You are on page 1of 1

PAGGANYAK NA PANANALITA SA PAGBABAHGI NG PAHINA

Kaibigan, sana kung gaano mo pinapahalagahan at minamahal ang


magulang, kasintahan at mahahalagang bagay sa buhay mo, SANA
GANOON DIN ANG PAGMAMAHAL MO SA WIKA MO.

Buwan na naman ng Agosto, buhay na buhay na naman ang kabi-


kabilang patimpalak ng paggawa ng tula sa plataporma ng makabagong
teknolohiya. Ang “spoken poetry” na kinahihiligan ng mga umuusbong
na bagong kabataan ng Pilipinas ay nag-iingay na rin sa “social media”.

Pero kaibigan, bago pa man tayo mahilig sa ganitong mga larangan,


alalahanin natin ang simulain kung paano nabuo ang WIKA.

Maglakbay tayo sa mundo at kariktan ng WIKANG FILIPINO, maglaan ng


oras at panahon KAIBIGAN, MAHAL KA NG BAYAN DAPAT MAHAL MO
RIN ANG KANYANG PINAGMULAN.

Kaya naman handog ng pamunuan ng aming paaralan ang mga


mumunting salok-kaalaman na inyong matutunghayan araw-araw.
Mangyari lamang pong bumisita sa pangalan ng pahina at
gustuhin sa pamamagitan ng pagpindot ng katalogong "Like".
Ito ay hindi PAKIUSAP, kundi ISANG PAALAALA na sana’y
inyong matanggap na kahit tuwing buwan ng Agosto may
pagpapahalaga tayo sa wikang Filipino.

You might also like