“Ang Buhay ng bawat isang Ina ay nagpapaala sa atin ng kanilang pagmahal at
walang hangang pagsasakrispisyo upang mapalaki ng maayos ang kanilang mga supling. Ang bawat magulang, partikular ng mga Ina ay walang hinangad Kung Hindi ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak bilang mga bagong tao na sa hinaharap ay gaganap ng mahalagang papel sa lipunan.
Sa siyam na buwan na ako’y nasa kanyang sinapupunan inalagaan niya ako at
minsan hindi niya ako pinabayaan. Dala-dala niya ako nang may buong pag-iingat at pagmamahal. Hindi pa man ako lumalabas ay ramdam ko na ang pagmamahal niyang walang sino man ang makakapantay. Hanggang sa ako’y lumaki at nagkaisip siya ang nagsilbing idolo at inspirasyon ko. Sa bawat daan na aking tinatahak siya ang naging trapiko, na nagsilbing gabay kung kalian ako hihinto at kalian ako didiretso. Hindi man siya marunong umukit ng walang pormang kahoy o bato, pati na rin sa paglilok ng mga marmol na tao ngunit daig pa niya ang isang dakilang iskulptor sa paghubog niya sa aking katauhan. Siya ang band aid ng mga sugat ko sa buhay. isang ngiti niya lang sa akin alam kong maayos din ang lahat. Sa tuwing ako’y madadapa siya ay andiyan upang ako’y tulungan tumayo. Para sa kanya masaktan lang siya huwag lang ako na anak niya. Bawat sakit nadarama ko alam kong dobleng sakit para sa kanya. Sa tuwing ako’y umiiyak siya’y nagiging tissue na nagtatangal sa mga luha ng aking mga mata. Nagiging tsokolate upang gumaan ang aking pakiramdam. Bawat pagkakamali ko’y siya’y nagiging pulis at abogado. Pinaparusahan at sinisigurong hindi ko na uulitin ang pagkakamali katulad ng isang pulis ngunit sa bawat sitwasyon siya ay palaging nasa aking panig katulad ng isang abogado. Ang mga pagsubok na nagpadaan ko hinding ko iyon malalampasan kung hindi dahil sa kanya. Sa mga bagyong dumating sa aking buhay siya ay nagsilbing araw na nagbigay sa akin ng pag-asa upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Siya ang aking milagro sapagkat sa piling pa lang niya ay ligtas na ako at bwat haplos niya ay ayos na ako. Kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa akin kaya masasabi kong para siyang isang santo. Minsan ay may tampuhan pero wala namang perpektong relasyon sa mundo dahil hindi perpekto ang tao. Sa labing apat taon ko dito sa mundo iisang tao lang ang alam kong hinding hindi ako kasiyahan man o kalungkutan. Ang aking dakilang Ina. Hindi man siya ang pinakaperpektong tao sa mundo pero hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin bilang ina na mahal niya ako.