You are on page 1of 20

Elemento ng Tula

1. Saknong- tawag sa mga


pinagsamang taludtud ng tula.
Halimbawa
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
2. Taludtud-
Tawag sa mga linya ng
tula.
Halimbawa:

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman.


Sukat:
Tawag sa bilang ng pantig
sa bawat taludtud.
Halimbawa:
Iniibigkita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
12 na pantig
Tugma:
Ang tawag sa
magkaparehong pantig sa
hulihan ng bawat taludtud.
Halimbawa:
taimtim,
kahambing,
Marating
maubos-isipin.
Kariktan:

Tawag sa mga piling salita


ng tula para lalong gumanda
pakinggan ang tula.
Halimbawa:
mahirap=
Dukha
Buhay- alamang
Nagdildil ng asin
Maralita or dalita
Hindi nagsasabi ng totoo

Nagkunwari
Nagbabalatkayo
Simbolismo:

Tawag sa mga salita o


bagay na ginamit sa tula
na may kaakibat na
kahulugan.
Halimbawa:
Puti=
Puro o dalisay
Itim=
Masama
“ang buhay ng tao’y parang guryon o
saranggola”“

Saranggola= tao
Kase tulad ng tao minsan
maganda na ang buhay pero
bigla itong bumabagsak.
Talinghaga:
Tawag sa mga salita ng tula
na nagtataglay ng malalim na
kahulugan.
Halimbawa:
Pag-ibiganaki’y aking nakilala
Di dapat palakihin ang bata sa saya
 Sa katuwaa’y kapagka namihasa
Kung lumaki walang hihinting ginhawa
Paliwanag:
May dalawang uri ng pagmamahal ang mga
magulang:
1.Ang pinalaki ang anak na ibinigay ang lahat o
gusto nito, kaya lumaki itong hindi nakararanas ng
hirap.
Kaya isang araw may hinihingi ang anak pero
hindi na kaya ibigay ng magulang dahil mahina na
ito gumawa ang anak ng masama para makuha ang
kanyang gusto.
2. Ang pagpapalaki sa anak na
pinupuna, tinutuwid o pinapalo
ang anak kung nakagawa ito ng
mali. Hindi sinanay sa
karangyaan kahit kayang ibigay
ng magulang.
Paliwanag:
Ang isang bata na sinanay sa hirap
o hindi ibinigay ang mga luho nito,
Sa paglaki nito ay kaya niyang
labanan kahit anong hirap dahil
sanay na siya sa ganitong buhay.
May dalawang uri ng tula
Una: tradisyunal
Ikalawa: Malaya o free verse

You might also like