You are on page 1of 27

UNANG ARAW

Ano ang masasabi ninyo sa larawan?


Saan ginagamit ang mga nasa
larawan?
May roon tayong iba’t ibang multi media
technology na maaring gamitin sa
pagpapamalas n gating talent. Nariyan ang
pag gamit ng ating mga cellphone at
laptop. Gamit ang mga kagamitang ito ay
maari tayong mag download at upload ng
video sa youtube at iba pang application
para mas mapahusay pa an gating
kakayahan at mas maipamalas pa ito at
maipakita sa ibang tao.
Panuto: Sa inyong sagutang papel, lagyan ng tsek (/) ang bawat bilang kung ang
gawain sa pangungusap ay nagpapamalas ng pagiging malikhain sa talent gamit
ang iba’t ibang multi media technology at (x) naman kung hindi
1. Pag gamit ng YouTube Channel sa pagpapakita ng binuong sayaw
para sa performance task sa PE
2. Hindi panonood ng mga videos na maaring pagkunan ng mga ideya
sa pag gawa ng proyekto
3. Pag gawa g poster gamit an application sa computer.
4. Lalahok sa paligsahan sa pag awit si Ramil gamit ang piyesang
kaniyang isinulat. Matapos niyang maivideo ay ipinadal niya ito sa
organizer ng patimpalak bilang kaniyang entry.
5. Pinanood ni Mia ang video ng modernong sayaw na kanilang
itatanghal sa online orientation. Mas natutuhan niya ang mga dance
steps dahil sa panonood ng video.
IKALAWANG ARAW
1.Balik – Aral
Ano ano ang iba’t – ibang
multi media technology na
maari mong magamit sa
pagpapamalas ng iyong
talento?
Mula sa pag ganyak ay magtatanong ang guro
sa mga bata
a.Nagustuhan ba ninyo ang sayaw?
b.Sa Anong paraan at madali ninyong nasabayan
ang sayaw?
c.Madali bang masaulo ang steps ng sayaw kung
ito ay napapanood ninyo ng paulit ulit? Bakit?
d.Makabubuo ba kayo ng sayaw gamit ang ibat
ibang multi media technology? Sa anong
paraan? Ipaliwanag ang inyong kasagutan
Panuto: Hahatiin ng guro ang mga
bata sa 4 na pangkat. Bawat
pangkat ay bubuo ng isang
maikling sayaw gamit ang iba’t –
ibang multi media technology.
Bibigyan sila ng 10 minuto para
makabuo ng sayaw.
Narito ang rubriks na gagamitin sa
pagmamarka
5 4 3 2
Nagamit ng buong husay ang multi
media technology para maipamalas
ang talent sa pag sayaw
Angkop ang steps at naimalas ang
pagiging malikhain sa binuong
sayaw
Sabay – sabay ang grupo sa
ginawang pag sayaw
May magandang pormasyon na
binuo habang nasayaw
IKATLONG ARAW
Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula
sa kwentong binasa
a.Ano – ano ang mga kakayahang ipinamalas ni
Malic sa kwento?
b.Bakit sa iyong palagay ay si Malic Malikhain ang
pamagat ng kwento?
c.Naipakita ba niya ang kanyang pagiging
malikhain sa patimpalak na kanyang sinalihan?
Ipaliwanag
d.Paano nakatulong ang multi media sa kanyang
pagsali sa patimpalak?
Ang mga bata ay sasagot ng buong husay
Ipasagot: Bilang isang batang
Pinoy, kaya mo rin bang gawin
ang ginawa ni Malic? Kaya mo
din bang maging malikhain sa
pagpapamalas ng iyong
natatanging kakayahan?
Ipaliwanag
Panuto: Hahatiin ng guro ang
mga bata sa apat na pangkat.
Bawat pangkat ay bubuo ng
isang maikling awitin sa angkop
sa temang “ Pagpasok sa
Paaralan”. Bibigyan sila ng guro
ng 10 minuto para makabuo.
Rubriks sa pagmamarka
5 4 3 2
Angkop sa tema ang lyrics ng
awit
Simple pero makahulugan ang
lyrics ng awit
Sabay sabay at may malakas
na boses ang grupo
IKAAPAT NA ARAW
Hatiin ang klase sa apat (4) na pangkat.
Magbibigay ang guro ng iba’t ibang uri
ng hugis katulad ng BILOG, TATSULOK,
PARISUKAT, AT PARIHABA.
Magkakaroon ng palabunutan ang
bawat pangkat sa gawaing isasagawa.
Gamit ang iba’t ibang uri ng hugis,
bumuo ng likhang-sining na
magpapakita ng inyong pagiging
malikhain.
Magbigay ng paraan kung paano mo
maipakikita ang pagiging malikhain sa
mga sumusunod:
• sa batang kapatid mo na nag-
aaral at naghahanda ng takdang-
aralin sa pag guhit
• sa iyong guro na nagtuturo ng
tamang paraan ng pag guhit at
nagsasalita sa harap ng klase
Bakit mahalaga ang
pagpapahalaga ng angking talino
at galing sa lahat ng
pagkakataon?
Sa iyong sariling pananaw, ano
ang kahalagahan ng mga gawaing
nakapaglilinang sa talento ng mga
kabataan ngayon?
Ipabasa ang Tandaan Natin:
• Hindi dapat ikahiya o itago ang angking
talento
• Ibahagi at gamitin sa tamang paraan
• Ugaliing lumahok sa mga gawaing
makapaglilinang ng talento
• Pahalagahan ang anumang talento na
ipinagkaloob ng Diyos sa atin
• Ibahagi sa iba ang anumang galing o talino
na taglay natin
• Alamin ang mga paligsahan o samahan na
maaari mong salihan kung saan maipakikita mo
ang iyong angking galing
• Maging mapagpakumbaba sa pagtanggap
ng mga karangalan o mga papuri ng ibang tao o
IKALIMANG ARAW
Ang Pipit
Levi Celerio

May pumukol sa pipit ng sanga ng isang kahoy


At nahagip ng bato ang pakpak ng munting
ibon Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang
taong bumigkas
Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na
nahabag Pag pumanaw ang buhay ko, may
isang pipit na iiyak
May isang pipit na iiyak, may isang pipit na
iiyak.
Ano ang mensaheng inihahatid
sa atin ng awitin?
Sang-ayon ka ba na dapat
nating pangalagaan ang bawat
nilalang kasama na ang ibong
pipit ayon sa mensahe ng awit?
Ipaliwanag.
Pangkatin ang klase sa tatlo
ayon sa kanilang hilig o interes
gaya ng pagsayaw, pag-awit at
pagguhit. Atasan ang bawat
pangkat na magpakitang-galing
ng kaniya-kaniyang
interpretasyon sa awitin.
Sa inyong ipinakitang talento sa
pag-awit, pagsayaw at paggawa
ng poster, alin ang mas higit
ninyong nagustuhan? Ipaliwanag.
Paano mo maipakikita ang iyong
angking galing sa larangan ng pag-
awit, pagsayaw, pagguhit at
pagbigkas ng tula?
Bakit mahalagang
maipakita mo ang
iyong angking talino at
galing na iyong
kinahihiligan?Dapat ba
nating alagaan at
pagyamanin ang ating
Kung nabigyan ka ng
pagkakataon na maipakita
mo ang iyong galing at
talino sa larangan ng pag-
awit, pagsayaw, pagbigkas
ng tula at pagguhit, ano ang
iyong gagawin?
Pumili ng isa (1) sa mga sitwasyon at sabihin kung paano
maipamamalas ang pagkamalikhain o malilinang ang iyong
talento. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Pambato ka ng inyong paaralan sa tuwing may paligsahan sa
pag-awit. Ngunit kapag nasa labas ka na ng paaralan, hindi mo na
nagagamit ang husay mo sa pagkanta.Minsang nagsimba ka
sa kapilya sa inyong lugar, napansin mo na walang koro na
kumakanta sa misa. Paano mo maibabahagi ang iyong talento sa
pag-awit?
2. Magkakaroon ng palatuntunan sa inyong paaralan. Hindi ka
naman napili ng iyong guro na lumahok sa nasabing programa
ngunit ikaw ay may natatanging angking galing sa pag-awit.
Nagkataon na wala sa iyong mga kamag-aral ang gustong sumali
sa palatuntunan. Ano ang iyong gagawin?

You might also like