You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2

Unang Markahan
Hunyo 12, 2021

I. LAYUNIN:
1. Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan
2. Nakalalahok ang mga kababaihan at kalalakihan sa mga gawaing makapagpapaunlad
sa sariling kakayahan
II. NILALAMAN:
Paksa: Kakayahan ko, Ipapakita Ko
Core Message: Ensure Non-Sexist Socialization
Kagamitang Panturo: Batayang Aklat (Edukasyon sa Pagpapakatao)

III. PAMAMARAAN:
A. GAWAIN
1. Tanungin ang mga bata kung sino sa kanila ang nakasali na sa kahit anong paligsahan
o kung anong paligsahan ang gusto nilang salihan.
2. Pangkatin ang klase sa apat.
3. Tiyakin ang pagkakaroon ng dalawang kasarian sa bawat pangkat.
a. Unang grupo: Aawit sa tono ng “Kung Ikaw ay Masaya”
Kon ikaw may talent, ipakita mo
Ang talentong naangkon, ipasigarbo mo
Kon ikaw malipayon, talent palambuon
Ang talento mo gasa sa Ginoo.
b. Ikalawang grupo: Kakanta at sasayaw
Dinhi malipayon, didto malipayon
Mokanta’g magbalak kita karon
Dinhi malipayon didto malipayon
Mosayaw ug mo-rap kita karon.
Sayaw sayaw dyutay
Kamot ikaway-kaway
Hawak ikiay-kiay,
Tuyok gamay.
c. Ikatlong grupo: Tutula
Kon ikaw may talent, ipakita mo
Ang talentong naangkon, ipasigarbo mo
Kon ikaw malipayon, talent palambuon
Ang talento mo gasa sa Ginoo.

Dinhi malipayon, didto malipayon


Mokanta’g magbalak kita karon
Dinhi malipayon didto malipayon
Mosayaw ug mo-rap kita karon

d. Ikaapat na grupo: Magrarap


Dinhi malipayon, didto malipayon
Mokanta’g magbalak kita karon
Dinhi malipayon didto malipayon
Mosayaw ug mo-rap kita karon.
Sayaw sayaw dyutay
Kamot ikaway-kaway
Hawak ikiay-kiay,
Tuyok gamay.

B. PAGSUSURI

GAD Integration:
Magtanong:
1. Ano ang inyong masasabi sa ipinalabas ng bawat grupo?
2. Magkakaparehas ba ang abilidad na ipinakita ng mga lalaki at babae?
3. Mayroon pa ba kayong ibang kakayahan o abilidad?Ano-ano ang mga ito?
4. Ano ang inyong nararamdaman habang ipinapakitaninyo ang inyong kakayahan?
5. Ano ang kailangang gawin upang mapabuti at mapaunlad pa ang inyong kakayahan?

C. PAGHAHALAW

-Ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang abilidad o talento.


-Biniyayaan ang lahat ng talento para ito ay magamit at maibahagi sa iba.
-Babae man o lalaki, dapat bigyan ng pagkakataon para lalo pang malinang ang kanilang
kakayahan.

D. PAGLALAPAT
1. Gawain
Gumuhit ng isang puso sa inyong papel.
Sa loob ng puso, isulat ang iyong abilidad o talento at paano mo ito
mapapayaman.

Talento ko __________

______________________

2. Basahin ang mga pahayag at lagyan ng tsek ang hanay ng tamang sagot.

Pahayag Tama Mali


1. Ipapakita ko ang kakayahan ko kung may bayad.

2. Mapapayaman ko ang aking kakayahan sa pamamagitan ng pagsali sa mga


palatuntunan sa paaralan.

3. Hihikayatin ko ang aking mahiyaing klasmeyt na sumali sa programa sa aming


silid-aralan
4. Ipagmamalaki ko ang talentong binigay sa akin ng Maykapal.

5. Sasali ako sa mga kompetisyon para mahasa ang aking talent/ kakayahan

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng ang mga larawan nagpapakita ng kanilang talent o gusto nilang
matutunan na kakayahan at naman kung hindi nila gusto.

1.
3.

5.

2.

4.

V. GAWAING-BAHAY
Bawat isa ay maghahanda ng talento o kakayahan at ipapakita nila ito kinabukasan.

Inihanda ni:

LEAGENE B. OLARTE
Guro I

You might also like