Sa bawat pagdaan ng mga araw, buwan o taon, aking mapapansin ang pagbabago ng kapaligiran, kaunti man o marami. Doon ko mababase kung gaano kabilis lumipas ang araw. Na sa bawat bilis ng takbo ng mga araw ay hindi ko namalayan at makikita ko na lamang ang aking sarili sa sitwasyong, ano nga ba ang mararating ko sa buhay? May patutunguhan ba ang lahat ng paghihirap ko? Na hindi mawari kung tama bang napunta ako sa sitwasyong kinekwestyon ko ang aking sarili tungkol sa aking mga pangarap. Lahat tayo, bawat tao ay may nais makamit sa buhay, mapa bata man o matanda. Walang kasing ganda ang taong handang isugal ang lahat para lamang sa kanyang mga pangarap. Yung tipong kahit ang pangarap na iyon ay malayo sa realidad at katotohanan. Hindi masama ang mangarap nang mangarap sapagkat ito rin ang dahilan kaya kadalasan ay lumalakas ang ating loob. Pinapalakas nito ang loob natin na mas lalong magsumikap at bigyan ng tiwala ang sarili para lamang matupad ang minimithi. Na sa pangarap na ito ay makikita at malalaman ko kung ano at sino na ako kapag lumipas na ang sampung taon. Huwag lang darating sa punto na hindi na nakakabuti ang iyong mga ginagawa. Dapat rin nating isipin na hindi lahat ng bagay ay dapat ginagawa at ang ibang bagay ay may limitasyon. Tayo ay nagkaroon ng pagkakataon na malayang tuparin ang pangarap kaya’t huwag natin itong abusuhin at tayo ay kumilos ng patas.
Elementarya pa lang ako noong ninais ko maging isang ganap na fashion
designer. Ngunit habang ako’y tumatanda at lumilipas ang taon, ito ay nagbabago. Ngayon at gra-graduate na ako ng junior high school ay gusto ko maging isang lisensiyadong arkitekto pagdating ng araw. Napa isip ako at tinanong ang aking sarili kung tama bang ito ang aking abutin. Naisip ko na baka hindi maging madali para sa akin lalo na’t isa ito sa pinakamahirap na kurso. Tinanong ko ang sarili na, kaya ko nga ba? Sabi nga ni Adina Shahzad, always think of the consequences before making a decision. It takes a second to decide, but a lifetime to deal with that one decision. Mas magandang maaga ka makapag desisyon dahil kung hindi ay baka iyong pagsisihan sa huli.
Ngayon ay habang lumilipas ang mga araw, nakikita ko ang sarili na
nagdidisenyo ng mga bahay o iba’t ibang gusali. Kaya’t sa sampung taon na iyon ay nakapag tapos na ako ng kolehiyo at isa nang lisensiyadong arkitekto. Nagawan na ng sarili at bagong bahay ang pamilya. Nabibigyan na ng pinansyal ang pamilya. Natutustusan na ang sariling pangangailangan at nakakatulong sa mga taong nangangailangan. Isang na akong mapagmahal na arkitekto sa aking trabaho at sa mga taong nakapaligid sa akin.
Sa loob ng sampung taon na iyon ay nananaig ang aking prinsipyo. Isa sa
hangarin kong ibalik ang lahat ng kabutihan na ibinigay ng mga taong tumulong sa akin sa kalagitnaan ng aking mga paghihirap at sakripisyo. Maging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan, arkitekto at maging mabuti sa kapwa tao. Hindi kakalimutang serbisyunan at pasalamatan ang Diyos sa lahat ng mga bagay na natutupad at nakukuha ko at sa pagbibigay ng matibay na pagasa. Isa ang Diyos na nagpapakalakas sa atin upang magpatuloy sa buhay. Sa paraang iyon ay unti unti natin makakamit ang ating pangarap. Ngunit sa loob ng sampung taon ay hindi lamang sa pangarap ko umiikot ang aking mundo. May mawawala, may babalik at may darating. May problemang papasok na siyang magtutulak sa akin para sumuko. Pero may pagkakataong babangon ako at ipagpapatuloy ang mga nais gawin. Na kahit gaano pa karami ang nasayang kong oras ay handa kong ipagpatuloy ito. Trust the process ika nga, kaya huwag panghinaan ng loob dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay lagi kang panalo. Tayo ay nakakaranas din ng talo, pagtanggi, at pagkabigo sa buhay, Ito ay para subukan tayo na mas lalong lumaban at kumapit. Kaya’t huwag kang panghinaan ng loob at magtiwala sa iyong sarili, lalong lalo na sa Diyos dahil siya ang mas nakakaalam kung ano ang magandang plano para sa atin.