You are on page 1of 4

Unang pangkat-

Tagpuan- Sa PaaralanAng uri ng paglalarawan ng tagpuan ay


pahiwatig sapagkat hindi direktangsinabi sa akda na sa ganitong
lugar ginanap ang istorya.
Tunggalian- Tao Vs. sarili s ap a g k a t s i F e l a n g n a m a n
m i s m o a n g n a g t a k d a s a kanyang sarili na alamin kung ano ang
suliranin ni
mabuti. Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa kabila ng mga probl
ema ni mabuti ay nagging positibo pa rin ang pananaw niya sa buh
ay at ang tanging makapagsasabi lang sa ating sarilikung kaya pa
natin ay tayo rin mismo.
Panimula- Ang paglalarawan ng tagapagsalaysay sa kasalukuyang
kalagayan o ang kasalukuyang kinaroonan ni Mabuti, ang kanyang
dating guro.
Saglit na kasiglahan- Sa pagkwe-kwento ni Mabuti tungkol sa
kanyang anak ang kaarawan nito ang kasuotang meron ito, at ang
pangarap ni Mabuti sa kanyang anak
Suliranin-    Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay
umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan dahil sa isang maliit na
problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at
pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si
Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang
dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya
nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng
matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit
ikinukubli ng guro.
Kasukdulan-  Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang
anak mag-aaral na sa susunod na pasukan. Nasambit niya na nais
niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting
manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng
dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”.
Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting
tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng
kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay
nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang
itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-
tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang
matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.
Kakalasan-   Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay
Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi sa
tinitirhan ni Mabuti.
Wakas- Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging
malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin
nito. Ang pagkakatuklas sa katotohan sa buhay ng kanyang gurong
si Mabuti.
Ikalawang pangkat
Katauhan- Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang
malakas na tao. hindi ipinapakita ni mabuti sa iba ang kanyang
kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa kanya ng iba o ng
kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. sa
panahon ngayon, napakaramin problema ang kinahaharap nating
mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang mga mahihina ay
malulungkot at mawawalan ng pag-asa. ang iba nga ay
nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si
mabuti na malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga
problema nya sa buhay. hindi siya pinanghinaan ng loob. bagkus
patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang
mangarap ng mataas para sa kanyang anak. maiintindihan natin
sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga problema sa
ating buhay. tignan natin ang mundo bilang isang paraiso na puno
ng kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao ang
kalungkutan at sa pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit
natin ang kaligayahan na matagal na nating inaasam.
Kilos-  kakikitaan ng isang matatag at matapang na kilos si Mabuti
upang harapin ang pagsubok ng buhay. Ang maging matatag at
matapang sa pagharap sa anumang pagsubok ng buhay
nakakaharapin”. 
Paniniwala- ang paniniwala ni Mabuti ay kahit ano mang mangyari
sa buhay ng isang tao huwag kang susuko kahit sa kabila nang
hirap at suliranin na kinakaharap magpatuloy lamang at huwag
kalilimutan sa lahat ng oras ay maging mabuti sa parin sa mg
taong nakapaligid sa iyo. At ang paniniwala rin ni Mabuti na mag
bigay inspirasyon sa sangkatauhan upang ipagpatuloy ang buhay
sa kabila ng hirap at problemang dinadanas.
Gawi- ang naging gawi ni mabuti sa kwento ay ang ipagpatuloy ang
buhay, maging matapang at matatag kahit problema’y sunod sunod
na. Sabi nga nila, sa bawat buhos ng ulan, pagtapos nito’y may
bahagharing iilaw at magpaparamdam na pag asa’y nariyan. Ang
gawaing ito ni Mabuti sa kwento ay nakakaapekto sa asal o pag
aasal ng tao sa pamamagitan ng hindi basta basta sumuko sa
anumang laban sa buhay man o sa sariling katauhan.

You might also like