You are on page 1of 16

2

Edukasyon sa Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 3
(Linggo 3)
PANGBU-BULLY, HINDI KO GAGAWIN!
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikalawang Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Pangbu –bully, Hindi Ko Gagawin
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayun paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christlejess DC. Legaspi
Editor: Fatima B. Bricia
Tagasuri: Sheila C. Bulawan
Emma B. Naguna
Tagaguhit at Tagalapat: Francis Andrew P. Conde
Joy B. Quimno, Sol C. Balacano
Panimula
Magandang araw mga bata!
Huwag matakot! Kayang kaya
mong labanan ang pangbubully.
Nandito lang ako para tulungan
ka sa iyong gagawin upang
harapin ang takot mo. Tara…
samahan mo ako!

Layunin
Nakapagpapakita ng kakayahang labanan ang takot
kapag may nangbubully.

Paunang Pagtataya

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ito’y tumutukoy


sa mabuting asal at MALI kung ito’y hindi.
______________1. Pinaglalaruan ang batang
babae sa gitna.

______________2. Sinasaktan ang


batang babae.

1
______________3. Magkakasamang naglalakad
ang magkakaibigan
ng masaya.

______________4. Pinagtatawanan
at ipinapahiya ang
batang lalaking may bola.

Paglinang ng Kaalaman

Panuto: Basahin at unawain ang kwento sa baba.


Sagutan ang mga tanong at isulat ito sa patlang.
Si Colet Maliit
Sinulat ni Christlejess DC. Legaspi

Sa loob ng isang klasrum may isang batang babae


na mahiyain at walang imik lamang sa gilid.

“Colet Maliit” ang tawag sa kanya ng lalaking


kaklase.

Kapag siya’y tinatanong ng


kanyang guro, sumasagot siya ng
nakatindig ngunit hindi siya makita ng iba nitong kamag –
aral. Kaya madalas ay tahimik at nakaupo lamang siya sa
isang gilid.

“Colet, halika! magpalista tayo doon, may pacontest sa


pagpinta, sali tayo. ” wika ni Lea.

2
“Sige, pero natatakot ako.” sagot ni Colet.

“Huwag kang matakot, subukan mo lang” muling


sabi ni Lea.

Pagdating sa bahay nila ay


agad nag – ensayo si Colet sa
pagpinta. Masaya siya sa kanyang
ginagawa dahil magaganda ang
kanyang naipinta.

Sa araw ng paligsahan, “Naku, ang dami


palang kasali.” wika ni Lea , habang si Colet
naman ay tumango lamang na mukhang
kinakabahan. Matapos ang isang oras,

“Nakapaganda ng gawa na ito.”


wika ng unang hurado.

“Kakaiba nga ang mensahe ng


kanyang ginawa.” dagdag pa ng
ikalawang hurado.

Dumating ang sandali at


tinawag na ang mga nanalo sa
ikatlo at ikalawang pwesto.
3

3
“Ang unang pwesto ay iginuhit ni Colet Legaspi ng
Ikalawang baytang.”

Napalundag sa tuwa at niyakap siya ng kanyang


mga kaklase at guro na hindi makapaniwala sa kanyang
angking galing sa pagpinta.

Tuwang - tuwa si Colet sa kanyang narinig at simula


noon ay hinahangaan na siya ng iba at dumami pa ang
kanyang mga kaibigan. Hindi na din siya tinutukso at
naging masaya na siyang kalaro na kasama ang
kanyang mga kaklase.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


_______________________________________________________
2. Bakit tinutukso si Colet ng kanyang mga kaklase?
_______________________________________________________
3. Ano ang ginagawa ni Colet kapag siya ay tinutukso?
_______________________________________________________
4. Ano ang lihim na talento ni Colet?
_______________________________________________________
5.Ano ang gagawin mo kung ikaw ay katulad ni Colet?
Ipapakita mo ba ang iyong galing sa pagpinta o hindi?
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4
Pagpapalalim

✓ Ang pambubully sa kapwa ay


hindi magandang gawain o pag-
uugali, dapat itong iwasan.

✓ Walang magandang naibibigay


ang pangbubully sa iba. Kailangan
nating igalang, mahalin at tanggapin
ang ating kapwa kahit ano pa man
ang kanyang itsura o katayuan sa buhay.

✓ Huwag tayong matakot sa mga taong nangbubully


bagkos tayoy maging matapang at harapin sila.

✓ Maari tayong humingi nang tulong


sa ating guro at magulang para tayo
ay masakluluhan kung tayo’y
binubully.

✓ Huwag tayong mangbully sa


ating kapwa sapagkat pwede rin ito
mangyari o gawin sa atin ng ibang
tao.

5
Pagsasapuso
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap sa ibaba. Lagyan ng ang linya kung
tamang pag- uugali ang ipinapakita nito at X kung
ito’y hindi magandang pag- uugali.

____________1. Ipinagtatanggol ni Anna ang kanyang


sarili kapag binubully siya ng ibang bata.

____________2. Iginagalang ni Berto ang kanyang kaklase


kahit na ito’y maitim at maliit.

____________3. Pinagtatawanan ni Oscar si Pinkay kasi


ito’y mataba at mabagal kumilos.

____________4. Sinusuntok ni Albert si Roy kapag ito’y


nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

____________5. Mabait at mahal ni Totoy ang kanyang


kaklaseng si Rolly kahit na ito’y mahirap at
payat.

6
Sa wakas, kaya mo nang
harapin ang takot laban sa
pangbubully! Halika samahan
mo akong muli nang mas
mapalalim pa natin ang iyong
natutuhan.

B. Panuto: Tingnan ang larawan at sagutan ang mga


tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ano ang gagawin mo


kung ikaw ang lalaking
pinagtatawanan sa
larawan?
___________________________
___________________________
___________________________

2. Kung ikaw ang batang


lalaking nakaberdeng
damit, gagawin mo rin
ba ito sa iba? Bakit?
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
7
3. Sa iyong palagay, dapat bang iwasan at tuksuhin ang
batang lalaki sa gitna kahit na ito’y maitim at kulot?
Bakit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Ano ang gagawin mo para harapin ang takot mo sa


pangbubully ng iba?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

8
Pagsasabuhay

Panuto: Bilang isang mag-aaral, basahin ng may galak


at malakas ang iyong pangako sa iyong sarili at sa ibang
tao. Isulat ang iyong pangalan sa linya.

Ang Aking Pangako

Ako si ___________________________,
Nangangako na hindi ako manunukso o
mangbubully.
Lalong-lalo na kung ito ay makakasakit
sa aking kapwa.
Ipagtatanggol ko ang aking kapwa sa
mga taong mangbubully sa kanya.
At magigi akong matapang na
harapin ang aking takot para hindi ako
mabully ng iba.
Gagawa ako ng mabuti sa aking
kapwa.

________________________
Lagda at Petsa

9
Pagtataya

Panuto: Lagyan ng kung ang ginagawa sa kapwa


ay tama at X kung hindi.

___________1. Iniiwasan ni Sonia ang mga nanunukso sa


kaniya.

___________2. Ipinagtatanggol ni Lorna ang kanyang


kaibigan kapag ito’y binubully.

___________3. Pinaglalaruan at tinatago ni Mico ang mga


gamit ni Cora.

___________4. Ipinapakita ni Edgar ang kanyang talento


sa pag - awit kaya marami siyang kaibigan
kahit siya ay maliit.

___________5. Sinisigawan ni Tanya ang kanyang mga


kaibigan kasi magaling siyang sumayaw.

10
s Kasunduan

Magsulat ng dalawang paraan upang ipakita ang iyong


kakayahan para labanan ang iyong takot kapag may
nambubully. Isulat ang iyong sagot sa kahon sa ibaba.

Masaya ako at napagtagumpayan mo


ang mga pagsasanay at pagsusulit.
Ang husay mo kid!

11
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya: B.
1. MALI Maaaring iba—iba ang
2. MALI sagot ng mag –aaral ayon sa
kanilang karanasan.
3. TAMA
4. MALI
Pagsasabuhay:
Maaaring iba—iba ang
Paglinang ng Kaalaman:
sagot ng mag –aaral.
1. Colet
Pagtataya:
2. Kasi siya ay maliit.
3. Tahimik at naka –upo sa 1. X
gilid.
2.
4. Pagpipinta
5. Magkakaiba ang sagot 3. X

4.
Pagsasapuso:
A 5. X
1.

2.

3. X

4. X
5.

12
Sanggunian

Two boys bullied girl clipart. Retrieved on May 29, 2020 from
https://www.123rf.com/photo_73039732_stock-vector-two-boys-
bullying-a-girl-part-of-bad-kids-behavior-and-bullies-series-of-
vector-illustrations-.html

Children wlaking clipart. Retrieved on May 29, 2020 from


https://www.pinterest.ph/pin/544865254915769985/

Boy and girl clipart. Retrieved on May 29, 2020 from


https://www.vecteezy.com/vector-art/298959-philippines-boy-
and-girl-greeting
Boy bullied clipart. Retrieved on May 29, 2020 from http://clipart-
library.com/bullying-cartoon-pictures.html

Boy bullied clipart. Retrieved on May 29, 2020 from


https://www.dreamstime.com/stock-illustration-naughty-kids-
bullying-weak-vector-illustraton-image98740890
Children walking clipart. Retrieved on May 29, 2020 from
https://www.pinterest.ph/pin/104356916338482710/
Children bullying clipart. Retrieved on May 29, 2020 from
https://www.freepik.com/free-photo/spanish-let-s-say-no-bullying-
slogan_2544298.htm
Happy boy clipart. Retrieved on May 29, 2020 from
https://www.pinterest.ph/pin/599330662886187877/
Teacher image . Retrieved on May 29, 2020 from
https://www.google.com/imgres?imgurl=https://lookaside.fbsbx.com/lookaside/cra
wler/media/?media_id%3D1244806998888276&imgrefurl=https://www.facebook.co
m/909006545801658/photos/d41d8cd9/1244806998888276/&tbnid=_r-
YkrrsvFVhlM&vet=1&docid=crM6G30CbGJYyM&w=441&h=441&q=filipino+teacher+
clipart&source=sh/x/im

13
For inquiries or comments, please contact:

You might also like