You are on page 1of 7

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO (DLL)

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2
MARKAHAN/ LINGGO IKALAWANG MARKAHAN BAITANG AT PANGKAT 2- MAGILAS
PETSA/ ORAS DEC.11-13,2023 GURO KAREN A. MATOTE
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging sensitibo sa damdamin at pangangailangan
ng iba, pagiging magalang sa kilos at pananalita at pagmamalasakit sa kapwa

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapaglalahad na ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagmamahal sa sarili
(Isulat ang code ng bawat EsP2P- IIf-11
kasanayan)
Modyul 6:Kabutihan sa Kapwa,
II. NILALAMAN Lagi Kong Ipakita

III. KAGAMITANG PANTURO


A. A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang ESP Quarter 2 Self – Learning Module 2
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa E-LIBRO
portal ng learning Resource
B. IBA PANG KAGAMITANG Powerpoint/ larawan
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
UNANG ARAW GUIDED CONCEPT EXPLORATION
DEC.11,2023
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Sa paanong paraan mo maibabahagi ang iyong mga gamit tulad ng pambura, lapis, notebook at papel at
at/o pagsisimula ng bagong talento o anumang bagay sa iyong kapwa?
aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Bilang isang bata, isa – isahin mo ang mga paraan kung paano ka makatutulong sa mga sumusunod
aralin na tao.
1. Batang lansangan
_________________________________________________
2. Lolo at Lola
________________________________________________
3. Mga may kapansanan
________________________________________________
4. Biktima ng kalamidad
________________________________________________
5. Kamag – aral na ulila
________________________________________________

A. Pag-uugnay ng mga Iguhit ang masayahing mukha  kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtulong sa kapwa at
halimbawa sa bagong aralin malungkot na mukha kung hindi.

1. Tinulungan ni Marl ang matanda sa pagtawid.


2. Nagbigay ng pagkain sa pulubi.
3. Binigyan mo ng tsinelas ang batang lansangan.
4. Pagtawanan ang batang may kapansanan.
5. Kaibiganin ang mga kaklaseng walang magulang.

IKALAWANG ARAW
EXPERIENTIAL AND INTERACTIVE ENGAGEMENT
DEC.12,2023
B. Pagtatalakay ng bagong Basahin ang kaisipan na nasa loob ng puso.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Makikita mo kung mahal mo ang
iyong sarili bilang tao kapag ipinaabot
mo rin ang pagmamahal na ito sa iba.
Halimbawa, kung mahal mo ang
iyong kapwa, mag-aabot ka ng
kaunting tulong kung sila ay
nangangailangan, ang iyong mga
sasabihin ay may respeto, ang mga
kilos mo sa iyong kapwa ay maayos at tama.
Marami pang paraan kung saan maari mong ipakita
ang iyong pagmamahal sa ibang tao sapagkat mahal mo
ang iyong sarili.
E. Pagtatalakay ng bagong Basahin ang tula sa ibaba nang madagdagan pa ang kaalaman sa pagmamahal sa sarili at kapwa.
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2

Sagutan ang mga tanong.


1. Anong mabuting ugali ng isang bata ang tinalakay sa tula?
2. Sino – sino ang dapat tinutulungan ayon sa tula?
3. Paano ninyo matutulungan ang mga sumusunod:
a. Kamag – aral
b. Matatanda
c. Pulubi at may kapansanan

F. Paglilinang sa kabihasaan Unang Gawain :


(Tungo sa Formative Assessment) Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng mga pagtulong o paggawa ng mabuti sa
kapwa. Kulayan ang kahon na may bilang.

Ikalawang Gawain:
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng paggawa ng
mabuti sa kapwa.

Ikatlong Gawain:
Alin ang hindi nagpapakita ng pagmamahal sa sarili at kapuwa. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
G. Paglalapat ng aralin sa Lagyan ng tsek (/), bago ang bilang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.
pang-araw-araw na buhay Kung hindi, lagyan ng ekis (X).
1. Ang pamilya San Andres ay nagbigay ng mga damit sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
2. Walang lapis ang katabi ni Jake. Nanghihiram ito sa kanya ngunit ayaw niya itong pahiramin.
3. Nadapa si Lucas dahil tumatakbo siya. Pinagtawanan pa siya ng ibang mga batang nakakita sa
kanya.
4. Inakay ni Loida ang batang patawid sa kabilang panig ng kalsada. Nagpasalamat ito sa kanya.
5. Walang maibibigay na donasyon ang pamilya Santos sa mga biktima ng baha. Pumunta na
lamang sila sa barangay upang tumulong sa pagrerepak ng mga relief goods.

H. Paglalahat ng aralin Ngayong alam mo na kung paano gumawa ng mabuti sa kapwa, sa iyong kakayahan, paano mo
ito maisasagawa? Maglista ng limang pagkakataon kung saan pwede kang gumawa ng mabuti.

1.______________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________

IKATLONG ARAW LEARNER - GENERATED OUTPUT


DEC.13,2023
I. Pagtataya SUMMATIVE TEST
A.Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Kulayan ng pula ang kahon kung nagpapakita ng
pagtulong sa kapwa at asul kung hindi.

1.Nawawala ang perang baon ni Pete. Hinanap nila ng kanyang kaklaseng si Lucas ang pera.

2. May sakit si Jane kaya hindi ito nakapasok. Pinuntahan siya ng kaklaseng si Arlene upang
ibigay ang kanilang takdang – aralin.
3. Nakalimutan ni Andrea ang kanyang gagamiting colored paper para sa proyekto. Binigyan siya
ng katabing si Allan.
4. Hindi makapagsulat si Joy dahil nakalimutan niya ang kanyang lapis. Imbis na pahiramin,
itinago pa ni Betty ang kanyang bagong lapis.
5. Mabigat ang bag ni Jose. Nasa ikalawang palapag ang kanyang silid – aralan. Binuhat ng mga
kabscout ang kanyang bag.

B. Basahin ang mga sumusunod na mga sitwasyon at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Binilhan si TJ ng kanyang magulang ng mga bagong krayola, pangpinta, at iba pang pangkulay.
Nakita ito ng kanyang mga kamag – aral at siya naman niyang ipinahiram. Ano ang kanyang
ibinabahagi?

A. Gamit B. Kakayahan C. Talento D. Wala

2. Palihim na kinakain ni Ara ang biniling biskwit na para sana sa kanila ng kanyang kambal na sa
Arjo.
Naubos niya ito at wala nang natira para kay Arjo. Ano ang ibinahagi ni Ara kay Arjo?

A. Gamit B. Kakayahan C. Talento D. Wala

3. Nagpakitang-gilas si Cris sa kanyang Tiktok. Ipinapakita niya ang galing niyang umarte sa kanyang
mga manonood sa pamamagitan ng maiiksing bidyo. Ano ang ibinabahagi ni Cris sa mga tao?

A. Gamit B. Kakayahan C. Talento D. Wala

4. Kailangan ng mga boluntaryo para sa paghahanda ng mga donasyon para sa mga tinamaan
ng bagyong Rolly. Ligtas sila Jean at kanyang pamilya kaya naisipan nilang tumulong, Ano ang kanilang
ibinahagi?
A. Gamit B. Kakayahan C. Talento D. Wala

5. Ayaw tumulong ni Mel sa pagpapaganda ng kanilang silid – aralan. Ano ang ibinabahaging mabuti ni
Mel?
A. Gamit B. Kakayahan C. Talento D. Wala

J. Karagdagang Gawain para


sa takdang-aralin o Lagyan ng puso kung ang pahayag ay nagpapakita ng mabuting maidudulot ng pagiging matulungin.
remediation
_____ 1. Pagkakaroon ng maraming kaibigan.
_____ 2. Magagalit ang ibang tao.
_____ 3. Pasasalamatan ng mga taong natulungan.
_____ 4. Makakaimpluwensya sa ibang tao na maging
matulungin din.
_____ 5. Makakapagpasaya ng isang taong
nangangailangan.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag aaral na nakakuha ng ____ mag-aaral ay nakakuha ng 80% sa pagtataya.
80% sa Pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na ____ mag-aaral ay nangangailangan ng iba pang mga Gawain para sa remediation.
nangangailangan ng iba pang mga Gawain para
sa remediation
C. Nakatutulong ba ang remedial? Bilang nga Nakatulong/ Hindi nakatulong ang remediation. ____ mag-aaral ay nakaunawa ng aralin.
mga mag aaral ng nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy ____ mag-aaral ay magpapatuloy sa remediation.
sa remediation
E.Which of my teaching strategies worked
well? Why did this work?
F.Alin sa mga stratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
G.What innovation or localized materials did I
use/discover which I wish to share with other
teachers?

Checked by:
MONA P. DELA CRUZ
Master Teacher
NOTED BY:
SHERLY ANN D. HERNANDEZ
School Principal

You might also like