You are on page 1of 1

Mercado, Donita Marie Kyle C.

LM 3-1
LIT1

Sagutan ang mga sumusunod:


1. Sino ang sumulat ng akda?
2. Para kanino isinulat?
3. kailan ito isinulat?
4. Ano ang buod o tema ng akda
5. Ano ang maaring dating sa iyo ng kwento?

Ang kuwentong aking binasa ay isinulat ni Genoveva Matute tungkol sa guro na tinatawag ng
mga mag-aaral na “mabuti” dahil lahat ng mga salita nito ay naglalaman ng mga kabutihan.
Bukod roo'y parati niyang sinasambit ang salitang 'mabuti' noong siya ay bata at nag-aaral pa.
Ang tema ng maikling kuwento na aking binasa ay ang matatag sa pagharap sa mga problema.
Hindi ipinapakita ni mabuti sa iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa
kanya ng iba o ng kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. Sa panahon
ngayon, napakaraming problema ang kinahaharap nating mga tao. Ang mga mahihina ay
malulungkot at mawawalan ng pag-asa, ngunit sa kwentong ito ay nakitanatin si mabuti na
malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay. Hindi siya
pinanghinaan ng loob, bagkus ay patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang
mangarap ng mataas para sa kanyang anak. Mahihinuha natin sa kwentong ito na hindi tayo
dapat madaig ng mga problema sa ating buhay.

You might also like