You are on page 1of 3

Soong National High School

Soong Digos City


Banghay Aralin sa Filipino 9

Layunin: Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat sa pagkasunod- sunod ng pangyayari sa pagkabuo ng kwento.

Paksa: Mga pang-ugnay ( pangatnig)


Kagamitan: Laptop, bond paper, pisara at monitor
Sanggunian: internet, aklat at LMs

Pamamaraan:

A. Panimula
a. Panalangin
b. Pagbibigay ng panuntunan
B. Balik- Aral
1. ipresenta ng piling pangkat ang kanilang gawa
2. Anong anyo ng panitikan ang natalakay na kwento?
C. Pagganyak:
* Ipababasa ng mga mag-aaral ang sipi ng kwento na ginamitan ng mga pang-ugnay.

D. Paglalahad ng Layunin;
* Matapos mapabasa at masuri ang mga pang-ugnay, ipresenta ng guro ang layunin na dapat matamo ng mga
mag-aaral.

E. Paglalahad ng Aralin: ( Pangatnig)


Tatalakayin ng guro ang mga pang-ugnay sa Filipino. ( Pangatnig, Pang-angkop, pang-ukol)
Bibigyang Kahulugan ang pangatnig at mga halimbawa nito.
Gabayan ng mga katanungan.

F. Malayang talakayan
Gawain 1: Huhugot tayo
• Panuto: Gamitin ang mga pangatnig sa pagbuo ng hugot line.
• Kung maaari, pipili ng mag-aaral para aktwal na ipakita ang kanyang gawa gamit ang laptop.
• Tatanungin din ang mga mag-aaral kung may pang-ugnay ba na salita ang kanilang tribo. Hihikayatin din na
bubuo ng pangungusap sa kanilang sariling wika na ginamitan ng pang-ugnay.
• Isasalin ng ibang kaklase para maunawaan ng hindi tribu.

• Gawain 2: Unahan tayo!


Panuto: Ibigay ang pinakaangkop na pangatnig sa pangungusap.
• 1. Mahal ka niya______di niya gaanong maipakita ito. ( Subalit)
• 2. Natakot ang bata kay aling Marta_____tumakbo ito____nasagasaan. ( Kaya, at)
• 3. _______ pangyayaring iyon, nahimatay si aling Marta pag-akyat sa hagdan. ( Dahil sa)
• 4. Nagtaka ang anak at asawa ni Aling Marta ______saan ito kumuha ng pera.( Kung)
• 5. Matinding pagkakamali ang nagawa ni Aling Marta sa bata__________kailangan niya humingi ng patawad sa
pamilya ng nito. ( Kung gayon)
Paglalahat: ( Gagabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga katanungan)
1. Ano ang tawag sa mga salitang ginamit para pagdugtungin ang dalawang salita o sugnay?
2. Bakit Mahalaga ang pang-ugnay sa pagbuo ng pangungusap?
Paglalapat: Pangkatan
• Gawain 3: Makakaya mo kaya?
• Panuto:
• Basahin ang kwento at Ibigay ang pinakaangkop na pang-ugnay para mabuo ang pagkasunod-sunod na
pangyayari nito.

 Sipi mula sa maikling kwento na “ Walang panginoon” ni Deogracias A. Rosario.

Ebalwasyon:

• Panuto: Punan ang kahon ng pinakaangkop na pang-ugnay para mabuo ang pangungusap.

• Pagpipilian: (Kaya, saka, dahil sa, at, subalit, ngunit,pero)


1. ____________itsura at pisikal na anyo ng isang tao, mapagkamalan natin itong masama.

2. Ang panghuhusga ay isang kasalanan. ________nararapat na magabayan nang tama ang mga kabataan.

3. Gusto kong kumain ng masarap na pagkain_______wala akong sapat na pera para makabili nito.

4. Dinala ako ng aking ama____ina sa parke kahapon.

5. Siya ay matalino sa klase_________matulungin.

Takdang Gawain: ( Kasunduan)

Panuto: Alamin ang kaibahan ng Pang-angkop at Pang-ukol bilang mga pang-ugnay.

Isulat sa kwaderno.

Inihanda ni:

G. VELJUN M. CUIZON

guro

Sinuri ni:

G. JULIUS CASTANARES

Punong guro

You might also like