You are on page 1of 1

"Journal sa Eco-dance”

Sa aming pagsasanay para sa eco-dance na may temang Demand, Suplay, at Ekwilibriyo


curve, talaga namang naramdaman namin ang samu't saring damdamin.Sa unang araw pa
lamang, nahirapan na kaming humanap ng musika na babagay patungkol sa Demand, Suplay, at
Ekwilibriyo. Ngunit lumipas ang mga ilang araw, at sa tulong ng gabay na video na isinend ng
aming guro, napagdesisyunan na rin namin ang musikang gagamitin para sa aming isasayaw.
Napagdesisyunan na rin naming mga lider na simulan na ang pag-eensayo habang maaga pa,
ngunit sa araw ng aming pagsasanay, maliit lamang ang pumunta sapagkat ang iba ay
nagdadalang-dahilan pa. Araw-araw naming ginagawa ang pag-eensayo noon, ngunit hindi higit
sa labing lima lamang ang nakakapunta. Tumagal ng ilang araw, at nagbalik na sa paaralan, at isa-
isang pinakinggan ng aming guro ang musika sa bawat pangkat. Napag-isipan namin na humingi
ng tulong sa kuya ng isa sa mga miyembro ng aming pangkat dahil may karanasan ito sa eco-
dance. Ngunit hindi rin nagtagal ang pagtuturo nito sa amin dahil sa maling akala, kaya't ipinaalis
namin ito sa takot na mabawasan kami ng isang daang puntos. Kahit wala na ang nag-ensayo sa
amin, patuloy pa rin kami sa pagsasanay dahil malapit na ang kompetisyon. Sobrang nahirapan
kami sa pagbuo ng mga hakbang sa aming sayaw. Tulong-tulong kami sa pag-iisip kung ano ang
kasunod nito. Bawat pag-eensayo namin, iilan lamang ang nakakapunta, na mas lalong
nagpapabigat sa problema namin, mga lider. May ilan rin na matigas ang ulo, at hirap maka-
intindi, pero kahit ganoon, minabuti pa rin namin tapusin ang pag-eensayo. Naranasan namin ang
hamon ng pagsasanay sa pagsasama-sama ng mga konsepto ng ekonomiks at sayaw. Bago ang
mismong pagtatanghal, nadama namin ang pangangamba kung paano maihahatid nang maayos
ang mga konsepto sa aming manonood. Ang kaba at excitement ay naglalaman ng mga tanong
kung paano mapapahayag ang mga komplikadong ideya sa isang makabuluhang paraan.
Pagkatapos ng aming eco-dance performance, ramdam namin ang isang kakaibang uri ng
tagumpay. Ang kasiyahan na ito ay nagmula sa tagumpay ng pagsasalaysay gamit ang sining.
Bagamat hindi namin nakuha ang titulo bilang kampeon, ang pagkapanalo ng unang pwesto ay
isang napakalaking karangalan na nagpapakita ng galing at dedikasyon ng buong grupo.

Natutunan kong ang sining ng eco-dance ay hindi lamang limitado sa pagsasayaw. Ito'y
maaari ring maging masusing daan para sa edukasyon sa ekonomiya. Ang pagsasanay ay
naghatid sa akin ng mas malalim na pang-unawa sa pangunahing konsepto ng demand, suplay, at
ekwilibriyo curve. Sa asignaturang ito, naging mas malinaw sa akin kung paano nagsanib ang
teorya at praktika ng ekonomiks, anuman ang antas ng kaalaman ng isang tao. Ito'y isang
makabuluhang pagkakataon na higit pang maunawaan ang ugnayan ng sining at agham sa
larangan ng ekonomiya.

Sa pagtatapos ng aming eco-dance, ang pagtingin ko sa sining at ekonomiya ay nag-iba.


Narealize ko ang kapangyarihan ng pagsasanib ng dalawa sa pagpapahayag ng mga
kumplikadong konsepto. Hindi lang ito tungkol sa pagsasayaw; ito'y tungkol sa pagbubukas ng
mga pintuan ng kaalaman sa mga hindi kapani-paniwala at masayang paraan. Ang eco-dance na
ito ay nagdala ng kasiyahan sa aming grupo, at higit sa lahat, ang mga reaksyon ng aming
audience ay isang patunay na ang sining ay may kakayahan na maging daan para sa mas malalim
na pang-unawa sa mga konsepto ng ekonomiya. Ang 200 puntos ay hindi lang isang marka, ito'y
isang pagkilala sa pagsusumikap at tagumpay ng aming grupo.

You might also like