You are on page 1of 2

Bayugan National Comprehensive High School

Bayugan City Division

Pangalan: Margarette A. Buque Grad0&Seksiyon: IX Einstein

Gawain 7: TRAVELOGUE NG AKING


BUHAY KALAYAAN
PANUTO: Balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay at isipin ang mga panahon kung
saan ikaw ay may nagawang malaking desisyon na naisagawa. Ano ang resulta nito sa
iyong buhay? Mayroon ka bang pagsisi sa napiling desisyon? Magsulat ng 1 lamang sa
iyong journal o sa pamamagitan ng brochure. Gawing batayan ang naibigay.

File name format:


SURNAME_MODYUL7_SEKSIYON

 Petsa ng pangyayari:

Pebrero 13 2017

 Lugar ng pangyayari:

Sa Bahay namin

 Ano ang pangyayari?

Nung araw na iyon, habang naghahanda ako para pumasok sa


paaralan ay biglang dumating ang aking tiyahin at sinabing pumanaw
na ang aking ama. Matapos niyang sabihin ang mga katagang na iyon
naramdaman ko ang agad na pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Tumakbo ako patungo sa aking silid at nagmukmok doon at talagang
sumagi sa aking isipan ang lisanin din ang mundo at sundan ang papa
ko.
 Ano ang naibigay mo na desisyon?

Naisipan kong sundan ang aking ama sa mga panahong iyon dahil sa
bugso ng damdamin. Sobrang lungkot ko ng mga panahon na iyon
kaya sumagi iyon sa aking isipan. Napagdesisyonan kong hindi ito
ituloy. Hindi ko tinuloy iyon dahil alam kong hindi gugustuhin ng
papa ko. Alam kong mas gugustuhin niyang magpatuloy ako sa buhay
at maging mabuting kapatid, anak at estudyante.

 Ano ang naging resulta?

Namuhay ako ng masaya at mapayapa kasama ang aking mga mahal


sa buhay. Dahil sa desisyon na ginawa ko apat na taong nakalipas ang
dahilan kung bakit ganito ako kasaya sa buhay ko ngayon.

 Kung ikaw ay bibigyan ng pangalawang pagkakataon, ano ang


magiging desisyon mo?

Kung ako ay mabibigyan ako ng pangalawang pagkakataon, ay wala


akong babaguhin sa aking desisyon. Hindi ko lilisanin ang mundo
dahil alam kong mayroon pang mas maraming masasayang
pagkakataon na darating sa aking buhay.

RUBRIKS

15 12 10
NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN
Ang sagot sa kabuuan ay Ang sagot sa kabuuan ay Ang sagot sa kabuuan ay
naipapaliwanag nang lubos naipapaliwanag at kaaya-aya hindi gaanong kaaya-aya /
at kaaya-aya / masining, / masining, kayang gawin masining, pili ang pwedeng
kayang gawin ninuman, ninuman, nagpapakita ng gagawa, hindi lubos na
lubos na nagpapakita ng pagmamahal, paglilingkod, nagpapakita ng
pagmamahal, paglilingkod, malayang desisyon at may pagmamahal, paglilingkod,
malayang desisyon at may kaakibat na responsibilidad. sapilitang desisyon at
kaakibat na responsibilidad. walang kaakibat na
responsibilidad.

You might also like