You are on page 1of 3

Kristine Antonette Balaba

Chloe Ann Balaba


Grade I - Peace

ANG KWENTO NG BUTO

Isang matagumpay na negosyante ang tumatanda na, at alam niyang panahon na para sya
ay pumili ng papalit sa kanya bilang CEO ng kanyang negosyo. Ngunit sa halip na pumili
mula sa kanyang mga Direktor o ang kanyang mga anak, siya ay nagpasya na gawin itong
naiiba. Ipinatawag nya ang mga batang executive sa kanyang kompanya para sa isang
pagpupulong.

Kaniyang sinabi, Panahon na para ako ay magretiro at mamili ng panibagong CEO. At aking
napagpasiyahan na mamili sa isa sa inyo. Lahat ng batang executive ay nagulat, at
pinagpatuloy ng CEO ang kaniyang sinasabi. Lahat kayo ay bibigyan ko ng isang BUTO
isang napakahalaga na BUTO. Nais kong itanim nyo ito, alagaan at diligan. At pagkatapos ng
isang taon, babalik kayo sa akin at inyong ipapakita kung ano ang kakalabasan ng buto na
ibinigay ko sa inyo. Susuriin ko ang mga halaman na inyong dadalhin, at ang aking mapipili
ay siyang magiging panibagong CEO.

Isang lalaki, na may pangalang Jim ang nandoon at katulad ng iba siya ay nakatanggap din
ng isang buto. Sa kaniyang pag-uwi, agad niyang ikinwento sa kanyang asawa ang mga
pangyayari at tinulungan siya nitong kumuha ng paso at lupa kung saan niya itatanim ang
buto. Araw-araw niya itong dinidiligan at tinitingnan kung ito ay lumago. Makalipas ang
tatlong linggo, ang ilan sa kaniyang mga kasamahan ay pinag-uusapan na ang paglago ng
kanilang mga halaman.

Patuloy ang pagtingin ni Jim sa kaniyang itinanim na buto, ngunit wala pa din itong
pagbabago.

Tatlo, apat, limang linggo na ang nakalipas, ngunit wala pa din.

Sa mga panahon na ito, pinag-uusapan na ng kaniyang mga kasamahan ang paglago ng


kanilang mga halaman. At nakaramdam si Jim ng kabiguan dahil hindi nya napalago ang
kaniyang buto.

Makalipas ang anim na buwan wala pa ding halaman sa paso ni Jim. Ang alam niya ay
namatay na ang kaniyang buto at ang karamihan ay may magaganda ng halamat at mga
puno. Wala siyang binabanggit sa kanyang mga kasamahan, ngunit patuloy pa din ang
pagdidilig at pag-aalaga ni Jim sa kanyang buto dahil nais nyang mabuhay ito.

Isang taon na ang nakalipas at lahat ng mga batang executive ay dinala na ang kanilang
mga halaman sa kompanya upang ipakita na sa CEO. Sinabi ni Jim sa kaniyang asawa na
hindi siya pupunta doon ng walang halaman.

Ngunit pinakiusapan siya ng kanyang asawa na maging matapat tungkol sa nangyari. Alam
ni Jim na ito ay isang magiging malaking kabiguan para sa kanya, ngunit tama ang kanyang
asawa. Dinala nya ang pasong walang laman sa boardroom. Pagdating ni Jim siya ay
namangha sa mga halaman ng kaniyang mga kasamahan iba iba ng hugis at laki. Inilagay
niya ang kaniyang paso sa sahig, at ng makita ito ng kanyang mga kasamahan siya ay
pinagtawanan, ang iba naman ay nakaramdam ng awa para sa kanya.
Kristine Antonette Balaba
Chloe Ann Balaba
Grade I - Peace

Dumating ang CEO at tinignan ang kanyang paligid, binate nya ang mga batang executives
habang si Jim ay nagtago naman sa likod.

Napaka gaganda ng mga halaman, puno at bulaklak na inyong napalaki kanyang sinambit.
Ngayong araw na ito, isa sa inyo ay aking pararangalan bilang bagong CEO!

Agad nakita ng CEO si Jim sa likod ng kwarto kasama ang kaniyang paso na walang laman.
Inutusan nito ang kanyang Financial Director na dalhin si Jim sa harap. Natakot si Jim at
kaniyang naisip na sya ay tatanggalin na sa trabaho dahil sa kanyang pagkabigo.

Pagdating ni Jim sa harap ng kwarto tinanong sya ng CEO kung ano ang nangyari sa
kanyang buto ikinwento ito ni Jim.

Ang lahat ay pinaupi ng CEO maliban si Jim. Tumingin siya kay Jim at sinabing Batiin ninyo
ang inyong bagong Chief Executive Officer, si Jim! Hindi makapaniwala si Jim, dahil hindi
nya nagawang palaguin ang kanyang buto.

Paano sya naging CEO? tanong ng iba.

Noong isang taon, lahat kayo ay binigyan ko ng isang buto. At sinabi ko s inyo na ito ay
alagaan, itanim, diligan at ibalik ito sa akin ngayon. Ngunit ang mga buto na ibinigay ko sa
inyo ay mga nailaga na, at hindi na maaring tumubo pa.

Lahat kayo, maliban kay Jim, ay nagdala ng mga puno, halaman at mga bulaklak. Noong
nalaman ninyo na ang mga buto ay hindi na mabubuhay, agad niyo itong pinalitan. Si Jim
lang ang may lakas ng loob upang magdala ng paso na walang laman. Kaya siya ang inyong
bagong Chief Executive Officer!

Wakas.

Marami na akong nabasang katulad ng ganitong kwento, iba-ibang bersyon ngunit ang mga
aral ay iisa. At napakahalaga na ito ay ulit-ulitin lalo na sa bansa natin na nangangailangan
ng tamang pamumuno.

Sinasabi din sa kasulatan na kung ano ang inyong itinanim ay iyong aanahin.

Magtamim ng katapatan at umani ng tiwala.


Magtamim ng kabutihan at umani ng mga kaibigan.
Magtamim ng pagpapakumbaba at umani ng kadakilaan.
Magtamim ng tiyaga at umani ng tiwala.
Magtamim ng katapatan at umani ng kaligayahan.
Magtamim ng kasipagan at umani ng kasaganahan.
Magtamim ng pagpapatawad at umani ng tiwala.
Magtamim ng tiwala sa Diyos at umani ng marami.

Ang tanong ay, ano ang itinatanim mo ngayon?


Kristine Antonette Balaba
Chloe Ann Balaba
Grade I - Peace

You might also like