You are on page 1of 8

CHAPTER 2:

“Umamin ka nga, nagagandahan ka sa’kin no?”

Halos mabuga nya ‘yung iniinom nyang kape. To be fair, ganyan din ang naging reaksyon ko nang sabihin
nya sa akin kung anong klase ng trabaho ang i-ooffer nya. Para sa lalaking mukhang formal at disente, isa
rin pala syang joker. ‘Yun na lang ang naging conclusion ko noong i-discuss nya ang offer nya.

Inabot ko ‘yung baso ng kape ko na syempre sya ang nagbayad. Wala akong pera ngayon, I’m broke!
Uminom ako doon habang abala sya sa pagpupunas ng natapong kape sa lamesa gamit ang tissue.

“What?”

“What?” I mocked him. “Ano nga? Nagagandahan ka sa’kin no?”

Natataranta syang umiling na para bang nagtanong ako ng worth a million-peso question.

“N-mo. I mean, yes! No!”

“No? Yes? No! So, napapangitan ka sa akin?”

Hindi parin iniiwan ng pagkataranta ang emosyon nya. Lumingon lingon sya sa paligid before he leaned
closer to me.

“No, hindi ka panget.”

“Edi maganda nga ako sa paningin mo?”

“No! I mean…” pinilig nya pataligid ang ulo nya habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa habang
nakaupo kami sa couch at pinagigitnaan ng maliit na round table. I crossed my legs at nagtaas ng kilay sa
kanya. “Pwede na!” itinaas nya ang dalawa nyang balikat pagkasabi noon.
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. “Pwede na? ‘Yun talaga? ‘Yun talaga ‘yung sagot mo?”

Natatawa syang iiling-iling habang nakatingin sa labas ng coffee shop. Nakanganga lang akong nakatingin
sa kanya, hindi makapaniwala sa sagot nya. Nang makaraos sa pagtawa ay tumikhim sya saka humarap
sa akin na nakanganga pa rin. Inabot nya ang baba ko para isara ang bibig ko. Diretso lang akong
nakatingin sa kanya na kagat-labing nagpipigil ng nagbabadyang muling pagtawa.

Ipinikit ko ang mata ko saka sumandal sa couch. Habang nakapikit pa rin ay nagbuga ako ng hangin
paitaas para guluhin muli ang microbangs ko.

“Bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko pagdilat ng mga mata ko. Sinamaan ko sya ng tingin. Mukhang
nabawasan na agada ko ng customer kahit sya pa lang naman ang customer ko ngayong gabi.

“So? Your answer is?”

“Pwede na.” I mimicked his words earlier. Itinaas ko din ang dalawang balikat ko.

Natawa na naman sya sa ginawa ko. Maya maya, he raised his hands, parang classmate mong bida
bidang nagrerecite eh sinabi ngang index card ang gagamitin. Lumapit sa amin ang isang waiter na may
hawak na notepad at ballpen.

“Two slices of cheesecake.”

“Mocha cake, sakin.” Pagprotesta ko.

Tinaasan nya ako ng kilay saka hinarap ang waiter. “One cheesecake, one mocha cake.”

Isinulat ng waiter ang order nya saka umalis. Nang kaming dalawa na lang ulit ang naiwan sa lamesa ay
humarap sya sa akin. “Mocha girl.”

Awtomatiko akong napangiwi sa sinabi nya, “Eww! Don’t call me that. Sounds fake news.” Diring diri
kong sabi. Now I can’t look at a mocha cake the same way.
Natawa na naman sya. Seriously, for a man who looks formal and decent, ang babaw ng kaligayahan
nya. At ginagawa nya akong clown!

“So, for a living, you sell cigarettes in a bar at night. And you quit in your other job because…?”

“Pinapagtrabaho nila ako nang wala sa job description ko. Imagine, degree holder ako, limang taon din
ako sa college of business administration tapos pagkakabitin lang nila ako ng promotional tools habang
naka-formal attire. At huwag ka, almost 6 months na puro gaanon ang ginagawa ko. Kung hindi
tagakabit, taga-xerox, tagabili ng kape nila… Minsan nga e, pinabili pa ako ni Sir Diaz ng cake noong
Valentine’s day para i-deliver ko sa condo ng kabit nya. Jusko! Ang matandang ‘yon! Ang sakit nya sa
ulo!” I can’t help but rant.

His brows furrowed. “5 years ka sa college taking up a 4-year degree?”

“Sa dami ng sinabi ko, ‘yun talaga ‘yung pinansin mo? Oh, e ano naman kung 5 taon ko ‘yun tinake? Edi
mas magaling na ako ngayon sa mga 4 na taon lang nag-take non. Para na rin akong nag-masteral ng
isang taon!” pangangatwiran ko kahit alam ko, kahit sarili ko niloloko ko.

Dumating ‘yung order naming cake.

“Why? Nag-stop ka ba?”

“Wala ka na doon.”

“Miss...Eza Siguerra? Consider this as mock-job interview.”

Halos mabulunan ako sa kinakain ko. SIneryoso talaga nya.

“Ezra! Ezra Estrella.” Tinaasan nya ako ng kilay. “O bakit? Akala mo ba ibibigay ko agad ang pangalan ko
sa’yo? Kahit guwapo ka hindi ako marupok no.”

“Guwapo?”
“Oo. Guwapo ka naman e. Pwede na.”

Inabutan nya ako ng calling card. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

“Call me kapag napag-isipan mo na ‘yung offer ko.”

“Jeremiah Angelo. Angelo Inc. CEO?”

Tumango sya.

“Teka nga, ilang taon ka na ba? 30? 35? Hindi halata a? Mukha ka lang 29.”

“I’m 25.”

“Woah! CEO at 25? Paano?”

“You want to apply for mentorship?”

“Mentor ka rin?”

Tumango sya.

“Paano mo nagawa ‘yun? I mean, galing ka siguro sa mayamang pamilya tapos pinamana sa’yo ng daddy
mo ‘yung kumpanya nyo. Ang swerte mo!”

“No. Actually, after I graduated kinuha akong CMO ng SMDC. They gave me good incentives, enough for
me to have a savings. After 3 years, I decided na magtayo ng sarili kong business. And yeah, here you go,
the Angelo Incorporation. Start-up business pa lang but someone’s helping me – a business partner,
kaya hindi ganoon ka-hirap.”
“Oh. Nice! First love mo ang business?”

“Yes. Ever since, gusto ko na talagang magkaroon ng sarili kong business.”

“Anong feeling maging kapitalista?”

Kinunutan nya ako ng noo.

“You are being judgmental, aren’t you? Besides sa corporate world ka rin nagtatrabaho.”

“Yeah. Unfortunately, alipin ako ng mga kapitalista.”

“Not all businessmen are capitalists. You should know that.”

“Alam ko naman ‘yun pero ang hirap na rin kasi nila i-distinguish.”

“Kaya ige-generalize mo?”

“Huy, hindi naman. Grabe ka ha! Ikaw yata ‘tong judgmental sa atin e.”

Naubos na nya ‘yung kinakain nya.

“Pero seryoso, how to be a CEO at 25?”

“Sign the contract and I’ll tell you how.”

“Anong contract? Kukunin mo na ba akong Marketing Director ng kumpanya mo?”

“That’s not what I offered you.”


Napangiwi ako.

“Whatever, Mr. CEO_25.”

“What the fuck is _25?”

“Ano ka boomer? Hindi mo alam ‘yun?!”

“Tss.”

“Wala ka bang friends, Mr. CEO_25?”

“Define friends?”

“Friends. ‘Yung ang tagal nyong hindi nagkita tapos kapag nagkita kayo yayakapin ka nya, haharapin ka
sabay sabing, ‘parang tumaba ka?’”

“Seriously?!”

“Friends, ‘yung kahit anong gawin mong katarantaduhan hindi ka huhusgahan. Kapag nadapa ka,
tutulungan kang bumangon pero syempre tatawanan ka muna nila. ‘Yung ganon.”

He shrugged his shoulders.

“Wala? Ang lungkot naman no’n.”

“Yeah.”
“Tapos ka na ba?” sabi ko saka ngumuso sa plato at baso nya.

Tumango lang sya.

“Tara na?’

Lumabas kami ng coffee shop.

Nilahad ko sa kanya ‘yung kamay ko. “What?” sabi nya.

“Bayad mo? Hindi libre ang oras ng pagsama ko sa’yo. Hindi na ako nakabenta dahil sa kadaldalan mo.”

“Oh.” Sabi nya saka nag-abot ng limang limang blue bills. Kinuha ko ‘yun sa kanya saka agad na binulsa.

“Where’s my change?”

“Keep the change.”

“Akala ko ba hindi pwede ‘yun.”

“Eh mayaman ka naman na. Saka sariling pera mo na pinanggagastos mo.”

“So, you are taking advantage of my situation ha?”

“Hindi ah. Ang tawag dito, wealth redistribution.”

Natawa lang sya. Nilakad namin ang kahabaan ng Espana.

“Pero seryoso, hindi ka nagagandahan sa’kin?” tanong ko. Natawa na naman sya.

Nagpara sya ng taxi. Huminto ito sa harap namin.

Pero imbis na sumagot tinanong lang nya ako, “Pwede ba nating ituloy ‘to?”

“Ang alin?”

“Ito. ‘Yung usap. Late night talk. Alam mo yun…”


Itinaas ko ang hawak kong calling card nya. Malagkit kaming tinignan ng guard na nakatayo sa tapat ng
Mang-Inasal kung saan kami nagpara ng taxi.

“Sige na. Uuwi na ako.”

“Bye.”

“Bye.”

Habang nasa taxi ay nakatitig lang ako sa calling card na binigay nya. I can’t help but admire someone
like him. At the age of 25, he was able to reach his dream, may sariling kumpanya, hawak ang oras nya
at higit sa lahat, alam nya kung saan sya pupunta. But when he’s talking about his achievements, he’s
smiling but his eyes are telling the opposite. I looked at the rear-view mirror. Sa repleksyon ay kitang kita
ko ang bahid ng stress sa mata ko. Napabuntong hininga na lang ako. Nakita kong sumilip sa rear-view
mirror ang driver. Nagtama ang mga mata namin. Tipid akong ngumiti na ginantihan naman nya.

I reached for my phone and dialed a number. I faked a call telling, “Ma, pauwi na po ako.” Sinabi ko rin
kunwari ang plate number ng taxi. Sinadya kong iparinig sa driver ‘yun. Matapos ng pekeng tawag ay
isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng taxi. Pinapanuod ang magulong kalsada ng Manila.

Nagbuga ako ng hangin paitaas dahilan para magulo na naman ang micro bangs ko na agad ko ding
inayos.

You might also like