You are on page 1of 5

"ANG KWENTO NG BUTO"

Isang mayamang negosyante ang tumatanda na at alam nyang panahon na upang pumili
siya ng taong papalit sa kanya sa pamamahala ng kanyang negosyo. Sa halip na pumili mula sa
kanyang mga anak at mga direktor, nagdesisyon siya na gumawa ng isang kakaibang paraan.
Ipinatawag nya ang 'young executives' ng kumpanya.

Ang sabi nya, "Panahon na para ako'y magpahinga at pumili ng papalit sa akin bilang CEO. At
nagpasya ako na pumili ng isa sa inyo." Nagulat ang 'young executives' ngunit nagpatuloy ang
boss. "Bawat isa sa inyo ay bibigyan ko ng BUTO ngayong araw na ito - isang espesyal na BUTO.
Itanim ninyo ito, diligin at bumalik kayo dito 1 taon mula ngayon dala ang inyong tanim mula sa
butong galing sa akin. Hahatulan ko kayo mula sa halamang dadalhin ninyo at ang taong mapipili
ko ang papalit sa akin bilang bagong CEO."

Si Jim ay nanduon ng araw na iyon at gaya ng ibang kasama nya ay tumanggap din ng
buto. Umuwi na sobra ang pananabik at ikinwento nya sa kanyang asawa ang pangyayari.
Tinulungan siya nitong kumuha ng paso, lupa at pataba, at itinanim nila ang buto. Araw-araw ay
dinidiligan ni Jim ang paso at inaabangan ang pagtubo ng buto. Matapos ang 3 linggo, ang ibang
kasama ni Jim ay nag-uusap na sa kanilang mga buto at halaman na nagsisimula na nilang
mapalaki.

Palaging tinitingnan ni Jim ang kanyang buto ngunit wala pa ding tumutubo mula doon.

Tatlong linggo, apat na linggo, limang linggo ang lumipas, wala pa din.

Ang mga kasama niya ay masayang nagkukwento tungkol sa kanilang mga halaman, ngunit
si Jim ay wala pang napatutubo man lang...at nakaramdam na siya ng pagkabigo.

Anim na buwan ang lumipas - wala pa ding tumutubo sa paso ni Jim. Naisip tuloy nya na
napatay nya ang kanyang buto. Ang mga kasama nya ay mayroon nang matataas at mayayabong
na halaman - ngunit siya ay wala. Wala siyang binanggit sa kanyang mga kasama. Sa halip ay
patuloy pa nyang diniligan at pinatabaan ang lupa sa kanyang paso - gusto nyang mapatubo pa
din ang buto.
Lumipas ang isang taon at lahat ng 'young executives' ay dala ang kanilang mga halaman
para makita ng kanilang CEO. Sabi ni Jim sa kanyang asawa ay 'di siya magdadala ng walang
lamang paso.

Ngunit tugon ng kanyang asawa ay maging tapat sa mga pangyayari. Masama ang pakiramdam
ni Jim at sa kanyang tingin ay 'yun na ang pinaka-nakakahiyang araw sa buong buhay nya, ngunit
alam nyang tama naman ang kanyang asawa. Dinala nya ang kanyang walang lamang paso sa
'boardroom'. Pagdating nya ay namangha siya sa uri ng mga halamang dala ng kanyang mga
kasama. Lahat ay magaganda - ang mga hugis at laki. Ibinaba ni Jim ang kanyang paso sa sahig.
Pinagtawananan siya ng karamihan at ang iba ay nalungkot para sa kanya.

Nang dumating ang CEO, tiningnan nya ang silid at binati ang 'young executives'.

Si Jim naman ay nagtatago sa gawing likuran. "Wow...anong ganda ng mga halamang inyong
napalaki at ang mga bulaklak nito!" wika ng CEO. "Ngayon, isa sa inyo ang hihiranging susunod
na CEO."

Nakita ng CEO si Jim na nasa likod dala ang kanyang paso na walang laman. Ipinatawag niya ito
sa kanyang financial director at dinala sa harapan. Nabigla si Jim at naisip nyang pumalpak siya
at malamang ay paalisin na siya.

Nang nasa harap na siya ay tinanong ng CEO kung ano ang nangyari sa kanyang buto - at sinabi
nya ang buong kwento.

Pinaupo ng CEO ang lahat maliban kay Jim. Tiningnan niya ito at sinabi sa 'young
executives'..."Narito ang inyong susunod na CEO!"

"Siya ay si Jim!" 'Di makapaniwala si Jim sa narinig. Hindi nga nya napatubo ang kanyang buto.

"Paanong siya ang susunod na CEO?" tanong pa ng iba.

Sagot ng CEO, "Isang taon ang nakaraan, lahat kayo ay binigyan ko ng buto upang itanim, diligin,
patubuin, alagaan at dalhin sa araw na ito. Ngunit ang ibinigay ko sa inyo ay patay na buto - at
imposibleng tumubo ang mga ito."
"Lahat kayo maliban kay Jim ay dinalhan ako ng naggagandahang halaman. Pinalitan ninyo ang
inyong mga buto nang malaman ninyong 'di ito tutubo. Si Jim lang ang may tapang at katapatan
na magdala ng pasong buto lamang ang tanging laman. Kaya't siya ang magiging bagong Chief
Executive OfPunzalan

PAGPAPALIWANAG

Sikolohikal na pagdulog ang mailapat sa kwentong dahil ang sabi ni Freud na ang tao raw
ay isang iceberg na nakalutang na may dalawang bahagi - ang nakikitang bahagi at ang bahaging
nakalubog sa tubig. Sa aking nakita sa akda ay ang pagsulpot sa papel ng isang CEO gusto niyang
humanap ng bago sapagkat gusto niyang hanapin yaong nararapat sa naturang posisyon. Ang
pinakita ni Jim ay ang nakatagong nakalubog sa tubig sapagkat may dala itong magandang
halimbawa para sa kanya. Nabibilang si Jim sa conscious na bahagi ng isang indibidwal sapagkat
namalayan niya sa kanyang sarili ang tunay na para sa kanya. Ating iisipin maganda ang ginawa
ni Jim dahil ginawa lamang niya ang ano man ang pinagawa sa kanilang amo. "Kung mayroon
kang magandang ginawa tiyak ito'y babalik sa'yo na mas maganda pa".

Ang mga kasamahan ni Jim ay nagpapakita lamang na unconscious sila bilang isang
indibidwal dahil sa kanilang ginawa hindi nila nakamit ang tunay na para sa kanila at si Jim lang
talaga ang nakagawa ng ganoon. Ipinaliwanag nito kung bakit ang kasamahan ni Jim ay umakto
o kumilos nang taliwas sa inaasahan ng kanilang amo; ang ibig ipahiwatig ng mga simbolo ng
kwento.

Ating iisipin na kung maganda ang itinanim maganda rin ang resulta ng ating aanihin.
Kaya't bilang isang indibidwal walang harang na gumawa tayo ng maganda ito'y nasa sarili natin.
Ang ginampanan ni Jim sa kwento ay nagpapakita ng isang mabuting indibidwal na takot
gumawa ng ano mang bagay na makasama sa kanyang trabaho. Isang modelo si Jim na
nagpapakita ng magandang bagay.

SI TUNGKUNG LANGIT AT ALUNSINA

(Isang pagsusuri sa mitolohiya)

Ang tauhan ay diyos at diyosa na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Si Tungkung


Langit isang diyos na kayang lumikha ng mga bagay-bagay, kayang magpalit anyo at lumikha ng
kulog at kidlat. Si Alunsina isang diyosa na naglikha ng daigdig. Ang mga kapangyarihan ito ay
tinataglay lamang ng mga diyos at diyosa.

Naganap ang paglikha nina Tungkung Langit at Alunsina habang wala pa ang daigdig.
Nangyari ang lahat sa kalangitan kung saan naninirahan ang mga diyos at diyosa. Habang ang
paligid ay kawalan, wala pa ang daigdig at hindi pa nasisilayan ang araw at buwan kung saan ay
nangyari pa noong unang panahon.

Nakatuon ang pangyayari o banghay sa paglikha ng mundo. Ang pagbabago ng panahon,


mga natural na pangyayari. Ang interaksyong nagaganap sa araw buwan at daigdig. Paglikha ng
mga bagay na may buhay man o wala. Kung saan ang lahat ng mga nangyari ay mayroong
kabuluhan.
Tinatalakay sa mitolohiyang ito ang pinagmulan ng daigdig. Paglikha ng mga diyos at diyosa
ng mga bagay-bagay, mga bagay na kakaiba at hindi ordinaryo, mga tanawing nilikha na kaaya-
ayang pagmasdan na nagbibigay kasiyahan sa paningin ng mga naglikha.

-Debbie Punzalan

Pagapapliwanag

Dulog Arketipal ang mailapat dito dahil sinusuri ang mga tauhan sa akda at ang mga nangyari sa
mito. Sa mitong ito pinag-usapan ang paglikha ng daigdig na pinamunuan ng diyos at diyosa. Sa
paglikha nila ng daigdig makikita na dito ang dulog arketipal o mitolohikal na kritisismo.

You might also like