You are on page 1of 6

“Masama at mabuting naidudulot ng Pagsasayaw sa mga tao”

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pag aral na ito ay nakatuon sa “masama at mabuting naidudulot ng pag sasayaw sa mga
tao”. Isinagawa ang pag aaral na ito upang madagdagan ang mga kaalaman ngmga tao tungkol sa
pagsasayaw. Maisasabuhay ang mga malalaman tungkol sa pananaliksik nito. Mas magkakaroon ng
mabuting pangangatawan ang bawat tao at magiging disiplinado sa sarili.

Sa mga mananayaw, mas magkakaroon sila ng disiplina sa pagsasayaw, mas mapapaunlad nila
ang tiwala sa sarili at lakas ng loob na humarap sa maraming tao habang nagsasayaw. Mas magigimg
masigla,magiging maganda ang pangangatawan at ang iba pang aspekto ng kalusugan.

Sa mga bumubuo ng sayaw, mas madadagdagan ang kaalaman nila sa pagtuturo ng sayaw. Mas
makakatulong sila sa mga mananayaw na mapaunlad ang kanilang kaalaman.

Sa pamamagitan ng pag aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na hindi ito magiging
sagabal sa mga mananayaw at sa mga bumubuo ng sayaw higit sa lahat hindi ito mag dudulot ng hindi
magandang epekto o maling kaisipan patungkol sa pag aaral. Sa pag aaral na ito ay malalaman kung ano
ano ang kahalagahan ng pag sasayaw at kung bakit kailangang maunawaan ang mga epekto ng pag
sasayaw sa bawat indibidwal o mananayaw na mahilig sumayaw.

SAKLAW AT DELEMITASYON

Ang pag aaral na ito ay nakapukos sa “masama at mabuting naidudulot ng pag sasayaw sa mga
tao,” kung ano ang benepisyong naidudulot nito at kung itpo bay nakatutulong sa ating pamumuhay, sa
ating mga estudyanteng mananayaw at sa ating kalusugan.

Ginawa ito na mayroong sampung napili upang sasagutan ang mga katanungan sa aming inihanda. Sila
ay ang mga instructor at propesyonal pagdating sa larangan ng pagsasayaw.
KONSEPTONG BALANGKAS

Epekto ng pagsasayaw

Positibo Negatibo
-magandang kalusugan -nakakabawas ng oras sa pamilya
-komunikasiyon sa iba -gabi na kung umuwi sa bahay
-tiwala sa sarili -mas nabibigyan ng oras ang pagsasayaw kaysa pag-
-lakas ng loob na harapin ang ibang tao aaral
-disiplina -nagkakaroon ng masamang impluwensiya sa
pagkatao

Napili ang paksang ito dahil nais makapagbigay ng kragdagang kaalamaan patungkol sa simpleng paksa at salitang
pagsasayaw. Una nais ipaalaam na ang pagsasayaw ay malaki ang kontribusyon sa pangangalaga at
pangangakatawan ng tao, kung bakit mahalagang magkaroon ng pisikal na ehersisyo sa katawan sa pamamagitan
ng pagsasayaw. Pangalawa nais ipahayag na ang pagsasayaw ay hindi lamang sa pagtatanghal o pagbibigay aliw
lamang, nbagkus para rin sa pagpapaganda ng emosyon ng tao nagiging daan din ito upang maihayag ang
damdmin ng tao. Pangatlo nais ipakita ng pananaliksik na ito ang mga maganda at hindi magandang naidudulot
ng hindi maayos na pagbabalanse ng pagsasayaw, pag-aaral at pamilya. Napili ang paksang ito upang maipakilala
ang mga magaganda at hindi mabuting epekto ng pagsasayaw sa pamumuhay ng tao.

DEPINASYON

Pananaliksik- Ginagawa ng mga mananaliksik upang madagdagan ang impormasyon sa ibat-ibang paksa.
Mananaliksik- ang gumagawa ng pananaliksik.
Entablado- ito ang lugar kung saan may tumatanghal.
Populasyon- bilang ng mga tao sa kumunidad o bansa.
Pagsasayaw- isang sining kung saan may mapapahayag ang damdamin.
Propesyonal-
METODOLOHIYA
1.1 Uri ng pananaliksik:

-Sa pag-aaral na ito dalawang uri ng pananaliksik ang ginamit, una ang basic research dahil
nakapagbibigay ito ng karagdagang kaalaman patungkol sa iba’t-ibang maidudulot ng pagsasayaw, na ito
ay hindi lamang umiikot sa pagiging libangan at itinatanghal sa entablado, ngunit ito din ay naglalaman
ng maraming magagandang dulot sa buhay ng tao, sa pamamagitan ng kalusugan, sa pagpapalakas sa
tiwala sa sarili, sa pamumuhay, at sa pakikipag-interaksyon sa lipunan. Pangalawang ginamit ang applied
research. Sapagkat ang pag-aaral na ito ay natutukoy dito ang karamihan ng populasyon na mahilig, o
mahilig sa pagsasayaw, natutukoy dito ang opinion na mga mananayaw at karamihan ng populasyon.

1.2 Lunan ng pag-aaral:

-Isinagawa ang pag-aaral na ito sa lungsod ng Puerto Princesa, Sentro ng Palawan. Kilala ang
lungsod na ito sa tawag na “The City of the living God” Ang lungsod na ito ay hitik sa mga mananayaw,
pinagpapala ng Diyos ang mga naninirahan dito sa sobrang husay sa larangan ngpagsayaw. Sa ginawang
pag-aaral, ang mga mananayaw ay nasa edad 20 pataas ang ginawang kalahok. Bago pa man isinagawa
ang pag-aaral ay humingi muna ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga mananayaw at sa mga
bumubuo ng sayaw. Ang liham ng paghingi ng pahintulot ay matatagpuan sa Apendiks A.

1.3 Mga kalahok:

-Ang mga kalahok na pinili ay mga mananayaw sa lungsod. Sila ay mga propesyunal at
marami nang karanasan pagdating sa larangan ng pagsasayaw.

1.4 Instrumentong pananaliksik

Upang malaman kung ano ang mabuti at magandang epekto ng pag sasayaw sa mga tao ay bumuo ang
mananaliksik ng mga katanungan na sasagutan ng mga propesyonal na mananayaw bago at pag katapos
ng diskosyon ukol sa mabuti at masamang epekto ng pagasasayaw sa mananayaw ng ating bayan.

Ang talatanungan ay binubuo ng labing limang tanong na sasagutan ng mga kalahok ayun lamang sa
kanilang opiniyon.

1.5 Mga teknik sa pagtuturo

-Susubukan ng mga mananaliksik ang pagiging matagumpay ng paglalahad ng kahalagahang


matutunan ang mabuti at masamang epekto ng pagsasayaw para sa mga piling estudyante at mananayaw
dito sa Palawan. Isa-isang ilalahad ng mga mananaliksik na pinagkatiwalaan ng husto ang pananaliksik
na ito.
KABANATA V

You might also like