You are on page 1of 1

Maling Gabay Laban sa Tunay na Tagumpay

May mga ibat-ibang klase ng patimpalak sa larangan ng sining na siyang nagiging rason ng mga
mag-aaral upang maipamalas ang kanilang mga natatanging galing at kahusayan. Mayroon tayong gabay
o “guidelines” kung tawagin upang matiyak na patas at makatarungan ang bawat patimpalak.
Gayunpaman, sa maraming pagkakataon, nakikita natin ang maling pagbibigay ng guidelines na
nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay at hindi pagkakaunawaan ng mga kalahok. Nakikita natin ang
ilang mga kaso ng maling pagbibigay ng guidelines na nagiging dahilan ng pagkawala ng tiwala at
kawalan ng pagkilala sa tunay na kakayahan ng mga kalahok. Ang ganitong mga kaso ay maaring
humantong sa pagkawala ng kredibilidad ng patimpalak at kawalan ng oportunidad ng mga mag-aaral na
maipamalas ang kanilang kahusayan.

Ang Municipal and Culture Arts Month ay ginanap noong Pebrero 27, 2024 sa Amulung National
High School. Sa patimpalak na ito, mayroong mga kategorya tulad ng Retro-Hiphop dance, Folk Dance,
solo singing at Duet. Ang bawat kalahok ay nagpraktis nang maigi dala-dala ang karangalan ng kani-
kanilang mga paaralan. Hindi maikakaila na napakaraming mananayaw at mang-aawit sa ating bayan.
Malaking oportunidad para sa karamihan ang patimpalak na ito upang maipakita hindi lang sa bawat
Amulungueno, kundi pati na rin sa buong mundo. Nagsimula ang patimpalak nang wasto at payapa.
Pagdating ng announcement of winners, ang bawat kalahok ay nagulantang sa naging resulta ng
patimpalak.
Sa huli, masayang-masaya ang Amulung National Baculud Extension dahil sila ang nagwagi, at
ang Amulung National High School naman ang nakakuha ng ikalawang pwesto. Sa kabila ng magandang
pagpapakitang-gilas ng mga mag-aaral sa ANHS main, sila ay umuwing luhaan. Ayon kay Ma'am Jc-Jane
Paulasa, ang coach ng Retro-Hiphop, ang guidelines na naibigay sa mga hurado ay pawang retro lamang
at hindi ang retro-hiphop na alam nila.

Upang mapigilan ang ganitong mga isyu, mahalaga na magkaroon ng malinaw at tumpak namga
bagay sa bawat patimpalak. Dapat itong maging transparent at naglalaman ng mga kriterya na lubos na
nauunawaan ng lahat ng mga kalahok. Kailangan ding tiyakin na ang proseso

You might also like