You are on page 1of 6

Aralin 2: Pagpapahalaga sa Kakayahan

Ikalawang Linggo

Panimula
Magandang araw mga bata, ang sumusunod ay ang layunin natin para sa ating aralin:
BILANG PINAKAMAHALAGANG MGA GAWAIN
MGA ARALIN LC CODES NG PAMANTAYANG SA SA PAGKATUTO
ARAW PAGKATUTO
Aralin 2: Napahahalagahan ang saya na Pangako Ko!
Pagpapahalaga sa EsP2PKP- 5 dulot ng pagbabahagi ng Isulat Ko!
Kakayahan Ic – 9 anumang kakayahan. Gagawin Ko!

Sa nakaraan leksyon natuklasan mo na ang iyon natatanging kakayahan.


Ang link sa ibaba ay nagpapakita ng mga kakayahan na tinalakay natin noong nakaraan
linggo.

Source: Dimaano, Lougiebelle D., (2020). ESPQ1-Aralin2-Laro1.ppsx. Retrieved 1 July 2020

Sa pagpapatuloy ng ating aralin, aalamin natin ang kahalagahan ng pagbabahagi ng iyong


kakayahan sa iba.
Paglalahad
Diskusyon
Basahin ang maikling kuwentong, “Ang Programa”. Alamin kung ano ang epekto ng kakayahan na
ipinakita ng magkapatid.
Ang Programa
Isinulat ni: Nora D. Dimaano
May gaganaping programa sa Paaralang Elementarya ng Maligaya, para sa pagkilala sa bawat
pamilya. Ang Family Day ay programa na kung saan ang bawat pamilya ay nakikilahok.
Sina Boyet at Bella ay nagduet ng isang awit, “Sa Ugoy ng Duyan.” Makikita sa mukha ng mga taong
nanonood ang tuwa at saya sa awit na handog ng magkapatid. Sina Nanay Luisa at Tatay Benn ay
“proud na proud” sa mga anak. Gayon din naman sina Boyet at Bella ay tuwang-tuwa na naibahagi
ang kanilang kakayahan ng buong husay.

Mga Tanong:
1. Ano ang kaganapan sa Paaralang Elementarya ng Maligaya?
a. Araw ng Pagtatapos
b. Family Day

2. Sinu-sino ang umawit ng “Sa Ugoy ng Duyan”.


a. Boyet at Bella
b. Buboy at Ellie

3. Ano ang reaksyon ng mga taong nakapanood sa awit nina Boyet at Bella?
a. Masaya
b. Malungkot

4. Bakit natuwa ang magkapatid na Boyet at Bella?


a. Dahil naibahagi nila ng buong husay ang kanilang kakayahan.
b. Dahil may bago silang sapatos

5. Bakit dapat na ibahagi ang iyong angking kakayahan o talento sa iba?


a. Para magkaroon ng tiwala sa sarili
b. Para maipagyabang

Gintong Aral
Ibahagi sa iba ang kakayahan.
Ang dulot nito ay tuwa at
saya.
Mga Gawain
Paalaala Sa Magulang: Sa gawain na ito ay inaasahan ang inyong kooperasyon upang
gabayan ang inyong anak sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Gawain 1
Ibahagi ang iyong opinyon sa tanong na ito:
Kung ikaw ay sumali sa isang programa sa paaralan ano ang iyong mararamdaman kapag
nakita mo na ang mga nanonood ay malakas na pumalakpak pagkatapos ng iyong pag-awit?
Piliin ang naangkop na kasagutan sa mga sumusunod.
a. masaya
b. nahihiya

Gawain 2
Sa ngayon ay nalaman mo na ang kahalagahan ng pagbabahagi ng iyong talento. Piliin ang
naaangkop na sagot sa sitwasyon na ito.

Halimbawa na ikaw ay sumali sa paligsahan sa pag-awit at ikaw ay nanalo, tuwang-tuwa ka


sa nangyari, ano sa mga susunod ang iyong gagawin?

a. Magpapasalamat ako sa pamamagitan ng pagdarasal sa Diyos


b. Mahihiya ako sa mga tao.

Gawain 3
Basahin ang sumusunod na tanong.
Piliin ang naangkop na sagot batay sa iyong pananaw.

1. Kung ikaw ay marunong sa pagguhit, tutulong ka ba sa iba?

2. Mayroon kang kakayahan sa pag-awit hihimukin mo ba ang iba sa pag-awit?

3. Kung may kakayahan ka sa pagsayaw, gaganap ka bas a programa?

4. Alam mong mahusay ka sa larangan ng pag-arte. Suubukan mo bang mag- audition?

5. May pagsasanay sa pagtakbo sa inyong paaralan at ito ay hilig mo. Lalahok ka ba?
Pakikipagpalihan
Paalaala Sa Magulang: Sa gawain na ito ay inaasahan ang inyong kooperasyon upang
gabayan ang inyong anak sa pagsasagawa ng gawaing ito.

Gawain 4
Pangako Ko! Isulat Ko! Gagawin Ko!

Sa gawain ito ikaw ay gagawa ng isang pangako na iyong gagawin sa tuwing magpapakita ka
ng natatangi mong kakayahan.

Mga Kagamitan:
bond paper lapis cellphone o pangkuha ng larawan

Mga Hakbang:
1. Mag-isip ka ng isang kakayahan kung saan ka pinakamahusay.
2. Pagkapili mo, magsulat ka ng pangungusap tungkol sa iyong pangako na gagawin mo
sa tuwing magpapakita ka ng iyong kakayahan.
Ang pangungusap nasa isang bilang lamang.
3. Pagkatapos ay ipakita mo ito sa isang nakakatanda. Pipirmahan ito ng iyong
magulang o guardian.
4. Ang pangako na iyong isinulat ay pipicturan at iuupload sa text box sa ibab.
5. Ang sumusunod ay ang rubriks para sa pamantayan ng iyong ginawang pangako.

Mga Pamantayan Deskripsyon Puntos


Haba ng pangungusap Ito ay nasa isang pangungusap. 5
Naiintidihan ng malinaw ang nais
Diwa ng nilalaman ng pangungusap ipahiwaitg ng pangungusap. 5
Lagda ng Magulang Ang ginawa mong pangako ay may lagda
ng isang nakakatanda 5
Kabuuan 15

Halimbawa ng Isang Pangungusap:


Ipinangangako ko na ako ay masaya sa tuwing ipapakita ko ang aking kakayahan sa pag-
awit.
Paglalapat
Gawain 5
Piliin kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap.

1. Malungkot ako sa tuwing ipapakita ko ang aking kakayahan.

2. Masaya ako tuwing sumasali ako sa mga paligsahan.

3. Hindi ko papansinin ang kaklase ko na nagpapaturo sa akin.

4. Pasasalamatan ko ang aking magulang sa pagsuporta sa aking kakayahan.

5. Patuloy akong magsasanay upang mapaunlad ang aking kakayahan.

Gawain 6
Piliin ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na
mukha kung mali.

1. Masaya akong kapag makakapagtanghal ako sa isang programa.

2. Ayokong sumali sa mga palatuntunan dahil nahihiya ako.

3. Tutulungan kong mapaunlad ang talent ng aking kapatid.

4. Pinasasalamatan ko ang mga taong natutuwa sa aking kakayahan.

5. Magiging mayabang ako dahil alam ko na may natatangi akong kakayahan.


Repleksyon
Tapusin ang pangungusap sa ibaba ayon sa iyong sariling opinyon.

Ikaw, ako at ang bawat isa dapat __________ habang ibinabahagi ang kakayahan.

Mga Sanggunian
Dimaano, Lougiebelle D., (2020). ESPQ1-Aralin2-Laro1.ppsx. Retrieved 1 July 2020

Biglete, V., Caraan, MC., Catapang R., & Gonzales I., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
2: Tagalog Kagamitan ng Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig City

Biglete, V., Caraan, MC., Catapang R., & Gonzales I., (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
2: Tagalog Patnubay ng Guro. Meralco Avenue, Pasig City

You might also like