Pinsan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
CAPTION: NANAY, “ang ilaw ng tahanan”. Ito halos lahat ang madalas natin paka hulugan sa mga ina, ngunit
para sa’kin hindi lamang siya ilaw ng aming tahanan dahil siya ang inspirasyon ko, lakas ko, kahinahan ko,buhay ko,
ang lahat ko. Utang na loob ko ang lahat ng mayroon ako ngayon, at sa pamamagitan nito nais kung ibatid sayo lahat
ng paghanga, pagpapasalamat, at pagmamahal na meron ako para saiyo. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa
Panginoon dahil ikaw ang aking naging magulang, na nagdala sa’kin ng siyam na buwan sa iyong sinasapupunan,
inilagay ang kabiyak na paa sa hukay mailuwal lamang ako at iyong ngiti ang una kong nasilayan. Ikaw ang
inspirasyon ko, dahil sayo lahat nagmula lahat ng meron ako, sayo lahat nanggaling ang kakayahan na meron ako
ngayon,at ikaw ang nagturo saking maging matatag. Ikaw ang inspirasyon ko dahil sa bawat makikita kita at
maaalala ang mga dinanas na paghihirap at sakrispisyo mo para samin ay pinapalakas ako at sinasabing "lumaban
ka" at "galingan mo pa". Dahil sayo nagkakameron ako ng bilyong dahilan para labanan ang milyong problema,
ikaw ang siyang nagtutulak at palaging nakasupurta ano man ang mangyari. Kung kaya't ikaw ang inspirasyon ko, at
idolo ko dahil taglay mo ang pambiharang kakayahan ng isang mapagmahal at mapag arugang ina na gagawin ang
lahat para sa kaniyang anak.
Hindi man nila alam ang buong kuwento na mayroon tayo, ngunit isa ako sa taga-hanga mo. Kahit sa ikina hirap ng
mga dinanas natin ay pinili mo kaming itaguyod at ilaban sa mundong hindi matukoy ang kalaban. Halip na sumuko
at kami iyong iwanan, ay pinili mong maniwala sa aming kakayahan. Gagawin kong inspirasyon lahat ng pagsubok
at aral na aking natutunan saiyo.
Ikaw ang lakas ko, aking ina sa mga panahong ako’y mahina. Hindi ko na mabilang ang araw na ako’y iyong
ginabayan at tinuruan. Patawad sa aking mga nagawang kasalanan, pagsagot at hindi pagrespeto sa iyo at kung ako
minsan ang nagiging sanhi ng iyong karamdaman. Salamat sa mga oras na hindi tayo nagkakaintindihan at paulit ulit
akong nakakagawa ng kasalanan ay hindi mo ‘ko tinatalikuran, palaging pinapatawad at ginagabayan. Salamat sa
mahabang pasensya na iyong tinataglay para lamang maayos ang kaguluhan. Salamat sa lahat ng suporta at
pagmamahal na nagbibigay lakas sa akin sa tuwing, ninanais kong sumuko sa buhay.
Ikaw ang aking kahinaan, simula bata pa lamang saksi na ako sa bawat pawis na iyong pinuhunan maitaguyod
lamang ang iyong pamilya, alam ko ang bawat hirap, ngalay na iyong naramdama makahanap lamang ng pangtustos
sa amin, lalo na't ikaw na lamang ang aming inaasahan. Sa lahat ng pasakit na iyong nadarama, kurot sa puso ang
nadarama. Alam ko wala pa akong magagawa sa ngayon, ngunit umasa ka masusuklian ko lahat ng sakripisyong
iyong inilaan at patuloy na inilalaan para sa amin.
Ikaw ang lahat sa akin, hindi ko lubos maisip kung wala ka, paano na kaya ako? paano kami? mararating ko kaya
ang kinalalagyan ko ngayon kung wala ka? ito ang mga tanong sa aking isipan na sadyang nagpatunay na
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
napakalaking parte mo sa buhay ko, buhay namin. Hindi ko man matumbasan ang pagmamahal na ipinaparamdam
mo sa amin, gagawin ko lahat para maramdaman mo ang pagmamahal na karapat dapat para sa iyo. Kung dumating
man ang oras na manlabo ang iyong mga mata ako ang magiging gabay sa bawat iyong lalakaran, kapag na hihirapan
kana lumakad, ako ang magiging tungkod na aalalay at mabibigay lakas para saiyo. Nay, alam ko hindi
matutumbasan ng paulit ulit na salamat ang lahat lahat, lahat. SALAMAT NAY! Hindi ko man banggitin ang mga
katanggang ito sa iyo, sana madama mo na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITANG SOBRA.
Sa lahat ng babae sa buong mundo, Saludo po kami lahat sa inyong kagitingan at angking kagalingan. Patuloy
kaming sasaludo at isa sa mga tagapalakpak ninyo sa bawat tagumpay at mararating ninyo. Lagi niyo ring tatandaan
ang katagang ito na, “BABAE KAYO, HINDI BABAE LAMANG”.
#CSHSBidaAlaGAD #calsehighwomenmonthcelebration
on #CalSeHighWomensMonthCelebration
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 537 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
maipagluto kami ng pagkain bago imposible ay nagagawa niyang posible lalo na kung ito ay para sa
pumasok, namamlantsa ng mga kanyang mga anak. Siya ang nagbibigay ng liwanag sa aking mga gabing
uniporme namin, naglalaba ng mga kay dilim at puno ng problema. Ang aking ina ang nagsisilbi kong mga
damit araw araw at naglilinis ng mata, bibig at mga kamay sa oras na ako ay may karamdaman na
aming tahanan.Lahat yan ay nadarama.
ginagawa ng aking ina na kahit Hindi kailanman mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang
nahihirapan siya ay hindi siya ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
sumusuko sa amin. Ang aking ina na ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
laging kasama ng aking tatay sa ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
hirap at ginhawa. Kaya naman mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
napakawerte ko dahil may ina akong
#CSHSBidaAlaGAD
katulad niya na kahit pasaway kami
#CalSeHighWomensMonthCelebration
at matitigas ang ulo ay mahal na
mahal parin niya kami at patuloy
kaming inaalagaan araw araw. Hindi
lang sya basta ina dahil dya ang
dabest nanay sa aming buhay.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 242 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
IPAGMALAKI SA LAHAT kay dilim at puno ng problema. Ang aking ina ang nagsisilbi kong mga
NAGPAPASALAMAT NGA AKO mata, bibig at mga kamay sa oras na ako ay may karamdaman na
KASI SYA YUNG NAGING nadarama.
MAGULANG KO ANG SWERTE Hindi kailanman mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang
NAMIN KASI SYA YUNG ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
BINIGAY SAMIN NANG DIYOS ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
ISA LANG MASASABI KO SA ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
MAGULANG KO MARAMING mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
MARAMING SALAMT PO NA #CSHSBidaAlaGAD
MINSAN NAPAKATIGAS NANG #CalSeHighWomensMonthCelebration
ULO KO HANGGANG SA
NAGASAWA NA KAMING
LAHAT SYA PARIN ANG
NANJAN PARA TULUNGAN
KAMI KAYA MA PROUD NA
PROUD PO AKO SAINYO NA
KAHIT MATIGAS ANG ULO
NAMIN INIINTINDI NYO PARIN
KAMI YUN LANG PO
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 26 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
at daan patungo sa tagumpay ng Hindi kailanman mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang
aming buong pamilya. Kaya't ako ay ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
nagagalak sapagkat ako'y isang ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
pinagpalang anak. Muli, siya ang ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
aking nanay, ang bida sa aking mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
buhay. #CSHSBidaAlaGAD
#CSHSBidaAlaGAD #CalSeHighWomensMonthCelebration
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 315 Reactions
buhay ng kanyang mga anak kagaya bayan siya upang matustusan ang aming pag aaral. Hindi biro ang
ng galak na kanyang nadarama sa pinagdaanan niya upang maiparanas niya sa amin ang buhay na
bawat sentimetrong sumusuloy sa tinatamasa namin ngayon. Hanga ako sa kanyang determinasyon,
kanyang halaman. kasipagan , sakripisyo at pagiging maparaan. Lahat ng bagay na
hindi lamang ang mga buto ng imposible ay nagagawa niyang posible lalo na kung ito ay para sa
kalikasan ang inaaruga niya, pati kanyang mga anak. Siya ang nagbibigay ng liwanag sa aking mga gabing
kaming mga anak niya ay kay dilim at puno ng problema. Ang aking ina ang nagsisilbi kong mga
namumuhay sa kaniyang masidhing mata, bibig at mga kamay sa oras na ako ay may karamdaman na
pagsinta at pagkalinga. siya ang nadarama.
aking ina, siya ang aking Hindi kailanman mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal ng isang
inspirasyon. nakamamangha siya,
ina. Nagpapakita lamang ito na ang kababaihan ay may malaking parte sa
sobra.
ating lipunan. Sila ang nagbibigay ng ilaw sa mga kadilimang tinatahak
– ang tanim at ang supling | hariette
ng karamihan. Sila din ang nagbibigay ng gabay sa landas na tatahakin
cabale
(an official entry for the photography mo sa buhay. Sila din ang aakay sayo tungo sa tagumpay.
contest of calsehigh GAD.) #CSHSBidaAlaGAD
#CSHSBidaAlaGAD #CalSeHighWomensMonthCelebration
#CalSeHighWomensMonthCelebrati
on
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
All reactions:
136Jherzell Salvacion, Kristoffer Comia and 134 others
TOTAL REACTION: 523 Reactions
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)