You are on page 1of 1

Di ko lubos akalain na darating ako sa ganitong punto ng buhay.

Simula ng mawala si papa, dahil sa


pagkakabaril sa kanya ng taong hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala. Dito ako mas nawalan ng pag
asa. Hanggang sa napunta ako sa isang lalaki na akala ko ay siyang magsasalba sa sakit na aking
nararanasan Ngunit eto pa ang siyang mas nagpahirap sakin. Walang araw na hindi ako sinaktan.
Hanggang sa paglipas ng panahon, nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban at harapin ang lahat. Dito
ko na pagtanto ang lahat ng mga pagkakamali ko. Simula sa hindi ko pagbibigay respeto kay mama pati
na rin ang hindi ko pagpapakita ng magandang ehemplo sa aking mga kapatid. Nagi akong suwail at
makasarili. Dahil wala akong ibang inisip kundi sarili ko lamang. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, walang
ibang nagtanggap at tumulong upang makatayo akong muli. Kundi ang pamilya ko. Si mama, at ang
aking dalawang kapatid. Patunay, na hindi man perpekto ang isang pamilya, ay kahit Kaylan ay hindi
mawawala ang pagmamahal sa isa’t-isa. Ito ang aking “REPLEKSYON”

You might also like