You are on page 1of 6

Aralin 3: Pagtitiwala sa Sarili

Ikatlong Linggo

Panimula
Magandang araw mga bata, ang sumusunod ay ang layunin natin para sa ating aralin:
BILANG PINAKAMAHALAGANG MGA GAWAIN
MGA ARALIN LC CODES NG PAMANTAYANG SA SA PAGKATUTO
ARAW PAGKATUTO
Aralin 3: Nakapagpapakita ng Iguhit Ko,
Pagtitiwala sa Sarili EsP2PKP- 5 kakayahang labanan ang takot Iupload Ko!
Ic – 10 kapag may nangbubully.

Ano ang mapapansin mo sa larawan sa ibaba?

Source: https://www.vectorstock.com/22641808

Ang ipinakita sa larawan ay isang bata na inaasar kapwa bata.

Sa loob ng kahon ay ang mga emosyon. Sa tingin mo ano kaya ang naramdaman ni Boyet
habang inaasar siya ni Alden.

Naduduwag Takot Mahiyain Tiwala sa Sarili

Sa pagpapatuloy ng ating aralin, aalamin natin kung ano ang kahalagahan na may tiwala ka
sa iyong sarili upang mapaglaban ang takot sa nang-aapi o nambubully sa iyo.
Pagpapaunlad
Diskusyon
Basahin ang maikling kuwento.
Kaya Ko
Isinulat ni: Lougiebelle D. Dimaano
Isang araw, si Boyet ay ayaw pumasok sa paaralan. Ayon kay Boyet, si Alden na kaklase niya ay
palagi siyang tinutukso ng unano at bansot, kaya ayaw na niyang pumasok. Pinayuhan naman siya
ng kantang Nanay Luisa na maging matapang at magtiwala sa sarili, maliit ka pero ikaw ay matalino.
Kung sa mga susunod na araw ay aasarin ka uli, kausapin mo siya ng maayos.
Pagkatapos ng klase, sumigaw na naman si Alden, “Bansot na Boyet”. Tumigil sa paglalakad si
Boyet, “Alden tumigil ka na ng pang-aasar sa akin, isusumbong kita sa ating guro at sasabihin ko kay
Mam Acuna ang maling ginagawa mo sa akin. Naiwan naman si Alden na kakamot-kamot sa ulo.

Mga Tanong:
1. Sino ang ayaw pumasok sa paaralan?
a. Boyet
b. Bella

2. Sino ang tumulong kay Boyet upang magkaroon ng tiwala sa kanyang sarili?
a. Tatay Leon
b. Nanay Luisa

3. Ano ang tawag o bansag ni Alden kay Boyet?


a. Bansot at unano
b. matangkad

4. Paano kinausap ni Boyet si Alden?


a. Mahinahon na kinausap ni Boyet si Alden
b. Sinigawan ni Boyet si Alden

5. Sa papaanong paraan napaglabanan ni Boyet ang takot sa nambubully sa kanya?


a. Pagkakaroon ng tiwala sa kanyang sarili.
b. Pagiging mahiyain.

Gintong Aral
Magtiwala sa sarili.
Upang takot ay malabanan.
Mga Gawain
Paalaala Sa Magulang: Sa gawain na ito ay inaasahan ang inyong kooperasyon upang
gabayan ang inyong anak sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Gawain 1
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyon opinyon sa tanong na ito:

Ikaw ay naglalakad pauwi at nakita mo ang iyong mga kaklase na binubully ang isang bata
naka saklay. Ano ang gagawin mo?
a. Sasawayin ko sila at pagsasabihan na mali ang kanilang ginagawa
b. Hindi ko sila papansinin

Gawain 2
Sa ngayon ay nalaman mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Piliin ang
naaangkop na sagot sa sitwasyon na ito.

Inaasar ka ng iyong mga kaklase dahil sa katabaan mo. Ano gagawin mo?
a. Kakausapin ko sila ng mahinahon.
b. Magagalit ako.

Gawain 3
Piliin ang pusong kulay pula kung tama ang isinasaad ng pangungusap at pusong kulay itim
kung mali.

1. Mahinahon kong kakausapin ang nambu-bully sa akin.

2. Magsasabi ako sa akin guro kapag ako ay binu-bully ng aking kaklase.

3. Aawayin ko ang taong nabu-bully sa aking kapatid.

4. Kakausapin ko ng maayos ang taong nag-aapi sa akin.

5. Makikipaglaro ako sa taong nambu-bully sa akin pagkatapos naming magka-ayos.


Pakikipagpalihan
Paalaala Sa Magulang: Sa gawain na ito ay inaasahan ang inyong kooperasyon upang
gabayan ang inyong anak sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Gawain 4
Iguhit Ko, Iupload Ko!
Sa gawain na ito ikaw ay guguhit ng isang larawan na magpapakita kung ano ang dapat
gawin kapag may nambu-bully o nang-aasar sa iyo.

Mga Kagamitan:
bond paper lapis krayola cellphone o pangkuha ng larawan

Mga Hakbang:
1. Kumuha ng isang malinis na bond paper.
2. Pagkapili mo, magsulat ka ng pangungusap tungkol sa iyong pangako na gagawin mo
sa tuwing magpapakita ka ng iyong kakayahan.
Ang pangungusap nasa isang bilang lamang.
3. Pagkatapos ay ipakita mo ito sa isang nakakatanda. Pipirmahan ito ng iyong
magulang o guardian.
4. Ang pangako na iyong isinulat ay pipicturan at iuupload sa text box sa ibaba.
5. Ang sumusunod ay ang rubriks para sa pamantayan ng iyong gawain.

Mga Pamantayan Deskripsyon Puntos


Anyo May kulay ang larawan na iginuhit 5
Malinaw na makikita ang nais
Diwa ipahiwatig sa larawan. 5
Akma ang kapsyon na nakalagay sa
Kapsyon larawan. 5
Kabuuan 15
Paglalapat
Gawain 5
Piliin kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap.

1. Ililihim ko sa akin magulang na ako ay nabu-bully.

2. Hindi na ako papasok sa paaralan dahil sa bully kong kaklase.

3. Sasabihin ko sa aking mga magulang na may nambu-bully sa akin.

4. Makikipag-ayos ako sa nam-bubully sa akin upang maging kaibigan ko siya.

5. Magtitiwala ako sa aking sarili upang malabanan ko ang akin takot.

Gawain 6
Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na
mukha kung mali.

1. Ako ay magiging matatag upang mapaglabanan ko ang takot sa nambubu-bully sa


akin.

2. Hindi ako matatakot na magsabi sa akin guro na may nang-aapi sa akin.

3. Makikipag-usap ako ng maayos sa kaklase ko na nang-aasar sa akin.

4. Kakausapin ko ng mahinahon ang kaklase ko na nambu- bully.

5. Sisigawan ko ang kaklase ko nambu-bully sa akin kapatid..


Repleksyon
Buuin ang pangungusap sa ibaba at piliin ang naangkop na salita .

___________ sa sarili ay kailangan upang takot ay mapaglabanan.

Mga Sanggunian
https://www.vectorstock.com/22641808

Biglete, V., Caraan, MC., Catapang R., & Gonzales I., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
2: Tagalog Kagamitan ng Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig City

Biglete, V., Caraan, MC., Catapang R., & Gonzales I., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
2: Tagalog Patnubay ng Guro. Meralco Avenue, Pasig City

You might also like