You are on page 1of 13

4

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2 – Module 6
Mga Biro Ko, Iingatan Ko

Self-Learning Module
PAUNANG SALITA

Itong SLK ay inihanda para sa mga mag-aaral sa


Ikaapat na Baitang na kagaya mo nag-aaral sa Edukasyon
sa Pagpapakatao. Layunin nito na mapatnubayan ka sa
pagbibigay ng desisyon at magsagawa ng mga hakbang
para sa kabutihan ng iyong pamilya, kapitbahay at kapwa
taong naninirahan sa paligid. Lahat ng mga gawain dito ay
iniangkop sa iyong edad, hilig at kakayahan na naaayon sa
pangangailangan lalo na nitong panahon ng paghihirap.
Ang kagamitang ito ay nahahati sa tatlong bahagi para
sa isang linggong pag-aaral.

A. Anong nangyari? Sa bahaging ito , kayo ay sasagot sa


mga gawaing naghahanda sa iyo para magkaroon ka
ng kaalaman sa bagong aralin.
B. Ano ang dapat kong malaman? Sa bahaging ito ay
malalaman mo ang Konsepto sa Kompetensi na iyong
pag-aralan.
C. Ano ang aking natutunan? Sa bahaging ito masusukat
ang iyong kaalaman ukol sa pagkakaroon ng sensitibong
damdamin sa pagbibiro ng kapwa.
D. Paano gagamitin ang modyul?
Narito ang iyong gagawin:
1. Basahing mabuti ang modyul upang makasagot ka
sa mga tanong.
2. Kapag nahihirapan kayo sa ilang salita, magtanong
sa iyong ina, ama,ate, kuya o sa ilang kasapi ng
iyong pamilya.
3. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong mga
sagot .

Dito sa modyul kayo’y matutulungan sa :

❖ Pagiging mahinahon sa mga salitang ginagamit sa


pagbibiro
❖ Pagkakaroon ng sensitibong damdamin sa pagbibiro
ng kapwa.
Kompetensi sa Pagkakatuto:

➢ Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin


at kilos ng kapwa tulad ng:

1.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at


pagtutuwid nang bukal sa loob

1.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang


maluwag sa kalooban
1.3. pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng
damdamin sa pagbibiro

A. Anong Nangyari?

Basahin:

Nakatutuwang isipin na nakapagpapasaya tayo ng


damdamin ng ating kapuwa sa oras ng kalungkutan at
pag-iisa sa pamamagitan ng ating mga biro. Subalit ang
nagbibiro ay dapat pumili ng mga salitang hindi
makakasakit ng damdamin.

Narasan mo na bang mabiro ng iba at nasaktan sa


kanyang biro?
Ibahagi ang sagot sa loob ng kahon.
B.Ano ang Dapat Kong
Malaman?

BASAHIN MO ANG SUMUSUNOD

Eric , nakakita ka na ba
Naku , Anton
ng isang batang isinilang
nakakasakit ng
sa madilim na lugar?
damdamin ang biro mo.
Ayan o, si Cecille,
Ayan tuloy parang
napakaitim niya, hahaha!
nagalit si Cecille . . ,

Oo nga, Anton, tama


si Eric. Huwag kang
magbibiro ng
nakakasakit sa
damdamin ng
kapwa . . . Ikaw naman,
Anton, ganito
naman talaga ako
mula sa pagsilang
dahil maitim ang
tatay ko . . .
Sagutin ang mga tanong :

1.Anong klaseng biro ang sinabi ni Anton kay Cecille?


____________________________________________________

2.Kung kayo si Cecile na biniro ni Anton, ano ang gagawin


mo?____________________________________________________

C. Ano ang Aking


Natutuhan?

GAWAIN 1

Panuto: Isulat sa loob ng speech balloon ang mga


halimbawa ng nakakasakit na biro ng tatlong magkaibigan.
GAWAIN 2.

Basahin ang sitwasyon at magpasya kung ano ang


nararapat gawin.

1.Nakita mong biniro ng iyong kaklase ang kaibigan mo.


Halos maiyak na siya dahil nasasaktan siya sa biro ng
iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?

2.Nag-eensayo ka sa pagkanta dahil balak mong sumali sa


patimpalak sa susunod na buwan. Biglang narinig mong
sumigaw ang kapitbahay mo at nagsasabing hindi mo
raw naaabot ang mataas na tono. Parang boses ka raw
ng isang palaka. Ano ang gagawin mo?

GAWAIN 3:

Gawin ito :

Iguhit ang kung ito’y birong nakakasakit ng

kapwa at Kung hindi.

________ 1. Naku, para kang pagong kung kumilos!

________ 2. Para kang ilaw sa aking buhay.

________ 3. Buwaya ka ba? Ang lalaki kasi ng mga ngipin


mo!

________ 4. Ang ingay mo kung magsalita. Para kang boses


ng palaka.

________ 5. Alam mo para kang si Snow White dahil


napakaputi ng balat mo.
GAWIN 4:

Bilugan mo ang dayalogong nagsasabi ng mabuting


pagbibiro at lagyan ng ekis (X) kung hindi.

Ay naku, Bosyo! Hoy, Bosyo! Ang


Mga kapitbahay! dumi pa ng mga
Ang ingay mo
Mainit ang sikat ng nilabhan mo
diyan para kang
araw ngayon; parang mga
aso kung
matutuyo agad ang basahan . . .
magsalita . . .
mga sinampay ko pati hahaha!
hahaha!
ang pawis ko sa
katawan . . . hahaha!

Kuya Bosyo, tulungan na


nga kita sa
pagsasampay, para ka
kasing naglalaro diyan . .
. hahaha!

Gawain 5:

Isulat sa loob ng speech balloon ang halimbawa ng mga


birong hindi nakakasakit sa kapwa.
Hindi masama ang
pagbibiro dahil ito ay
nagpapasaya sa
damdamin ng kapwa,
subalit maingat nating
pipiliin ang mga
birong hindi
nakakasakit sa
damdamin ng iba.

PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN:

A. Isulat sa linya ang T kung tama ang iyong ginawa at


M kung hindi.

________1. Lahat ng mga biro ay nakakasakit ng


damdamin.

________2. May mga birong nagpapasaya ng mga tao.


________3. Minsan ang pagbibiro ay isang pagbubully ng
kapwa.

________4. Gayahin ang lahat ng birong napanood natin sa


telebisyon.
________5. Pipiliin natin ang tamang salita na gagamitin sa
pagbibiro.
B. Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa
palagay mo ay hindi nakakasakit ang biro at malungkot na
mukha naman kung sa tingin mo nkakasakit ang biro.

_________1. Ang ganda ng damit mo, para kang isang


princesa sa kaharian.
_________2. Joey, para kang kanal, dahil ang baho ng
hininga mo.
_________3. Ang lakas mo namang kumain, para kang
baboy.
_________4. Para kang bulaklak sa ganda ngayon umaga.
_________5. Maputi pa ang uling sa kulay mo Johnie.
_________7. Ang tahimik mo sa klase, para kang patay.
_________8. Para kang si Albert Ienstien sa talino Fred.

NOTE: (Some images if not all are taken in Google for the benefit of
clarity/emphasis of the content of this module.)
ACKNOWLEDGEMENT

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed. D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELLA B. SUSVILLA Ph. D.


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed. D.


Chief, Curriculum Implementation Division

MA. ISMAELITA N. DESABILLE, Ed. D.


Education Program Supervisor (LRMDS)

MILA C. GAITAN, Ed. D. & MARIA DELIA MINOZA, Ed. D.


PSDS/EsP Coordinator

CRISANTO S. TORREGOSA – T1
Illustrator/ Layout Artist

ANDRESA L. GERAGO - MT1


Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION – REGIONAL OFFICE VII

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed. D., CESO V


Director III
OIC - Regional Director

MARIA JESUSA C. DESPOJO, Ed. D.


Chief, Regional Curriculum Implementation Division

MAURIETTA F. PONCE
LRMDS, Regional Program Supervisor

JUDITH B. ABELLANEDA, Ed. D.


Regional EsP Program Supervisor
SYNOPSIS

Itong SLK ay nagpapaliwanag ukol sa pagiging


mahinahon sa pagbibiro sa kapwa.. May iba’t-ibang
gawain ang nakapaloob nito upang mas lalong
maintindihan at mapalawak ang kaisipan ukol sa
paksang pag-aralan.

Inaasahang pagkatapos mong mabasa at


masagutan itong SLK ay maipakita mo ang iyong
kaalaman ukol sa pagpili ng mga salitang angkop sa
pagbibiro ng kapwa na hindi nakakasakit ng damdamin.

REFERENCES

❖ Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang


Kagamitan sa Mag-aaral
Manwal ng Guro
Kagawaran ng Edukasyon
Binagong Edisyon 2017
(DepEd – BLR)
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mandaue City

Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014

Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337

E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph

Website: https://depedmandaue.net

You might also like